siyam

388 17 9
                                    

"Kyungchi, samahan mo na kasi ako! Pleaseuuuuu?" pangungulit ni Krystal kay kyungsoo.

"Close tayo teh?" nagmamagandang taas kilay ni kyungsoo dito. Inaaya kasi siya ni Krystal na magovernight stay sa Jung's Mansion dahil mag isa lang daw ito sa bahay because her parents went to abroad because of business.

"Grabe ka ha! Dahil sayo kaya ako nandito tapos gaganyanin mo lang ako?! Sige, huwag mo kong samahan. hindi tatahimik ang maghapon mo sumpa ko sayo! Parang overnight lang, hindi mo pa ako mapagbigyan?"

Sa kabila ng trying hard na pagtatago ni Kyungsoo kay krystal ay natunton parin nito kung nasaan siya at yun ay sa pamamagitan ni Tao, ang putangina. Nandito sila ngayon sa office-office-an ni kyungsoo.

Sa kabilang banda ng table ay nakikita ni kyungsoo ang pagnganga ni Tao. Hindi makapaniwala ang panda na kinukulit ng idol niya si kyungsoo at nagmamaganda naman tong bakla niyang kaibigan. Imagine, isang krystal jung patay na patay sa kaibigan niyang bakla? God.

"Sitaw. Isara mo yang bibig mo. Baka pasukan ng langaw. Nakakahiya." Puna ni kyungsoo dito sabay ayos ng bangs.

"Pumayag ka na kasi!! Wala namang pasok bukas dahil weekend na, bat ayaw mong sumama sa bahay?!"

"Putangina kyungsoo. Wag ka ng magmaganda friend. Sumama ka na kay krystal. Tapos hingi ka ng fashion tips." Bulong ni Tao pagkalapit kay kyungsoo.
Pero kinurot lang siya ng kwago.

"Gago. Kapag sumama ako sa kanya, bukas hindi na ako virgin. Tangina, mukha lang anghel yan pero rapist ng mga bakla yan kaya mag ingat ka." Ang nakakagagong sabi ni kyungsoo. Nahampas tuloy siya sa ulo ni inang reyna krystally. Napatakip naman si tao sa bibig pati sa boobs kahit wala sya nun, rapist pala ang idol niya?!

"Ambisyosa! Inaamin kong may pagtingin ako sayo pero hindi ako rapist, gaga!" kurot ni Krystal sa nguso ni kyungsoo.

'"Omg. My heart shaped lips, dont touch it!" Marakulyo ni kyungsoo. Konting pasensya nalang, ibabalibag niya na tong si krystal.

Napamewang nalang si krystal. Ang arte ng kyungchi niya no? feeling mahaba ang bangs, Siya dapat ang nagfefeeling reyna, hindi tong kwagong bakla na 'to. Napatingin siya sa kasama ni kyungsoo. Sitaw ba name nito? May silbi kaya sa lipunan to?
napangisi siya. Ang alam niya idol na idol siya nito. She can use this guy to persuade her kyungchi.

"You." Turo niya dito.

"Huh? What me?"

"Want to see my fashion collections?" She flashed her brilliant smile.

Nakita niyang lalong nanlaki ang eyebags sa mata nito. Wow, naexcite si tao kaya nagexpand ang eyebags xD

"I-ipapakita mo sakin?! omg, kyungsoo. Mag empake ka na!" Yugyog ni tao kay kyungsoo na napanganga nalang. Mukhang naisahan siya ni krystal. Si tao pa ang ginamit, deputa.

"Tangina mo. Mag empake ka mag isa mo." Singhal niya kay tao sabay tayo sa inuupuan pero hinila ulit siya paupo nito.

"Tangina ka rin friend. Wag na mag inarte, hindi tayo magtatagal doon. Tska dont worry babantayan ko virginity mo para hindi mawala." Ang mahinang bulong ni tao. Hindi niya pinarinig kay reyna krystal, mahirap na baka bawiin ang trip to krystal's fashion collection na inaalok nito.

"AYOKO PA RIN GAGO!!"

Tangina, masyadong high level ang volume ng boses ni kyungsoo. di na ba matitigil tong sigaw ng kaibigan niya? Marunong din uminit ang ulo ni lolo tao noh.

"TANGINA ANG ARTE ARTE MONG BAKLA KA. KUNG NAG AALALA KANG BAKA MAWALA VIRGINITY MO BAKIT HINDI KA NALANG MAG PA KAMA -ESTE MAGADVANCE HONEYMOON NALANG KAYO NG FIANCEE MONG SUNOG O KAYA ISAMA MO SIYA PARA SAFE YANG K-NGINANG V MO. KAPAG HINDI NATUPAD ANG PANGARAP KONG MAKITA ANG COLLECTION NI KRYSTAL JUNG, TANGINA, MAGKAKAEYEBAGS KA RIN FOREVER SA MATA KAGAYA KO DAHIL GABI GABI KITANG KOKONSENSIYAHIN KAYA KUNG AKO SAYO, MAG EMPAKE KA NA MAMAYA. TSEE!!"

Napanganga nalang si kyungsoo sa intense outburst ni tao. Wow, halimaw talaga.

At the same time ay nagdilim ang aura ni Krystal, may fiancee ang kyungchi niya? At sinong malanding babae yon?

Bitch, Do Kyungsoo is only mine.

--

After school hours.

"Hi babe!"Ang lambing ng tawag niya kay jongin dahil for god's sake, Irita na siya ke impaktang krystal. Sabe na eh. Stress ang dala ng baluga sa school life niya e. nandito siya ngayon sa tambayan ng grupo ni Jongin. Pagkatapos ng klase ay umuwi sila sa kanya kanyang bahay para mag empake ng gagamitin for the next day. Naconvince din sya ng deputang kaibigan, kaya eto siya sumusunod sa idea ni tao na magpakama- este magpasama kay jongin para iwas skinship siya kay krystal. Parang linta pa naman yung gurlalooga na yun. Ang usapan ay dadaanan sila ni Krystal sa gate ng school para sunduin.

Mukha namang nagulat si jongin dahil sa lambing ng boses ni kyungsoo. Ngayon lang din siya nito tinawag ng babe. Omg, parang gusto magpaparty ni jongin. Nagbunga din ang pinaghirapan niyang callsign nila. Babe narin sya ni kyungsoo.

"Finally, babe mo narin ako." Ngisi ni Jongin. Pinigilan ni Kyungsoo magroll ng mata. Magiging mabait muna siya ngayon kay Jongin dahil may favor siyang hihingin dito.

Inikot ni jongin ang paningin para hanapin kung anong meron at bakit ganon ang tungo ni kyungsoo sa kanya. Ang nakita niya lang ay isang maletang maliit. (Oh diba, ang sosyal ni donya kyungchi. Magoovernight lang.. nakamaleta pa. XD)

Magbabakasyon ba ang babe niya?

"Saan ang lakad natin babe?"

"Ah.. uhmm.. gusto mo bang sumama? magbabakasyon kasi kami este magoovernight sa ba--" hindi na natapos ang sinasabi niya dahil umoo agad ang unggoy.

"Sure babe. Tara na?" Hinila ni jongin ang maleta na hawak niya. Teka, excited si negz? Wow.

Tumaas kilay niya.
"Baka gusto mong magdala ng mga gamit noh?"

"no need. I'll just buy it there. Kung gusto mo, pwede rin tayong magshare ng brief." Kindat nito. Puta, may mabibilhan ba ng damit sa subd. Nila krystal?

"Tangina mo. Full of sense ka talagang kausap."

"Kung gusto mo mag advance honeymoon narin tayo dun, babe?" Abah abah abah, loko to ah.

"Pwede ba? Stop your manyakness muna pls? Umuwi kana sa inyo para kumuha ng gamit dahil wala akong balak pahiramin ka ng brief ko!" Pandidilat niya dito at inagaw ang maleta niya. Putangina panty ng avon ang sinusuot niya noh, hindi brief!

"Saang bahay ba tayo pupunta and who's going to join us?"

"Krystal's, and Tao is also going with us. 4 tayo lahat."

Hindi niya alam, pero kinabahan siya ng makita ang ngisi ni Jongin dahil sa sinabi niya.

"Krystal Jung? Hmm, I think its going to be fun." Jongin smirks.

--

Hindi maipaliwanag ni Kyungsoo pero parang may kakaiba sa ikinikilos ni Jongin, kanina pa ito tingin ng tingin kay Krystal at ngisi ng ngisi. Nasa loob na sila ng sasakyan ni Krystal. Bale nasa backseat silang tatlo nila Tao at nasa passenger seat si Krystal. Si Tao ay tumutulo ang laway sa pagtulog. Ang gagang si krystal, Himala sa lahat ng himala, hindi ata siya kinukulit ngayon? Napakatahimik nito ngayon pero bakit? Anong dahilan? Ang awkward hah.

Binalikan niya sa isip ang pagpapakilala niya sa dalawa. There's something fishy dahil ng makita ni Krystal si Jongin, nakita niyang nanginig si Krystal at napaatras ng hakbang. Simula nun ay hindi na nagsalita si Krystal. Si jongin naman ay puro ngisi lang. Parang matagal ng magkakilala ang dalawa. Naging ex kaya ni Jongin si Krystal? Omg, bat hindi niya alam? Siya na bestfriend ni Krystal? Omg. So ang magiging title na pala ng story nila ay Fiancee ko ang ex ng bestfriend ko? Hindi na siya Kim Jongin's property. Ajuju. Kyungsoo, you kennat.

Sinulyapan niya ulit si Krystal, at huling huli niya.. huling huli niya talaga ang intense na tingin nito sa Fiancee niya! Gustong maghuramentado ni Kyungsoo pero pinigilan niya, akala pa naman niya loyal sa kanya si Krystal tapos nakita lang si Jongin eh nagkaganyan na siya? sorry nalang, fiancee na niya si Jongin. Tangina talaga ng mga babae. Para maiwasan ang selos ay pinikit nalang niya ang mga mata. Mas mabuti pang matulog. Itutulog nalang niya tong selos na ito!

Uyy, t-teka? Siya, nagseselos? NO!

A/N: ayun, super sabaw. -.-

I'm Kim Jongin's Property { Kaisoo ff }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon