You deserve someone who listens to you
Hears every word and knows what to do
When you’re feeling hopeless lost and confused
There’s somebody out there who will
Finding the best love story has been a habit for me. Palagi akong naghahanap ng magandang love stories either in books or ebooks. Mahilig akong magbasa ng mga romantic narratives pero hindi ibig sabihin nun, wala akong lovelife. Actually meron, three years na kami nitong boyfriend ko. We had this ups and downs sa relationship namin at fortunately, we are still unbreakable. Mahal na mahal namin ang isa't isa and we are in good terms. Kaya masasabi kong, isa kami sa mga best love stories ko ngayon.
Six months na kaming hindi nagkikita ng boyfriend ko, LDR kami. After kasi ng graduation namin nung highschool, di na kami ulit nagkita pa kasi dumiretso na ako ng Davao. Nagsummer kasi ako sa school for varsity players. As a scholar kasi, we are highly recommended na sumali sa mga extra curricular activities kasi factor din siya if ever you want to run with latin honors sa college graduation. Volleyball varsity ako ng school and medyo busy kasi aimig din for dean's list kaya reasonable na hindi kami masyadong nakakapag communicate ng boyfriend ko.
prinsipegitara liked your photo.
prinsipegitara liked your quote "i'm so afraid to lose you"
prinsipegitara liked your photo and added: Keep smiling :)
Wow new follower. Nireplyan ko naman ng 'thank you' yung may keep smiling niya sa photo ko. haha ang sarap naman nun sa feeling. Mabuti pa sa tumblr may mga pumapansin sakin, eh sya? Wala talaga. Ako, kahit busy ako araw-araw akong nagpapaload para makatext sa kanya tapos siya, hindi magrereply. Saklap! 'follower mo nako noon pa. ang pangit mo pag di ka nakangiti. :)' Comment back nia. Wow hehe. Touch naman ako dun kaya nireplyan ko na lang ng 'thank you ulit'.
"There’s somebody out there who’s looking for you, Someday he’ll find you, I swear that its true, He’s gonna kiss you and you’ll feel the world standstill, There’s somebody out there who will.." Boses ko yun. Wala pa kasing tao dito sa room kaya soundtrip muna. "He'll take you dancing---ah hi Chad! Good morning. Hehe" sana di niya narinig pagkanta ko, kahiya.
"Hi Jody! Nakagawa ka ba ng assignment? Pwede pakopya?" Tanong niya agad. Wow ha. "Kaya ka siguro nagpaaga para makakopya, de joke lang. Hehe dyan sa bag ko kunin mo lang." Sanay na ko na palagi na lang kinokopyahan. Wala naman akong magawa kundi pumayag, wala namang mangyayaring masama pag magpakopya ako. Ilang oras pa, dumating na mga classmate ko, at kinabigla ko nung nagtext na yung boyfriend ko. Sobrang saya ko kaya napa yes ako. Eto namang si Dave, inagaw agad phone ko. Sa lahat ng tao sa room, siya kasi ang pinakaclose ko.
Jody, good morning. Diba may file tayo dati sa powerpoint nung highschool? Tulungan mo akong ma retrieve yun oh. Project namin. Thank you.
Text niya. Reply naman agad ako ng oo at i love you :). Pero di siya agad nakareply. Hapon na siya ulit nakatext pero ito laman.
Jody, bukas deadline nun pala. Sorry di ko nasabi agad sayo. Busy eh. Thank you talaga.
"Wala talaga siya nag-iloveyou sayo Jo" Si Dave, nakita yung text ni Jonas. "Haha. Di naman yun ang sukatan ng pagmamahal." Diba? Kasi mahal ako ni Jonas. Alam ko yun. "Oh Lovebirds, ito na yung assignment para sainyo oh. Bukas ipapasa ang layout. Jody, ikaw magdesign please. Para maganda." singit ng President namin. "Hindi nga kami lovebirds ni Dave ano ba! Pero, hala.. Wala akong computer, pano yan?" Tanong ko.