Karog: Sa Mundo Ng Pantasya (Fan Fiction)

2K 11 9
                                    

Fan Fiction po para sa peborit kong author...

Enjoy!

_______________________________________________________________________________

Dahil sa badtrip ko sa lalakeng katabi ko at kay Jayden my labs eh natulog na lang ako hanggang makarating sa dapat naming puntahan. San nga ba kami pupunta? Sa Enchanted Kingdom daw ang unang destinasyon. Tsk, ilang beses na kaming nakapunta ni Tina at Yanskie dun eh, patakas nga lang. Sana pala nagpaalam na lang ako para maiba naman.

Lahat ng klase ng rides ay sinubukan namin para masulit naman ang bayad. At syempre para makalimutan ko na rin si Jayden. Ooops, naalala ko nanaman. Erase. Erase. Erase.

Pero may isang ride na hinding hindi ko talaga susubukan sa buong talang buhay ko, ang Roller Coaster. Ayoko pa kayang mamatay. Hay, hindi talaga ako sasakay dun kahit anong mangyari. Maging mitsa pa yan ng buhay ko. Pag nahulog ako dun panget akong mamamatay. This can’t be. Matapos kong tumutol, maglupasay at ngumawa-ngawa eh yung dalawang kasama ko mas excited pa sa excited na pumila sa napakahabang pila. Hay.

 Makalayo na nga sa dalawang yun. Kabisado ko ang mga likaw ng bituka nun eh. Baka pag malapit na bigla akong hilahin at mapasakay ako ng hindi inaasahan. Ayoko nga.

 Teka, parang may sumusunod sa akin kanina pa. Siguro nagandahan sa akin ‘to. Pustahan may crush sa akin ‘to. Pero syempre hindi ako lilingon baka isipin nito assuming ako. Sa CR muna ko punta bago ko sya titignan, magpapaganda muna ko. Baka papa ‘to eh.

 Matapos ang 30 minutes kong pag-aayos at pagmumuni-muni lumabas na ako pero laking gulat ko nung may biglang humawak sa braso ko. Handa na kong gamitin ang natutunan kong Judo sa kanya ng nakita ko ang iritadong mukha ni Ulan. Hay sya lang pala.

 “Ang tagal mo naman.” Rain

 “Bakit mo ba ko sinusundan?” Joy

 “Asa ka namang sinusundan kita.” Rain

 Pero dahil inis ako, hindi ko na tinangkang sagutin sya. Baka mapahaba lang yung usapan namin.

 Sa paglalakad-lakad ko ay nakakita ako ng isang café. Mukhang masarap dun ha, masubukan nga. Ang lagay ba eh si Tina at Yanskie lang ang masaya. Hahahaha. Ngayon ko sila lalamangan.

 Umupo ako sa upuan na pangdalawahan kung saan makikita mo yung labas. Boring pala mag-isa. Nami-miss ko yung dalawa.

 May lumapit sa aking waitress at nagbigay ng menu. Wow sosyal, may ganito pala dito. Andaming cake at burger. May peborit.Yum, Yum, Yum.  Ang mahal nga lang. Ube at leche flan pa lang ang nababasa ko nung may umupo sa harap ko.

 Tsk, si Rain nanaman. Bakit ba laging present ‘to.

 Bigla ba namang tumili yung waitress at saka hinila yung hawak kong menu at humarap ng may ubod laking ngiti sa lalakeng kaharap ko. Bastos lang. Hay buhay. Si Rain lang yan eh.

 Hindi pa nakuntento ang balasubas na waitress na to. Binasa ba naman isa isa kay Rain lahat ng meron sila. Si Rain naman halatang hindi bibili dahil sa labas naman sya nakatingin at hindi nakikinig. Tatahimik at makikinig na lang sana ako nung mapatingin ako sa pintuan.

 Waaahhh, si Jayden at Myrtelle pumasok. At umupo pa sa pwesto na malapit, kitang kita at madadaanan ko. Ang puso ko dinurog nanaman. Ano ba ang tingin nya sa puso ko? Paminta? Pwedeng buo, durog at powder. Ang sama nya.

 Dahil dito hindi ko napigilang isambulat ang saloobin ko. Isambulat talaga? Makata na ako ngayon. At ang pobreng waitress ang napagdiskitahan ng galit ko.

 Kinuha ko ang lalagyan ng ketchup at ginamit ko yun para magdrawing sa table. Nagdrawing ako ng sad face. Nilagyan ko pa ng kilay, buhok at dimples. Mapadami lang.

“Hoy miss, ako yung may order hindi yang epal na lalakeng yan. Anong tingin mo hindi sya marunong magbasa? Kaya nyang basahin yang mga yan kahit nakapikit.” Joy

 Bago pa ko singilin ng manager sa ginawa ko eh mag-wo-walk out na ko. Syempre, dahil sa eskandalong ginawa ko, lahat ng mata ng mga customer eh nasa akin. Papayag ba akong ang spotlight ay na kay Myrtelle na yan. No way highway.

 Napatigil ako sa pag-iisip at paglalakad ng biglang narinig ko ang sinabi ni Rain.

 “Wag ka ng magselos.” Rain

 Ano daw? Napaharap ako sa kanya at tatanungin ko sana kung anong pinagsasabi nya. Pero bago pa ako makapagsalita ay dinugtungan nya ang sinabi nya.

 “Mahal kita.”

 Ha? Nakakabobo ba yung egg sandwich na kinain ko? Bakit hindi maprocess ng utak ko yung sinasabi nya. Ni hindi ko man lang naisip na tignan ang reaksyon ni Jayden.

 Mas lalo akong nawala sa sirkulasyon ng hawakan ni Rain ang kamay ko at hilain ako palabas. Bakit para akong nakukuryente at biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Ano bang nangyayari?

 *___________*

 Author's Note:

 Wahahahahaha….. Pwede na ba ang Fan Fic ko author?? Wala lang akong patawa dito. Hindi ako marunong eh... Practice at paturo pa sayo… Sana nagustuhan mo...Pasasalamat sa'yo...

Ang sweet ko naman...

Karog: Sa Mundo Ng Pantasya (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon