I'm Kim Jongin's Property { Kaisoo ff }

1.9K 54 15
                                    

Dedicated to SujirouManabe. Unnie, I'm a fan of your kaisoo & hunhan ff! Grabe, Ang gaganda po. Gustong gusto ko yung 'love and regrets' pati narin yung 'You dont know me' kahit hindi pa tapos. :3


"W-what?" Sigaw niya. Hindi siya makapaniwala sa sulat na nabasa niya mula sa bestfriend na si Byun Baekhyun.

Dear Kyungsoo,

     Patawarin mo sana ako sa nagawa ko, Once na mabasa mo 'tong sulat na 'to, Malamang ay nag aaround the world tour na kami ng labidabs kong si Park Chanyeol dahil sa perang sinampal samin ni Jongin, Nawa'y maintindihan mo sana ang ginawa ko. Para 'to sa future ng batang dinadala ko ngayon sa sinapupunan ko.. Oo, Tama.. Nagbunga na ang kalandian namin ng labidabs ko.. At wag na wag mo sanang isipin na ambisyoso ako dahil sa sinabi kong buntis ako.. Tanggapin mo nalang na magiging ninong ka na.

Nagmamahal, Ang malanding kaibigan mo. Baekluuu. PS: One of this day ay bigla nalang siyang susulpot. Expect the unexpected! Tsaka Hot fafa naman si KIM JONGIN. Enjoy!

 

Nilamukos niya ang papel pagkatapos basahin ang sulat na puno ng kagaguhan mula sa kaibigan.

“Papatayin kita Byun Baekhyun! Grrrr!” Sigaw niya. Hindi siya makapaniwala na makakayang gawin ng matalik niyang kaibigan ang ganoon sa kanya. Binenta siya nito kay Kim Jongin.. Si Kim Jongin na kinababaliwan ng mga kababaihan dahil bukod sa nag uumapaw na kagwapuhan at karisma ay ubod pa ng yaman.. Si Kim Jongin na pinagtataguan niya. Binenta siya nito sa pamamagitan ng pagturo ng kinaroroonan niya.. Oo, Wanted siya kay Kim Jongin dahil sa isang kasalanang nagawa niya. Nang dahil sa chismis na ikinalat niya.


 © 2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or  by any means without prior consent or permission of the author. PLAGIARISM is a CRIME.

Written by: GirlWhoCauseTrouble {Pinkeukai}

date posted: 08/30/14 

I'm Kim Jongin's Property { Kaisoo ff }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon