Love??

3.3K 114 106
                                    

Madami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang totoong kahulugan ng pag-ibig.

Madami na'ng nagtangkang maghanap nito?

Mayroon namang ilang mga Henyo ang naglakas loob na gumawa ng mga nobela upang bigyang hustisya ang naturang bagay.

Para sa mga nakatagpo na ng tunay na kahulugan ng pag-ibig,saludo ako sa inyo.

Sa mga hindi pa natatagpuan.

Narito ang ilang mga pa-kahulugan na napulot ko pa sa pinakamadilim na sulok ng aking kaisipan.

Bahala ka ng pumili kung alin ang aakma sa iyo..

1. Ang Pag-ibig ay parang "tutuli" ;minsan hindi ito makakabuting manatili sa buhay mo.

2. Ang pag-ibig ay parang "LBM" ;kapag naramdaman na,hindi mahahadlangan nino man,lalabas at lalabas.

3. Ang pag-ibig ay parang "tibe" ;alam mo ng masasaktan ka lang,pilit mo pang inilalabas.

4. Ang pag-ibig ay parang "inggron" ;kapag nabuo na sa katawan mo,napakahirap at masakit ng tanggalin ito.

At ang pinaka-da-best sa lahat...........

5. Ang pag-ibig ay parang "utot" ;basta-basta na lang nabubuo,at ang masakit nito,kapag ginusto mo ng ilabas,hindi lahat ay kayang tanggapin ito.

Ano may napili ka'ba??

Ano nga ba'ng hiwaga mayroon ang bagay na ito at lahat eh nagnanais na ito'y makamtam??

Para sa akin ang pag-ibig ay kahalintulad ng isang "awitin" ...

Paulit-ulit lang na napapakinggan.

"Requested" ng lahat..

Pero hindi lahat ay napapagbigyan..

Pero hindi din naman lahat ng napagbigyan,ibig sabihin ay sumaya nga..

Madami ang nabigo at nasaktan,madami kasi ang nabulag at nabighani sa ibang "genre" ng kanta..

Kaya ako?? Ang version ng "pag-ibig" ko ay "minus one" ..

Hindi mo naman kelangang madinig ng paulit-ulit 'yung linya ng "i love you" ...

Ang mahalaga lang ay madama at madinig ang "melodiya"..

Ang kaluluwa ng kanta..

Love??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon