Misguided

709 22 34
                                    


Life is unfair most of the time, may mga bagay na hindi mo inaasahang mangyare sa buhay mo na bigla ka nalang magugulat at magigising sa katotohanan. Then, your just gonna ask yourself, why the fuck am i in this situation?!

My name is John, happily married, well NOON yun! May wife and i had a wonderful marriage before. Like we own the world, ang pakiramdam na walang hahadlang sa pagmamahalan naming sagrado na ipinangako sa harap ng panginoon.

Maaga kaming nag pakasal, 28 years old ako at siya naman ay 27 years old. Well, hindi naman siguro maaga yun dahil parang pwede na diba? I have a good job, a nice salary to provide for her. Ang pinagkaiba nga lang ay....... Malayo ako sa kaniya.

My job requires me to be gone for a year kaya hindi madaling mag hanap ng syota aba! Kaya noong nakilala ko ang wife ko, naging kami for 3 months. Then back to work nanaman ako. After a year, niyaya kona siya mag pakasal para secured na ako syempre, mahirap na ang masilat pota!

Siguro nga totoo ang sabi ng pamilya ko napaka impulsive ko sa aking naging disisyon. Kahit ayaw pa nila, syempre ako parin ang masusunod. Buhay koto eh!

Bago ko palang siya niyaya mag pakasal ay naka pundar na ako ng bahay, may kotse at oo may pera. Kaya alam kong mabibigay ko lahat ng gusto niya.

Nakilala ko ang wife ko sa isang kaibigan. Ang saya nga ng kwento namin eh, pota lasing pa siya nun kasi kaka break up lang nila ng ex niya. Syempre ako naman to the rescue! I'm her freaking crying shoulder! Tinde diba?!

Wala pa akong tinutuloyan noon sa city kaya noong ihahatid ko na sana siya, ang sabi niya sakin, "can i just stay in your place?" so ako naman like WTF?!! SERYOSO?!!

So syempre ako habang nag dadrive nanginginig na kamay ko. Ang dami nang kalaswaan ang pumapasok sa utak ko amfota! Yung biglang nawala lahat ng tama ko kahit sa dami ng ininom ko noong gabing yun.

Pag dating sa hotel, agad siyang umupo sa kama. Pa tingin-tingin siya sa paligid. Sa isip kolang, ano kaya hinahanap nito?! So i asked her.

"Okay kalang? May kailangan ka?" tanong ko sa kaniya. She just looked at me and smiled. And boy she really is a beauty. Kahit lasing siya at parang malalaglag na ang mga mata niya pero ang ganda niya parin.

"Wala naman, ang ganda ng kwarto mo ah." sabi niya sakin. She was wearing a crop top, at skinny pants or whatever you girls call that shit, at naka heels. "Ahm, pwede ba akong humiram ng damit mo?" agad niyang tanong sakin at pagkatapos, dahan- dahan niyang hinubad ang kaniyang damit like POTAAAAA ITO NAA!!!

Agad akong nag halungkat sa aking maleta. Yung mejo malaki para lagpas tuhod niya. Noong maka hanap na ako ay naka talikod kong inabot sa kaniya ang damit.

"Bat ka naka talikod?" tanong niya sakin at may kasamang giggle na tawa pota ang cute kaya niya nun. "Wala, sige mag bihis kana, maliligo lang ako." sagot ko naman sa kaniya.

Agad akong nag tungo sa banyo at naligo. Ang dami na talangang kalaswaan ang pumapasok sa utak ko. Yun na siguro ang sinasabi nila na pag denidemonyo kana, lubos-lubosin mo nalang hahaha!

I put on my pajamas, haha! Yun lang kasi ang damit na naiwan sa banyo, ayokong lumabas na naka hubad aba! Pag silip ko sa kaniya, sooowsss miyo! Sobrang gulat na gulat ako kung anong nakita ko!!!

Naka tulog na pala siya!hahaaaha!! Sorry guys, walang nangyare noong gabing yun. Hindi ako yung tipong lalake na nag tetake advantage sa mga lasing. Marunong akong remespeto peksman!

Nilapitan ko siya at tiningnan ng mabuti, kahit inaakit na ako ng kaniyang mga maputing mga binti na naka tanday sa unan, minabuti ko nalang na umiwas ng tingin at tuloyan siyang pinatungan ng kumot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Misguided (Completed)*Short Story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon