Familiar
They say no man is an island. It's true though. Hindi talaga tayo mabubuhay na mag-isa kailangan natin ng mga may makakasama. Nandiyan ang family, stewards of our community and of course our second home: FRIENDS.
Since elementary days palakaibigan na talaga akong tao. I am called Miss Congeniality for nothing. But sometimes friendship doesn't last. Yung mga friendship mo last school year ay dadaan-daan ka na lang niyan paghindi na kayo magkaklase sa next school year. Ang mas malala nagiging magkaaway pa kayo.
"Jecyl!" Sigaw sakin ni Tanya pagdating niya at tumatakbo sa corridor. It's the first day of school kasi at graduating na kami sa JHS.
"Ang bilis tumakbo ah. And I like your hair dude." She cut her hair very short. Bagay naman sa kanya at nagmukha siyang batang tignan. She looks like Emma with her apple-cut hair.
We walked to our assigned class and guess what, magkaklase kami. Tanya is a type of friend na game na game sa kahit anong bagay. Hindi din siya maarte gaya ng mga babae dito sa school na tinatawag na baby-bra warriors. Walang ibang ginawa kung hindi magdala ng liptint ngunit mga walang ballpen.
Ang layo pala ng room namin sa canteen at sa gate nasa fourth floor kasi kami ng Viel Building at pinagsasama-sama kami lahat ng grade ten. They say samin daw yung pinakadabest na section. Halo-halo ata nandito yung mga makukulit, famous, smarts and of course us the plants.
Lahat kami ay nakauniform na and I don't like it first day of school tapos ganto. Wala man lang porma-porma muna.
Umupo na kami ni Tanya dun sa pinakagilid ng aming classroom malapit sa bintana na kung saan makikita mo ang aming field na may naglalarong soccer players.
"Kamusta naman bakasyon niyo, girls?" Si Tyra sa kanyang nakakarinding boses kasama niya pa ang baklitang si Eugene.
"Ah okay lang naman. We went to Boracay."
"OMG. I like your tanned skin." Si Eugene sa kanyang plastic na boses.
Yes pumunta kami ng pamilya ko sa Boracay noong bakasyon. At hindi ko gusto na umitim ako. I like being fair. I just don't know why.
"Graduate na tayo next year. San kayo magsisenior high? Ako nga pumipili pa kung Zobel o Nazareth eh pero sabi nila mas marami daw pogi sa Zobel." Tyra with her rants. Nagsmile na lang kami ni Tanya and of course nakipagplastican.
Buti na lang dumating na agad ang first naming teacher for today na si Ms. Fuentabella na History ang ituturo. Wala muna kaming ginawa kundi ipakilala ang sarili.
We are all lauging when the boys introduced themselves. Boys are born to be a natural joker.
"Class don't forget your assignments tommorow, okay?" The bell rings and it's for our break. Kailan pa kaya aahon ang school na ito. Punong-puno na naman ang cafeteria walang pinagbago.
Ako ng umorder para samin ni Tanya at pinaupo ko na lang siya dun sa mga tables at baka maagawan pa kami. Maraming mga lalaki na napakagalgal talaga pagdating sa pagiging gentleman nakikipag-unahan pa sila na para bang mauubusan ng pagkain. Sorry pero nakakasama sila ng image ng pagiging lalake.
After twenty minutes na pumila ay nakabalik na ako sa table namin ni Tanya. At alam niyo naman mga pagkain sa cafeteria napakamahal pero parang pinagdamot ang alat, lasa at tamis ng mga pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa gym para makasulyap sa mga crush naming varsity players. Medyo matao din ang gym ngayon kasi nagpapractice ang mga nagwagwapohang mga basketball players sa school.
Pawis na pawis si Aris nang nakita kong nagtitraining sa court. He looks hot for a fifteen years old. Daig niya pa mga pinsan kong college varsity din sa ibang school.