Kabanata 21

258K 10.8K 7.2K
                                    

Kabanata 21

TULALA at wala sa sarili, papasukan na ata ng langaw ang bibig ko sa pagnganga.

Oh, fuck! Gusto ko na lang lumubog sa ilalim ng lupa! Kalat ang screenshots ng nakakahiyang comment ko sa social media!

Damn, they've been labelling it as "Muling Ibalik" because of our alleged relationship in the past. Okay naman siguro kung puro paghanga kaso hindi, e! Mas marami pa ang bashers ko roon!

Paano ba naman e, kahit naman na-clear ang name ko ang pangit pa rin ng nangyari sa past!

Naalala ko na naman ang isang comment. Harot-harot ko raw! Hmp! Sumbong ko kayo sa Daddy ko, e! But anyway, nah. I can't tell this to him. Yari ako!

Akala niya dalagang Filipina na ako ulit kaso wala, e. Sadyang nature ko na maging dalaga lang, walang Filipina.

I watched the raindrops outside the glass window and drew waves in the moist window, sighing. Tumutugtog pa ang kantang malungkot sa phone ko.

"Ay? Ano 'yan? Music video?" Parang hangin na naglaho ang ambiance at maayos akong napaupo nang lumabas kung saan si Vincent.

"Ano?" I scoffed.

"Luh? Galit? May regla ka?"

I rolled my eyes at him and crossed my arms.

"Alam mo, kasalanan mo talaga 'to, e!" I spat.

Nagulat siya, nanlaki ang mga mata at inilagay ang palad sa dibdib at umawang ang labi.

"Ako?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ako?"

"Bitch ka kasi!" I sulked.

"Luh, gaga ka! Ginawa ko sa 'yo?" Naguguluhang tanong niya. "Walang-hiya ka pagkatapos kitang ilibre kahapon aawayin mo ako!"

"Kung hindi ka sana nagpost sa IG! Kung hindi mo sana ako pinag-comment at like e 'di sana..." Napasandal nanaman ako sa swivel at tumili, ginugulo ang buhok.

"Ano na namang ginawa mong gaga ka?" Kumunot ang noo niya, tinatanggal ang necktie na suot.

"Hindi ko nagamit 'yong fan account! I used my real account to comment on his post!" I hissed.

"Huh? Fan accout? Kanino? May idol ka pala?" Gulat niyang sabi.

Sumimangot lang ako at tinakpan ang mukha ko. Narinig kong may hinihila at nang sumilip ay si Vin iyon na hinahatak ang swivel.

"Ano bang problema mo?" He asked seriously. His jaw was clenched, his eyes alert.

I sighed dramatically.

Ang pogi ni bakla...

"Bakit hindi ka na lang maging lalaki, huh, Vincent?" I asked. "Tapos ikaw na lang jojowain ko?"

Ang madilim na mga mata ay napuno nang pandidiri at parang nasusuka pa sa sinabi ko.

"Kadiri ka!" He hissed. "Bakla, kinikilabutan ako!" He showed me his goosebumps kaya napahagalpak ako, aliw na aliw sa kanya.

Pero napawi ang tawa ko no'ng maalala ko na naman ang kahihiyan. Sinapok ko nga.

"Inaano kita?!" He grunted.

"Kasalanan mo 'to!" I hissed.

"Ano ba kasi 'yon?" Napakamot siya ng ulo at pinakialaman ang cuffs ng suit na suot.

"Remember the ex I've been telling you? 'Yong sa article?

"Oh? 'Yong niloko mo?" aniya. Sumama ang mukha ko at sinipa siya.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon