Dare 101 ~

93 1 0
                                    

***1***

6:45 am.

Sa wakas, malapit na din magstart ung class. Kanina pa kasi ako dito e. -_-

“Marianne…” si Chris, seatmate at blocmate ko.

“Hmm?” *yawns*

“May quiz ba tayo??”

“Ewan ko lang pero mag-aral kna din para sure. J ”

“Uhm, anu ba pag-aaralan??” sabi niya habang binobrowse niya ung notes niya.

“Genetics. :D”

“Ah okay Thanks! :D” tapos ayun nag-aral na siya.

AKO, eto, bored pa din. -___- 

*Bzzzzzzt.Bzzzzzzzzt.Bzzzzzzzzzzzzt.*

1 new message

Fr: ABM_Faye

Luka, may quiz ba sa Math mamaya?

Haha. Pansin ko lang, bakit ako ang tanungan kung may quiz. Mukha ba akong teacher??? Haha.

To: ABM_Faye

Oo. Tuesday ngayon dba? :D

Message sent.

*Bzzzzzzzzzzzzzt.Bzzzzzzzzzzzzt.Bzzzzzzzzzzzzzzzt*

1 new message

Fr: ABM_Faye

Oki. Thanks! :)))

Hm. Maload siguro tong si Fayeline. Haha. :))))

Si Fayeline at Christina, blocmates ko yang mga yan. Si Chris, close na kami since 1st  sem pa lang. Siya kasi ang lagi kong kaklase. Si Fayeline naman, ngayon ko lang yan nakaclose. Ngayong 2nd sem kasi, siya naman ang lagi kong nakakasama. Haha. Sabi nga niya sawa na daw siya sa mukha ko. Pasensya naman siya, hindi naman kasi ako maganda. Hahaha. ^_^

Kagaya niya (refer to WORDS LEFT UNSAID HAHA. Ang aga magpromote. Ang spoiler ko pa. HEHE), hindi din ako biniyayaan ng matangos na ilong. Haha. Pero maganda ang mata ko, bilugan kasi. Hindi ako mataba, siya lang ang nagsasabing mataba ako, in fact, I’M SLIM! Haha.  

Ay wait, kwento ako ng kwento pero hnd pa ako ngpapakilala ng ayos, intoduce ko muna sarili ko. :D Ako nga pala si Joana Marianne Rosales Hernan. Pero mas gusto kong tinatawag akong MARIANNE. Hehehe. Choosy pa ko e nuh? ^_^ Isa na akong college student. Napasok sa isang kilalang unibersidad dito sa Pilipinas. Course ko? Wag niyo na alamin! Haha. Joke, isa akong Agribusiness Management student. Di siguro kayo pamilyar don nu? Eh kasi naman po, limited lang ang schools na nag-ooffer ng ganung course. Hehe. It’s a fusion of agriculture and business management. Astig diba? Haha. Anyways, back to the main thingy, isa na akong oldFreshman, pero hindi ibig sabhin na ilang years na ako sa pagiging freshman. Haha. Old kasi 2nd sem na nga ngayon! :))  17 years old lang ako. Madami na akong naging karanasan sa love pero karamihan dun, hindi naman seryosohan. Mas gusto ko kasing unahin ang PAG-AARAL kesa sa PAG-IBIG. Haha.

Tahimik ako dati. Ung tipong magsasalita lang ako kapag tinatanung.

Iisa lang din ang routine ko araw-araw. SCHOOL. APARTMENT. SCHOOL. Yup, ganyan lang. Boring ko nuh? Haha. ^_^ Eh kasi laki ako sa pamilyang EDUKASYON ang kailangang iprioritize. Baduy na. Hahaha. Pero un ang totoo.

*Waaaaaaaang*Waaaaaaaaaaaaang*

Ayan tumunog na yung sirene. Start na ng class. Lecture lecture lang. Kunware nakikinig at nagtetake down ng notes, pero sa totoo, hindi naman. Haha. Kulit kasi nitong si Fayeline e! Txt ng txt. Kinukwento ung sa childhood puppy love niya. Haha, landi e. Bata pa kumikire na. Hahaha. JOKELEMENG Faye, alam kong binabasa mo ito! HAHAHA :DDD

Dare 101 ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon