Cattleya's POV
Pagka labas ko ng airport ay sumalubong agad sa'kin ang masarap na hangin dito sa Pilipinas. Pero nakakalungkot lang dahil wala man lang ni-isa ang sumalubong sa'kin. Sabagay sanay naman akong mag-isa and it's been three years since my mom passed away . After her burial my dad forced me to come with him to the States for good pero heto ako ngayon naka hanap ng tamang timing na maka-takas . I want to finish my study here at gusto ko naring tumira na dito .
Marami kaming natirang alaala ni mommy dito sa bansang ito at isa rin yun sa rason kung bakit ako bumalik. Tama na ang tatlong taon ko doon sa States. Si Daddy palaging nasa trabaho, and I only have three freinds there. No more No less. MAPILI AKO PAG DATING SA KAIBIGAN.
Pumara na akong ng taxi at dun na tumira sa isang bahay namin, di siya kasing laki ng bahay namin nung buhay pa si mommy simple lang ito at tahimik ang lugar. Tinulungan ako ng driver na ipasok ang mga dalang baggage ko. Kahit walang nakatira dito ay pinapalinisan parin namin 'to kaya naman nag simula na akong mag unload ng mga gamit ko at bukas na bukas rin ay magpapa-enroll na ako. Sayang ang araw!
FAST FORWARD
Pagka gising ko dali-dali akong naligo at nag breakfast. At dahil wala pa akong kotse nag taxi nanaman ako . Diretso kong tinungo ang Far East Academy na kong saan nag tapos ng pag-aaral si mommy. Buti nalang at hindi hassle. Bago ako umuwi ay pumunta muna ako sa malapit na grocery store dahil walang pagkain sa bahay -_- Pili dito , Dampot doon. Isang supot lang ang grocery ko. eh sa tamad akong mag-bitbit. tss
Isang oras na akong nag hihintay ng taxi dito ngunit wala parin! taeng buhay to.
Kaya naman na pilitan nalang akong pumara ng bus. Pag sakay ay saktong wala ng bakanteng upuan! Wow great! Pinasakay pa talaga ako ha? -_- Nakakainis man ngunit wala na akong nagawa.
Gusto ko sanang umupo sa upuan dito sa tabi kaso may isang lalaking wala pake-alam na naka jacket na may hood at naka-shades pa na kumakain ng pagkain na maanghang. ewan ko anong tawag dun -_- paki ko. Ubos na ba ang gentlemen sa mundo?
Nung saktong huminto ang bus dahil traffic ay kinuha ko ang Mineral water na binili ko kanina kasi nakakauhaw . grabe. Pagkabukas ko ay --
" H-hoy.. Akin yan!"
Nanlaki ang mata sa ginawa niya. Hinablot niya ang tubig ko at ininum! Bastos! hindi man lang nag paalam.
"Eto. Salamat."
Sabi ng lalaki na hindi ko alam kong sino sabay abot sa WALANG LAMAN NA BOTTLED WATER KOOOO! walangya siya! >O<
" S-sino ka sa akala mo para kuninin ang tubig ko!"
Galit na tonong sabi ko sakanya. pero hindi naman masyadong malakas . Marunong rin akong mahiya. Tinignan niya lang ako. At tinuon nanaman ang paningin niya sa labas ng bus! WOW! ANG GALANG GRABE! SARAP UPAKAN EH! Napailing nalang ako sa kanya. He's unbelievable.
Mga ilang minuto ay tumingin siya sa'akin . ewan ko kung sa akin naka shades kasi! tss.
Tumayo siya papalapit sa'kin. Wait. Mag so-sorry ba siya? Pwes manigas siya! Hiniding hindi ko sya papatawarin. Bago pa siya maka lapit ng tuluyan sa'kin ay inunahan ko na siya.
" Pasensya ka na. PERO hindi ko tatanggapin ang sorry mo!"
May mga napatingin sa direksyon namin but hell I care . Siya naman ang mapapahiya.
Pagkalapit niya sakin ay huminto siya sa harapan ko. Taas noo ko naman siyang hinarap.
" Tss. What are you talking about? Are you crazy?"
Sabi niya sa'kin. Ako pa talaga ang crazy ngayon? KAPAL! Bago paman ako makapag salita ay bumaba na siya agad ng bus. ARGH! NAPAKA BASTOS TALAGA! -_-
Halos hindi na mapinta ang mukha ko ngayon at padabog na umupo sa upuan ng lalaking bastos na 'yon! Sa ayaw man o gusto ko ay nangangalay na talaga ang mga paa ko. Tinuon ko sa labas ang paningin ko at nahagip ng mga mata ko ang lalaking iyon. I think he's looking at my direction . I'm sure he is, kahit na naka shades pa siya. Then .. What the.. He just smirked at me.
What an evil jerk. -_-
Cursed that guy!
BINABASA MO ANG
She's Broken
FanficIto ay tungkol sa isang babaeng nawalan ng mahal sa buhay. Babaeng matapang sa labas ngunit mahina sa loob. Galit sa mundo at walang kakampi sa buhay. Gustong lumigaya ngunit natatakot .. Meron kayang makapa-babago sa kaniya? She's cold She's s...