Dark World

10 1 0
                                    

Sop?

Last conversation ended

Do you prefer to chat now?

I let a deep sigh. Katulad ng dati, umaasa na naman ako na may mapapala rito.

Tanggap ko na ang kapalaran ko. Hindi ako p'wede sa realidad. Dito sa online site na ito, dito nababagay ang mga katulad ko.

Like, who doesn't want to feel love anyway? Hahanap ka talaga ng bagay o paraan para maging masaya.

20. Male. Phlippines

Kaya ako namamangha dito, mataas ang confidence mo dahil hindi naman kayo magkakilala. You won't judge each other by who and what you are.

So you're a gay, or bisexual?

I was born in religious, decent and conservative family. Nirerespeto ko iyon kahit ang kapalit ay ang pag-iisa sa dilim na hindi ko naman ginustong gawin.

Is it important?

The stranger replied. I smiled.

To make the long story short, humaba ang usapan namin.

Isang buwan, dalawang buwan, na walang kamalay-malay kung sino nga ba talaga kaming dalawa. Is it important? Hindi ba mas mahalaga na masaya ka?

Nga lang, hindi lahat ng masaya ay tama at hindi lahat ng tama ay masaya.

"Bien, wala ka pa rin bang ipapakilala sa amin?" si Mama minsan sa hapag.

My father laughed.

"Huwag mong i-pressure, Ma. Baka natotorpe lang. 'Nak, nandito lang ako."

I wish they'll be supportive too when they know what I really am. I wish it would be easy to open up. Ang hirap maging masaya na may pader na nakaharang. Na kahit alam kong matatag ako, hindi ko basta basta mabubuwag ito.

Because it's my choice. Pinili kong itago ito. Pinili kong maging ako sa likod ng magulang ko. Pinili kong maging dapat na ako sa harap ng pamilya ko.

May bagong release na movie. My online friend, Archie, recommends it to me.

Ako itong si gaga, mabilis na pinanood.

It was all about hiding your real self. Marami kaming pagkakatulad ngunit hindi doon sa parte na tanggap siya ng pamilya niya.

I know they won't accept me. Kahit pa sabihin ng iba na bakit ko nasabi kung hindi ko pa nagagawa. The truth is, I'm with my family when I watched Love, Simon.

"'Di ba Kuya, ang ganda!" my sister giggled.

"Why did you like it? Do you support LGBT community?"

She rolled her eyes and look at our parents. Sinenyasan niya ako na 'later', siguro kapag umalis na ang tinutukoy.

"Of course! Wala naman silang ginagawang masama! They deserve to be respected," she answered pagkawala na pagkawala sa paningin ni Mama at Papa.

"Really?"

"Yes! I just don't get their point sa pagkakaroon ng relationship. Like, yuck! Nasisikmura nila iyon?"

The curve on my lips fades. As expected. My sister is still young and she still can't understand the real world. 'Di ba? What more sa mga magulang kong pinalaki ako ng maayos but it turns out na naturuan nila akong maging magaling sa pagtatago?

Hey. What do you feel about the movie?

Nakalimutan kong isa lang iyong likha ng imahinasyon. That the story is just a story and it can't happen in real life. Or maybe, sa iba. Pero sa akin, hindi. Pinagkaita iyon sa akin.

I envy Simon.

Sana, I'm just on the middle part of the story. Sana sa una lang din itong nararamdaman ko.

I'm on the mall nearest in your place tomorrow.

Napabalikwas ako sa aking upuan. I know what he means!

Kaya naman kinabukasan, hindi na ako mapakali. Heck, hindi nga yata ako nakatulog!

After 5 months of just sending and receiving sweet messages, this is it!

Oh God, 'eto na ba 'yung right timing mo?

I arrived on the venue earlier than the call time. We send our picture for the first time para mahitsurahan at madaling mahanap.

The whole day was great. It was all fun. I feel like I am far from the reality, malaya sa mga mapanghusga at malaya na maging tunay na ako.

I'm just a guy who also wants a Love, Simon like story. Or that's what I thought.

Ang aking huling ala-ala ay ihahatid niya ako sa amin dahil may dala naman siyang sasakyan. But instead, I woke up naked, sore down there in a random place.

My heart started to pound wildly. No. This is just a dream. This is just a pure imagination. Nothing happened.

But the possibility bothered me more.

I'm on a motel.

Kahit hinang hina ako sa sitwasyon, kahit hindi magsink-in sa isip ko ang nangyari, kahit walang wala na ako, pinilit kong bumangon... pinilit kong tumayo.

Nakita kong puno ng dugo ang aking brief.

Wala akong maramdaman habang binabalik ko ang sarili sa damit. Hindi ako makaiyak, hindi ako makasigaw, walang pumapasok sa aking isip, just nothing.

I'm a mess. I felt like a trash. I'm a fucking wasted.

Nawalan ako ng boses sa lahat. What did I do? I just continue living like nothing happened.

Ayaw ko ng balikan ang nakaraan. Hindi sa dahil hindi iyon importante, iyon ay dahil sa there's a great future ahead of me.

Katulad ng paulit-ulit kong ginagawa kada pinipindot ang button na, 'chat now', na patuloy akong umaasa na sana tama nga iyong paniniwala ko.

I wish that positivity can solve everything. I wish that if you believe, you can rewrite the story you started.

But it doesn't happen.

Alam kong nawasak na ang sarili ko nang malaman kong hindi na ako magtatagal sa mundo.

Ang pag asa ko na magkakakulay ang mundong madilim ang nagtungo sa akin sa sagot para wakasan ito.

Wawakasan sa paraang hindi na maaayos muli.

I badly want to survive. Pero huli na ang lahat.

HIV-AIDS positive.

Before, I'm scared to be alone in the world that full of dark so I keep finding my happiness on others. But you know what I scared the most?

To be forever alone in the darkness that I've never tried to color.

To disappear that my family never knew who I really am.

#makeITsafePH

Dark WorldWhere stories live. Discover now