Part 5

209 12 0
                                    

The time has come

Ng isusubo na ako ng halimaw sigurado na ako sa aking katapusan.

Salamat doon mababayaran narin naman ng life insurance ko ang bayarin sa hospital,wala na akong iiwan sa mundong ito.

Kaya pinikit ko na ang mga mata ko,dahil ayaw kung mamatay ng dilat ang mga ito.

Kaso biglang nagsihulugan ang mga malalaking pader sa taas ng ding-ding.

"hindi pa ito ang last day me idiot"narinig ko nalang, mukhang boses ni gard.

scene ost

At bumagsak sa ulo ng halimaw ang malalaking bato dahil doon ay natigilan ito.

At tumingin sa itaas sabay umataul ng"GROOOOOAAAGGHH"halos mabingi kami.

At hiniwa ang galamay ng halimaw na humahawak sakin.

"hindi kita hahayaang maging hapunan partner"sambit nito.

at naalis ako sa pagkakahawak ng halimaw.

Napansin naming hinuhulugan ni gard ng granada,mula sa taas ng venue ang halimaw para ma distract.

"hooy tumingin ka dito sa taas halimaw kaiinin mo itong mga granda ko"sambit ni gard.

"paulanan natin siya gard"sambit naman ni flint na baril ng baril,sakay ng jetpack.

Nilapitan ako ni guilo para iligtas.

"salamat guilo,tulungan mo akong iligtas yung iba pa"sambit ko.

"woah woah,tara na tumakbo na tayo,hindi ko tataya ang buhay ko para sa iba,tumakas tayo habang hinuhulgan pa ng mga granada mula sa itaas ni gard ang halimaw"sambit niya.

"bahala ka"sagot ko.

At kinuha ko ang katanang hawak niya at pinuntahan ang isa pang tao na hawak ng halimaw.

At sinubukan kung iwasiwas ang espada para maputol ang galamay,pero hindi ko magawa.

"what the,,paanong"sambit ko at pilit itong tinutulak.

At biglang kinuha ni guilo ang espada at sinabing"mali ang pagamit mo kasi enoth,ganito"

Sa mabilis niyang pagwasiwas naputol ang galamay ng halimaw.

Kinuha ko ang katawan ng hinimatay na tao at sinabing"dalhin mo ito sa labas guilo,ililigtas ko pa ang isa".

"bakit mo ba ginagawa ito,ano ba ang pinaglalaban mo ha,katangahan ba ha,wala naman silang nagawa para sa iyo"tanong ni guilo.

"gusto kung gawin ang tama,kahit na anong mangyari,dahil ito ang kailangan nila"sagot ko sabay takbo papunta sa katawan ng isa pang taong hinimatay.

"haaay,wala na akong magagawa kung hindi tulungan ka"sambit ni guilo at sinamahan ako sa pag-akay sa katawan ng mga taong walang malay.

Pero bago pa kami tuluyang makalabas,biglang naglabas ng mabahaong amoy ng hininga ang halimaw na halos nahilo kami at malapit ng makatulog.

Pero may mga biglang umatake sa halimaw na ubod ng lakas.

At dahil doon nagawa nilang mapatay ito.

At pagharap namin napansin naming sila max,crystal,christie at dylan ito.

May mga hawak silang kakaibang armas.

Naramdaman kung unti-unti ng pumikit ang mga mata ko dahil sa pagkakahilo sa amoy.

Timeless adventureWhere stories live. Discover now