Chapter 5: Uncle Theo's Visit

43 3 27
                                    

Lynne's POV

Na-check up na ako sa Private Hospital ng tito ni mama (Antonio Cruz Memorial Hospital) at wala naman akong fracture o kung anuman na nakuhang sugat dahil sa nangyari.

Nainom kami ngayon ng frappé ni Vea sa isang bagong bukas na café malapit sa school namin. Hindi ito malaki pero maganda ang interior design nito. Mukhang may favorite na flavor na agad si Vea, samantalang first time pa lang naman namin dito.

Wala siyang tigil sa pangungulit sa akin. Na-fall na daw ako kay Dayne, na sa simbahan na daw ang tuloy namin. Kabibigay ko pa nga lang ng second chance dun sa tao.

Bigla kong naalala, kamusta na kaya yung waiter doon sa restaurant na inaway ni Dayne? Natanggal kaya siya sa trabaho?

"Vea, please samahan mo naman ako sa restaurant kung saan kami unang nag-date ni Dayne." Pakiusap ko sa kanya.

"Anong meron?" Ang tanong niya habang mayroong mapang-asar na ngiti.

"Kung anu-ano na naman ang iniisip mo. Huwag na nga!"

"Hindi na nga, heto na nga." Pangungulit niya.

Lumabas kami ng cafè dala-dala ang aming hindi naubos na frappe. Habang naglalakad kami, panay ang paghigop ni Vea sa kanyang inumin. Mamaya-maya ay bigla siyang bumulong malapit sa tenga ko.

"Lynne, tingin ko may sumusunod sa ating dalawa."

"Wag kang mag-alala mga bantay ko lang yan. Dahil sa nangyari noong nakaraan na aksidente, pinababantayan ako ni mama sa mga bodyguards namin. Lagi akong susundan ng mga iyan." Paliwanag ko.

Noong sumakay na kami ni Vea sa kotse ko ay hiwalay namang sumakay ang mga bodyguards ko sa dala nilang kotse. Parehas ang brand at kulay ng kotse nila sa gamit naming itim na Mercedes.

Naging mahaba ang byahe namin dahil sa sobrang traffic. Wala akong magawa kundi ang tumitig sa labas ng bintana ng kotse, habang si Vea ay nakatulog na sa pagkainip.

Hindi ko maiwasang isipin kung bakit nangyayari sa akin ang mga komplikadong bagay na tulad ng arrange marriage at mga biglang aksidente.

Marahil ito na ang parusa sa akin dahil ginagamit ko ang pangalan na Lynne Del Fierro. Walang nakakaalam at walang nagluksa para sa kanya. Tanging ang mga magulang niya lang at ako ang nakakaalam na patay na siya...

Bigla akong kinulbit ni Vea. Tinuro niya ang harapan ng restaurant.

"Dito na ba iyon?" Tanong niya.

"Oo." Matipid na sagot ko sa kanya.

Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami. Masyado akong napasobra sa kakaisip ng aking mga problema.

Pagbaba namin ni Vea mula sa kotse ay nakita ko na agad yung manager ng restaurant. Katulad ng dati lalaking-lalaki ang dating ng kanyang pananamit ngunit walang kasing lambot na tulad ng sa isang babae ang kanyang mga kilos. Sinalubong kami nito sa may harap ng pintuan.

"Welcome, miss Del Fierro." Ang bati niya sa akin.

"Natatandaan niyo po ako?"

"Natural po ma'am, dahil you're one of our special guests before," ang sabi niya gamit ang boses niyang pilit niyang iniipit upang magtunog babae. "And also because your date with Mr. Vasquez that day have caused a scene."

"Nagawa ni Dayne iyon?" Ang nagulat na tanong ni Vea. "Ang bait kaya ni Dayne."

Pinili kong hindi na magpaligoy-ligoy pa sa kanya. Diretso ko na agad itinanong kung ano ang ipinunta ko rito.

"About po dun sa waiter, nandyan po ba siya sa loob?"

"Wala na po siya dito."

Matapos marinig ang sagot ng manager bigla akong nakaramdam muli ng galit kay Dayne. Napaisip akong muli kung karapat-dapat ba si Dayne sa binigay kong pangalawang pagkakataon.

The Liar's FaçadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon