Dedicated kay Ate Kristina. I miss ya so mats! Read her Stories too! ang ganda! ^__^ lalo na yung Friendship Love. Book two and three and oh~ four!. Nandun ako. Hahahaha. Try it. :">
-Strawberrytell
————
Dec 3, 20**.
Kelsey's POV
"Ate." Napatingin naman ako sa lalaking tumawag saken na naka ngiting aso. Oo tama, ako ang tinawag ng kumag na 'yon. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, teka asan ba dito ung ulo? puro paa. Joke, may itsura siya, lahat tayo may itsura, leche. Sadyang angat lang 'ung ibang tao. At, isa siya sa mga angat na 'yon.
Taas noo akong naglakad palayo sa kumag na yun na hindi ko naman knows. Tska, sanay na kong mag-pagtripan. Sa araw araw ba naman.Ang dami kasing feeling gangster na jejemon ngayon. Lalo na't medyo gala ako. Medyo. Okay?
"Miss! Miss!" Pinihit ko ung leeg ko para tignan siya, napa 'anong-gusto-mo-look' ako. binigay ko siya ng dg ko.Death glare at naglakad ulet, palayo. Ganda Problems. At, 'look' na 'yan? Natutunan ko 'yan sa dating babaeng nag-hire saken. Well, madami naman kasi akong alam na english wordsss. Pero, 'di ko lang alam kung tama ba 'yun.
"Ano ba?!" Sigaw ko sakanya nung hinatak niya nako sa braso ko. Putek naman, kailangan ba talaga manghatak? Nakakawalang galang 'tong nilalang na 'to. Tska, panira siya! Aba, hindi niya ba alam na may iniisip ang magandang tulad ko? Pwe.
"May tagos ka." Sabi niya tska naglakad palayo habang nakalagay yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Feeling gwapo lang ganun. Pa-cool effect. Tapos —- teka ano?!
Naalarma naman ang buong sperm cell ko. TEK! Sperm cell bayun?! ~.~ Aba ewan ko! Basta. Na-alarma ang buong sistema ko. Kaya, tinignan ko naman yung short ko —- at wala naman e?!. Aisssh.'wag siyang papakita saken ulet. Muli kong tinigan ng matalim 'ung lalaki na 'yun. Matangkad siya pag-naka talikod. At aakalain mong sobrang igop niya. Yung tipong makalag-lag panga. Well, Tama naman. Makalag-lag panga nga ang isang 'to. Dahil tinignan ko siya mula ulo hanggang paa kanina.Naka-soot siya ng jacket na kulay black. Tapos naka-pantalon din at sapatos. Disente siyang tignan, slash mukhang gangster na ewan. Pero, sa pagka-kaalam ko, feeling lang naman ang isang 'to. Katulad ng mga jejemon ngayong araw na kabataan. Hays, wala na talagang iuunlad ang pinas. 'nyeta. Pero, nababanas talaga ako.
"Aishh! Sinungaling kang Baliw ka!" Sigaw ko palayo, bago siya makaalis, pero humarap siya sabay belat kaya hinagis ko sakanya yung sapatos ko.

BINABASA MO ANG
149 Days Living with Him
Подростковая литература150 days to finish her mission, but 149 left. Possible ba na mag-tagpo ang dalawang taong may parehas na Ugali? Magkasundo kaya sila? What if may makaalam ng Little Secret nila? Matapos kaya ang lahat sa isang. . . Forget it? Kelsey Gabriela Ramo...