Chap 2: Katapusan na ba 'to??

502 7 6
                                    

Hindi ko sana itutuloy kaso naisipan kong gumawa ng cover eh dahil request ni peborit author eh.  Sayang naman.  Ayos lang naman di ba Karu?  Panget ba yung gawa ko?

Hindi ako prepared sa ganitong sitwasyon kaya nagpatangay na lang ako sa paghila ni Rain sa akin.  Nang nakalabas na kami ay agad din nya ‘tong binitawan.  Hindi pa ako nakaka-move on sa ginawa nya kaya nakatulala lang ako at hindi makapagsalita.  Bakit ba ganito?

“Hoy” sabi nya sabay pindot sa ilong ko.

Tinignan ko siya ng masama.

“Sabi ko bayad na ako.” Rain

“Anong bayad?” nakakunot noong sagot ko.

“Sa tubig mo na ininom ko.” Rain

“Ha????!!!!” ako na nagtataka

“Si-nave kita dun ah. Kung wala ako dun baka nakita mo kung pano maglambingan si Jayden at Myrtelle.” Rain

Wala akong masagot sa sinabi nya kaya tumalikod na lang ako at lumakad palayo sa kanya.  Pakiramdam ko kasi nasaktan ako sa sinabi nya.  Hindi ko alam kung dahil sa pinaalala nya na andun magkasama si Jayden at Myrtelle o dahil hindi totoo yung sinabi ni Rain na mahal nya ako. 

Bakit ko naman naisip yun?  Gusto ko na ba si Rain para masaktan ako? Hindi naman siguro, hate ko kaya yang siraulong yan.

Pakiramdam ko nagiging boring na kaya bumalik na lang ako sa bus.  Maliban kasi sa paglafang eh hobby ko rin ang matulog.  Walang akong madaming pera kaya matutulog na lang ako.  Mamaya wala na ‘tong bad trip kong ‘to, tulog lang ang katapat.

Pag-akyat ko sa bus ay may nakita akong isa pang estudyante.  Dahil sa madadaanan ko naman yung upuan nya tiyak mapapansin ako neto.  Sasabihin ko na lang sa kanya na wag syang maingay dahil matutulog ako. Hehe. Parang pamilyar sa akin kung sino sya.

Napatingin sya sa akin at malapad na ngumiti.

Nginitian ko na rin sya.  Kilala kaya ako neto? Sigurado hindi sya mag-iingay kasi nagbabasa sya eh.  Oooppss teka.  Iniisip nyo bang isa syang genius kaya siya nagbabasa? No!  Tanong nyo muna kasi anong binabasa. Ano sirit na? Pocketbook. Si Vanessa ang author.

“I don’t have true friends here since I’m just a new student.  I’d rather spend my time reading my favourite author’s book than to mingle with those people I barely knew.”

Wahhhh. Nosebleed. Tama bang englishin ako. Don’t English me cause I’m panic. Hahaha. Yun sana isasagot ko kaso baka sabihin nya snob ako.

“Don’t mind me.  I’ll just take a nap. It’s kinda boring there.” Sagot ko.  Syempre magpapatalo ba ako sa labanang englisan.  I learn from the vest (hindi ‘to typo, ganyan talaga yan) kaya, bespren Tina and bespren Yanskie, the best yan sa kalokohan.  Asan na kaya yung dalawang baliw na yun?  Kawawa naman itong babaeng ‘to, buti pa ako may true friend.

Papunta na ako sa upuan ko ng  nagsalita pa siya “You’re Joy right?”

Napatingin ako.  Nabigla ako eh.  Kilala nya ako? Akalain mo yun.  Ah siguro dahil kay Tina.  Kasama niya ‘to sa varsity eh.

“Uhuhmmmm.  How did you know?” sagot ko

“You, Tina and Yanskie are popular in the school.  I kinda like the three of you. I hope I can be your friend.” Sagot nya, ano nga bang pangalan neto.  Nakalimutan ko na.  Like?  Tibo kaya ‘to?  Friendship pala gusto niya eh kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong ilabas ang pagkamaldita ko.

“Requirement #1, tigilan mo ang kaka-english nasa Pilipinas ka day.  Ano nga ulit pangalan mo?” Joy

“Joann.  Sorry galing kasi akong America eh.” Sagot nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Karog: Sa Mundo Ng Pantasya (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon