Dati ay napakatahimik at napakapayapa ng utak ko, wala pang iniisip.Pero mula nung ako ay nalapit sa'yo, tila ang puso ko'y naakit
Nung hinawakan ko mga kamay mo ay, naglaho ang lumbay, napakasaya
mas nagkaroon pa ng dahilan para mabuhay, kaso lang nung nawala ka ay parang panahon ko ay naaksaya.
Dati
di ko kayang itago ang bigat na sa isang iglap, nagbago na ang lahat.
Onti-onting ka ng nawawala at umabot narin sa punto na di mo na kayang humarap sakin,
nawalan ka na rin ng oras na dating labis mong nabibigay sakin.Nung ako ay mapalapit
sa'yo patuloy mo na nga kong tinangay
dumating rin sa puntong di na ko makatulog.Papano ba kita maiintindihan at mapapaniwalagan
kung mga dahilan mo'y sa iba ko malalaman.Pero sa totoo lang 'di ko na talaga maintindihan sa'yong pagbabago ba't kaba nagkakaganyan?
Ginawa ko naman ang lahat pero ang relasyon natin ay di tumagal.
Naaalala ko pa non ayaw kitang pakawalan.
Ngunit ngayon ay di ka na rin kawalan.
Wag na wag mo akong sisisihin,
yung kababawan mo ay nagawa kong sisirin.
Nalunod ako, halos 'di na ako makahinga kaya sumuko, nung araw na ako'y iyong pilitin na makipaghiwalay, 'di ka natakot na mawalan habang ako ay halos mabaliw na.Ako'y nahirapan, nagawa kong isuko na lang.
Ako'y sumuko..
kala mo magsisisi ako?Alam mo?
Masyado ka nang gago, di pa tayo nag hihiwalay naka hanap ka ng bago!Ayoko na tapos na ko!
*Pinapaasa mo ang lang tao na handa kang mahalin... *