Parang kailan lang. Dati nakikita ko lang siya at pinapangarap na humantong naman sa simpleng ''crush'', nang nagtagal ay naging 'Love'. Masaya kaming dalawa. Araw-araw ang ginagawa namin ay kulitan at lambingan. Laging nag sasabihan ng ''I love you'' at ''Mahal kita''. Hindi ko inisip na ito ang huling araw ng aming pagsasama. Dumating na ang araw na aking kinatatakutan, ang araw ng aming paghihiwalay.
*1 message received* From: Bebe
Bebe: Bebe alam na niya..
Ako: Ha? Ano? Panu yan? Anong gagawin natin?
Bebe: Hindi ko nga alam ang gagawin ko eh. Pero bebe kahit anong mangyari, mahal kita.
Ako: Hala panu na to?
Bebe: Kaya nga. Pero hindi ko naman gustong layuan ka.
Hindi agad ako naka-reply kasi natatakot ako.
*1 message received* From: Bebe
Bebe: Nagreply na siya. Sabi niya masaya daw siya para sakin.
Ako: Weh? di nga? Baka niloloko mo lang ako?
Bebe: Hindi nga. Yun nga talaga yung sinabi niya. Pati nga ako nagulat.
-Makalipas ang isang oras-
*1 message received* From: Bebe
Bebe: be, pupunta ako sa school ngayon
Ako: Ha? Bakit?
Hindi na siya nag-reply pagkatapos nun.. Hindi ako mapakali at kinabahan ako dahil hindi niya ako tinetext magdamag. Nagtext na ko sa kanya at ang sabi ko..
Ako: Goodnight bebe. See you tomorrow, I love you!
-Kinabukasan-
Ayan dumating na siya. Hindi niya man lang ako kinausap o pinansin. Alam ko na kung anong ibig sabihin nun. Biglang tumulo ang luha ko nang kinantahan ako ng mga kaklase ko, habang siya, ayun. Hindi mo maintindihan ang reaksiyon. ''Poker Face'' kumbaga. Araw-araw kaming ganun. Isnoban. Ako naman, sa sobrang lungkot ko, palagi akong umiiyak, balisa, tulala, wala sa sarili, at kung ano ano pa. Ang hirap talaga kasi palagi ko siyang nakikita, ang lalaking minahal ko ng lubusan. Naaapektuhan na pati ang pagpasok ko. Lagi akong nagka- cutting classes. Siya paminsan-minsan lang. Kapag ako wala, siya naman nandun, pag ako naman ang nandun, siya naman ang wala. Nahalata kami ng teacher namin at kinausap niya kami. Sabi sakin ng teacher ko..
Teacher: Oh ano? Ayos ka na ba? Aba'y pareho kayo ng ginagawa eh. Kapag wala siya, ikaw ang papasok. Pag pumasok siya, ikaw naman ang wala. Ano ba ang nangyayari sa inyo? Ang babata niyo pa.
Hindi ako nakaimik sa sobrang hiya ko. Medyo naiiyak pa ako nung oras na yun.
Teacher: Alam mo kung kayo talaga, magkikita at magkikita din kayo in the future at isa pa, hindi lang siya ang lalaki sa mundo.
Napaisip tuloy ako.. Sabi ko sa sarili ko, parang tama si Ma'am. Pero kung magmo-move on man ako, hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula. Siguro sa ngayon, masakit parin. Pero malay ko din diba? Malay ko, okay na ko bukas. Wala naman talaga kaming malinaw na break-up. Ni hindi nga kami nagtetext sa isat isa, magka-usap pa kaya? Lalo pa kaming nawalan ng chance para makapag-usap kasi tapos na ang pasukan. Pero kumakapit parin ako sa pangakong binitawan ko sa kanya. Ang pangako na ''Hihintayin'' at ''Mamahalin'' ko siya hangga't sa kaya ko pa. At oo, naghihintay parin ako sa kanya hanggang ngayon. Umaasa ako na sana balang araw, surpresahin niya ako at sabihing, ''Mahal parin kita''.
Dito na po nagwawakas ang love story na ito.
Tell me what you think! Leave a comment below at abangan ang susunod na story! :)

BINABASA MO ANG
Crush turned into a big love
Teen FictionThis story was written by a Youtube user, msivandorschner and is inspired by a famous filipino writer, Marcelo Santos III. It is about a simple crush which turned into a big love.