Kabanata 1

8 0 0
                                    


Ang galing n'ya talaga.

Gwapo, mabait, at talented. Boyfriend material 'di ba?

'Yan ang bestfriend ko este namin pala.

Nandito kami ngayon sa gymnasium para makilahok sa iba't-ibang paligsahan para sa Foundation week ng aming paaralan at kakatapos lang magperform ni Crisostomo. Ang aming almost perfect na kaibigan maliban na lang sa kanyang sinaunang pangalan.

"And now for the female category, let us all welcome the reigning campus princess and the Crush ng bayan awardee...
Martina Molina of Grade 9 section one!!"

Woooh heto na talaga!

Nag-umpisa nang tumugtog ang paborito kong kanta at syempre, nag-umpisa na din akong sumayaw. Habang sumasayaw tumingin ako sa mga kaibigan ko na hindi magkamayaw sa pagsigaw.

Pababa na ako ng stage nang biglang tumakbo palapit sa akin ang aking mga kaibigan..

"Em-em!!" sabay-sabay nilang sigaw.

Bahagya pa akong natawa nung natilapid si Gino sa bato.

"Ang galing mo, bagay talaga kayo ni Crisostomo" sabi ni Gina, ang kakambal ni Gino.

"Cris nga ang pangalan ko! CRIS!! 'tsaka hindi kami bagay ng panget na 'yan" sabi niya sabay turo sa akin.

"Hoy Crisostomo! Kung panget ako, mas panget ka 'tsaka yung pangalan mong galing sa aparador. CRISOSTOMO!!"

"Aba Martina! Akala mo ba hindi ko alam na may pagnanasa ka sa akin? Pasensya na pero kapatid lang ang tingin ko sayo. Hindi ka pa pasok sa standards ko eh" pagmamayabang pa ni Cris.

"Hahaha d'yan din nag-umpisa ang lolo't lola namin eh" sabi naman ni Gino.

"Yuck! Sinasabi nyo bang magkakatuluyan din kami?!"

"Hindi. Sinasabi ko lang na sabay kayong mamamatay, ganun ang nangyari sa lolo't lola namin eh."

At napuno pa ng asaran at tawanan ang maghapon namin.

***

Pasakay na ako sa kotse nang may kumulbit sa akin..

"Oh bakit?" kunwaring pagtataray ko sa kaniya.

"Sungit. Pwede bang makisabay? Nasira kasi ang sasakyan namin."

Tumango na lang ako at sumakay na. Sinabi ko na din sa driver na idaan muna si Cris sa kanila bago umuwi sa amin.

"Bye Martyyy!" masiglang sabi niya bago bumaba.

Sa totoo lang hindi naman talaga ganyan si Crisostomo, paiba-iba 'yan ng ugali at kaming mga kaibigan n'ya ang malimit makakita sa side n'yang ganyan. Masiyahin, makulit, at may pagkaisip-bata.

Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto dahil sa sobrang pagod pero habang nakahiga ay inalala ko ang mga nangyari maghapon..

...bagay talaga kayo ni Crisostomo

...pasensya na pero kapatid lang ang tingin ko sayo

Ang daming nangyari ngayon at iba't-iba din ang naramdaman ko. Naging masaya, at naging malungkot pero maya-maya ay masaya na ulit at iyon ay dahil sa aking mga kaibigan.

Nanatili pa akong nakahiga hanggang sa dalawin na ako ng antok pero kasabay ng aking pagpikit ay nabuo ang isang tanong sa aking isipan..

Bakit ako nakaramdam ng lungkot noong sinabi ni Cris na kapatid lang ang tingin niya sa akin?

------------

Hmmm. Bakit nga kaya?

Abangan!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DistansyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon