Naglalakad ako papuntang school na naka busangot ang mukha. Pano ba naman! Yung kapatid ko nakakainis!
Flashback
Katatapos ko lang maligo.
"Nhea! Ikaw na maligo."
"Nakain pa ako"
"Bilisan mo. 6:15 na. Magliligpit ka pa"
"Ayoko!" Sabi niya tapos nag diretso na sya sa banyo. Bwiset ka! Sabi ko na lang sa isip ko.
Nagmamadali na ako magbihis para maka alis na agad. Nakahingi na naman ako ng baon kay mama. Kailangan ko na lang talaga bilisan para hindi ako ang maghugas ng mga pinggan.
Tok tok tok tok!
"Ate bilisan mo. Kanina pa ako tapos ang bagal mo talaga kumilos. Mauuna na ako sayo ah!"
Hala! No! Wait! Hindi pede. Nagme-medyas pa lang ako. Dali dali kong binuksan yung pinto.
"Mamaya ka na umalis! Hintayin mo ako."
"Ayoko."
Tapos tinalikuran na niya ako. Aaarrrggghh! Kahit kailan talaga. Binilisan ko na para makahabol ako sa kanya.
Saktong nasa pintuan na ako paalis
"Dein! Iniwan na naman ng kapatid mo ang hugasan. Ikaw na magligpit nun"
"Ma late na ako. 6:45 na. Maglalakad pa ako papuntang school"
"Maaga pa. Di ka naman aabutin ng isang oras sa pagliligpit. Simulan mo na"
Simangot ako papuntang kusina.
End of Flasback
Ayun nga. Kaya ako mukhang biyernes santo ngayon. At natural na late na ako. 7:15 na naglalakad pa lang ako. Saya diba? Napagalitan at napalabas lang kahapon sa room tapos eto at baka mapalabas ulit dahil late na.
"Anne! Sabay kana!" Narinig kong sigaw mula sa gilid ko. Paglingon ko may lalaking naka sakay sa tricycle tapos tinatawag ako.
Binigyan ko lang sya ng KILALA-MO-AKO-LOOK?
"Late na tayo sumabay ka na sakin"tapos bumaba sya sa tricycle. Hinila niya ako para sumakay. Hindi ko alam kung natural lang sa kanya ang pagiging tahimik kase kanina pa sya hindi nagsasalita. Naiilang ba sya?
"Oy" kinalabit ko sya. "Okay ka lang? Bakit ayaw mo magsalita?""A-ah wala lang. Nakalimutan ko magpakilala HAHA. Taylor Yohan Santiago."
Santiago? Santiago. Santiago. Santiago.
Ah! Katabi ko pala sya sa upuan.
"Ikaw yung katabi ko diba?"
Tumango lang sya sakin. Nahihiya ba to? Mukhang wala sa itsura HAHAHAHHA
"Bakit ngumingiti ka na dyan Anne?"
Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Wala lang"
Tapos nanahimik na ulit kami. Wala nang nagtangkang magsalita ulit. Hindi naman malayo ang school sa bahay namin ah? Bakit parang ang tagal namin makarating dun? Sa katunayan pa nga nasa kalahati na ako nung nilalakad ko kanina.
Di ko na kaya ang katahimikan! Feeling ko nasa-suffocate na ako dito kung hindi pa ako mag o-open ng topic. Mukhang wala syang balak makipag usap sakin.
"Sorry pero hindi ko kaya----"
"Nandito na tayo" sabi ni Manong Driver. Napalingon naman sakin si Yohan. Ngitian ko na lang sya tapos bumaba na. Nauna na akong maglakad kase 5 minutes na lang mag u-umpisa na ang klase.
YOU ARE READING
M.U (Malanding Ugnayan) (Playing Hearts Series #1)
Short StoryNaranasan mo na bang umibig? Naranasan mo na bang masaktan? Ako ang target nya sa laro at sya ang hunter. Ako ang character na gamit nya at sya ang player. Naglaro kaming dalawa--este nakipaglaro ako sa kanya. Pero sa hindi inaasahan nahulog ang i...