40 minutes Crime

103 1 0
                                    

May roong isang babaeng istudyante ng St. Méchant na nag nagnga-ngalang Iriah Chen. Ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaklase at ng iba pang mga istudyante sa kanilang paaralan ay sya ay "weirdo" dahil ang mukha nya ay natatakpan ng kanyang mahabang buhok at palagi lamang tahimik at nagbabasa ng mga librong may kinalaman sa krimen.

Nasa kalagitnaan sila ng klase ng may isang lalakeng nagngangalang Joseph Hyun na nakapansin kay Iriah na may ibang itong ginagawa habang nagtuturo ang kanilang guro. Nakita ng binata na sya ay nagbabasa ng ibang libro at marami pang iba't-ibang libro ang nasa ilalim ng desk ng dalaga na tungkol sa krimen. Napabuntong hininga na lamang ang binata at pinabayaan ito.

 Nababasa ng dalaga ang isang krimen na kung saan may taong nilason ang kanyang kasama at bumula ang bibig ng taong nalason sa istoryang binabasa nya. Tumili ang taong nasa kwento at "AAAAAAHHHHHHHH!" napalingon agad ang buong klase sa sumigaw kabilang na si Iriah at ang binatang si Joseph sa taong tumili.

Nagulantang ang lahat nang makita nila ang kanilang kaklaseng nasa gitna na ito ng classroom at napapahawak sa kanyang leeg at tumitirik ang mata habang bumubula ang kanyang bibig. Nagulat ang lahat sa nangyayari dahil mistulang hindi nila alam ang gagawin.

Nang natumba na ang nasabing kaklase, lumapit na agad sila pati si Joseph. "Alex! Alex Tan!" niyuyugyog nya ang kanilang kaklase dahil unting-unti na itong nawawalan ng hininga. Maya-maya'y, pumasok sa kanilang silid aralan ang isang faculty na si Mr. Ryan Hurimura at tinatanong kung ano ang nangyayari. Dali-dali itong lumapit sa kumpol ng mga estudyante.

"Anong nangyayare dito? Umalis kayo jan. Paraanin nyo ako." natatarantang saad ni Mr. Hurimura.

 "Hindi po namin alam, sir. Bigla na lang bumula ang bibig nya at natumba." saad naman ni Joseph sa guro.

"Bilisan mo! Tumawag ka ng ambulansya." saad ng guro at agad namang tumawag ng ambulansya ang binata.

Lumapit ang dalagang si Iriah na may hawak na camera at biglang kinunan ng picture ang nasabing estudyanteng bumula ang bibig. Habang kinakausap ni Joseph ang ambulansya, napansin nya ang dalaga sa kanyang ginagawa.

"Hoy! Anong ginagawa mo ha? Di mo ba nakikitang halos mamatay na sya?!" pasigaw na sabi sa kanya ng gurong si Mr. Hurimura.

Nagpatuloy naman si Joseph sa pag tawag nya sa estudyanteng bumubula ang bibig. "Alex! Alex, buksan mo ang mga mata mo!"

 "Anong nangyayari dito?! Sir, anong nangyari?" natatarantang tanong ng isa pang gurong kakapasok lamang sa kanilang classroom.

Hindi naman sya kinibo ni Mr. Hurimura at ang kinausap ay ang binatang si Joseph. "Ikaw, tumawag ka na ba ng ambulansya?" saad ni Mr. Hurimura.

"Opo sir, papunta na po sila." saad naman ng binata.

Patuloy parin silang lahat sa pag encourage kay Alex na wag susuko dahil parating na ang ambulansya at sa kagustuhan nilang maligtas ito sa kanyang dinaranas. Habang nangyayari ang mga kaganapan, tila isa nilang kamag-aral ang nakakita sa isang bote ng juice na pinaghihinalaang ininom ng biktima. Habang si Iriah, tuloy parin ang pag kuha ng mga litrato ng nasabing biktima upang imbestigahan ang mga ito.

40 minutes CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon