Magsusulat ako

22 4 0
                                    

Ilang beses ko na bang nagawang sabihin ito. Minsan wala ako sa katinuang nagsisiwalat ng plot ng aking mga kuwento, mga kuwentong uhaw sa atensiyon at sa mga nangungusap na mga mata.

Nais mapaskil sa bawat anggulo ng social medya ngunit hindi rin nabigyan ng tiyempong pagusapan dahil iba ang sinasambit, iba ang bukambibig ng mga tao.

O mambabasa, kung ito man ang inyong paraan upang buhayin ang aming liyab nawa'y mamulat kayo na pagod na kaming sakmalin ang aming hikab.

Magpapatuloy kami sa pagbuo ng mga dekalibreng obra, hindi kami kailanman magpapatalo sa mga nais ng mga panlasa ninyo.

Magpapatuloy kami hanggang sa malamnan ninyong titigan ang mga istoryang nagmula sa aming kalamnan.

Tuloy ang pagsusulat. Nandiyan man o wala ang inyong mga presensya.

Dahil giliw, ang mga litanya at mga pangyayari ang siyang bumubuhay sa amin.

Kalakip ng isang manunulat ang kaniyang pluma.

Ikaw, Ako, SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon