Ako si Tin at ito ang love story ko. Nagsimula ang lahat sa isang 'Crush'. Nakikita ko lang siya noon na dumadaan sa harap ko. Gwapo, matangkad, matalino, at mabait siya. Halos lahat ng katangian ng isang lalaki, nasa kanya na. Kaya naman na-love at first sight talaga ako sa kanya. First year, first semester ko siya ng unang makita. Parang suplado nung una. Magkaiba pa kami ng course noon. Haaay.. Sayang naman magkaiba pa kami ng course! Enrollment na ng second semester. Makikita ko pa kaya siya? Dito pa kaya siya papasok? Clueless.. Napalitan ang schedule ko, pang-hapon na. Na-late kasi akong mag-enroll, pero okay lang. Hindi ko pa kilala ang mga classmate ko. Buti nalang classmate ko yung 2 kong classmates last semester. Ang saya namin noon nang biglang.. Waah, si crush! Ang saya ko nun kasi hindi ko akalain na magshi-shift siya ng course. Nabaliw nanaman ako nung time na yun, kinakausap ang sarili. Totoo ba ito o panaginip lang? Hindi talaga ako makapaniwala! Haay[Hinga ng malalim]. Ang saya naman nito! Nakatadhana nga siguro na gawin akong panghapon. Puno na kasi yung mga pang-umaga kaya sa pang-hapon ako inilipat. Sobrang saya talaga ng araw ko kasi lagi ko na siyang makikita at makaka-usap! Palagi kaming inuukit ng mga kaklase namin. Alam kasi nila na crush ko siya. Pero yung crush ko manhid, ni-hindi niya maramdaman na may gusto ako sa kanya kahit na obvious naman. Tinawag ako ng teacher ko para-magbasa. Sabi nung isa kong classmate sa akin..
Classmate: Ui! hindi makapagconcentrate sa pagbabasa kasi nakatitig sa kanya yung crush niya!
Lahat: Uyyyy!
Shocks, nagblush ako! Maloko kasi talaga yung mga kaklase ko. Nung tinignan ko yung crush ko, hindi ko alam na nakatingin pala siya sakin! May kasama pang smile. Lalo pa tuloy nagsigawan ang mga loko kong mga classmates. Hala, nagkagulo na ang buong klase! Hindi na tuloy makapag-klase si ma'am! Hiningi ng isa kong classmate yung number ng crush ko at ibinigay niya sakin. Siyempre, pa-humble muna ako! Pero kinuha ko na agad! Haha. Tinext ko siya nung uwian. Ako: Ingat!
Pero hindi siya nagreply. Maya-maya, may nag text! Nung una, hindi ko pinansin kasi baka walang kwenta. Pero na-curious ako kaya tinignan ko kung sino yung nagtext. Aba, si crush pala! Ang reply niya..
Crush: Who are you?
Ako: Si Tin to, classmate mo!
Crush: Ah,ui! Ikaw pala. Saan at paano mo nakuha yung cellphone number ko?
Ako: Ahh, wala. May nagbigay sakin.
Crush: Ahh! Kilala ko na kung sino..
Ako: Sino?[Kunwari hindi alam]
Crush: Yung isa nating classmate! Siya lang naman kumuha ng number ko kanina eh!
Ako: Baka nga :P.
Simula nung araw na yun, lagi na kaming magka-text!
ABANGAN ANG NEXT EPISODE! (c)msivandorschner

BINABASA MO ANG
Crush turned into a big love
Teen FictionThis story was written by a Youtube user, msivandorschner and is inspired by a famous filipino writer, Marcelo Santos III. It is about a simple crush which turned into a big love.