Pag - ibig ni Red

17 0 0
                                    

~''Tonight I've fallen and I can't get up, I need your loving hands to come and pick me up. And every night I miss you, I can just look up. And know the stars are holding you, holding you, holding you, tonight''~


7:30 na kagigising ko lang. Alam kung late na naman ako at alam kung mapapagalitan na naman. Pero may pake ba ako? Okay lang, sanay naman ako.

Ako si Redenthor Valdez. Mag-isa na lang ako sa buhay. Bata pa lang ako hiwalay na ang mga magulang ko. Wala na akong naging balita sa nanay ko. May iba ng pamilya ang tatay ko, nakatira siya ngayon sa Maynila. Pinapadalhan na niya lang ako ng pera. Rich kid na kung rich kid, pero totoo naman talaga yun.

Naglakad ako papunta sa iskwela. Nasa main gate na ako nang may sinabi si manong guard,

 “Oh! Mr. Valdez, late ka na naman!”

“Ganyan lang po talaga ang buhay” sabi ko.

“Itong batang to oh! Fourth year ka na, baka di ka maka-graduate!”

Ngumiti na lang ako. Ano pa ba magagawa ko? Naging ganito na ako eh.

Napadaan ako sa mga grupo ng mga babae. Nagtilian sila.Sino ba ang hindi mahuhumaling sa isang Redenthor diba? Isang nilalang na chinito’t mestiso.  Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin. Pero sa lahat ng bababeng yun, ni isa sa kanila, wala akong magustuhan.

Ayaw ko nang magmahal. Nakakatakot. Nasira ang buhay ko sa pagmamahal na yan. Mahal ko ang magulang ko kahit hindi nila ako tinuring na anak. Kahit na palaging kamao ang natatamo ko sa aking itay. Palagi akong pinapagalitan ni inay kahit sa simpleng bagay lamang. Kahit ganun pa man sila, itinuring ko silang ina at itay. Sa ate kung halos siyam na taon na wala akong balita. Sa kababata kong ‘di ko na alam kung nasaan. May espesyal silang lugar sa aking puso. Nung naghiwalay sina mama at papa, si lola na ang nag – alaga sa akin. Pero katulad ng ibang taong minahal ko, iniwan din niya ako.

Lahat ng minamahal ko, iniwan ako. Lahat ng taong importante sa akin, wala na sila. Kaya ayoko na. Mas mabuti na lang ang ganito kaysa sa masaktan at maiwanan ulit.  

Pagpasok ko sa klasroom, akala  ko, nakaantabay na ang dragon kong guro sa akin. Pero himala! Wala ang mangkukulam!

Tinanaong ko sa kaklase kong nasa harapan. Katulad ng ibang babae, nauutal siya sa pagsagot.

“Ahmm … m—may bagong estudyante … ra—w.”

“Babae o lalake?” tanong ko ulit.

“Di-di-ko alam….”

“Salamat.”

Naupo ako at inilagay ko ang aking bag sa desk. Boring din pala ‘pag wala ang dragon na magsesermon sa’yo.

Biglang pumasok si ma’am kasama ang transfery student. Babae. Maganda at mukhang inosente. May maliit na mata, maputi, mamula – mula ang pisngi, labing ‘di masyadong mapula, buhok na hanggang siko niya, at ‘di masyadong pandak. At yung ngiti niyang nakakahumaling. Para siyang anghel kung tutuusin.

Gusto ko siyang kilalanin.

“Hija dun ka muna sa tabi ni Redenthor, dun sa likuran.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PNRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon