His 100 Smiles

125 1 0
                                    



"Hoy Miho tulala ka nanaman. Sino ba tinitingnan mo diyan?"

Nabalik ako sa wisyo sa lakas ng boses ni Clara.

"Ha? W-wala." umiwas agad ako ng tingin para di siya makahalata.

Sandali ulit akong sumulyap sa bintana.

Sarap talagang pagmasdan ng ngiti niya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago iniwas ang tingin sa taong matagal ko nang gusto.

Halos mag aapat na taon ko na siyang gusto pero di pa rin ako nakakaipon ng lakas ng loob para umamin tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.

Nakakatakot umamin eh. Alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya.

Nabaling ang atensyon naming lahat ng magsalita na ang taong nasa unahan.

"Can anyone tell me something about smiles?" ngiting tanong ni Sir sa unahan.

"Smile is the prettiest thing you can wear Sir."

"Thank you Ms. Sanchez. Other ideas anyone?"

"Sir. Smiles can be detected from far away."

Kumunot ang noo naming lahat sa sagot ni Javier.

"That's correct. According to a research, humans can detect smiles from more than 300 feet away."

Kaya pala kahit sa bintana lang ako ng third floor nasilip, nahahagip ng mata ko ang ngiti niya kahit nasa field siya. Akala ko pa naman talent ko yun.

Nagpalakpakan ang lahat. Iba talaga ang talino nitong si Javier. Honor eh.

"But did you know class that a 'smile' is a friend maker? That is according to Bangambiki Habyarimana."

Talaga? Sabagay. Kaya siguro marami siyang kaibigan. Palangiti siya eh. Pero bakit tayo kahit pagkakaibigan parang wala? Hindi mo nga ata alam na nag eexist ako sa mundong 'to eh.

"One thing about smile is that it is the shortest distance between two people."

Kumunot ang noo ko at tila nagtaka. Pero bago ko pa man maintindihan ng maayos ang sinabi ni Sir ay nagsalita muli siya.

"And most importantly,  Anthony D. Angelo once said, smile is the key that fits the lock of everbody's heart."

"Tama!!!" hindi ko namalayan kung anong nangyari pero nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo at ang mata nilang lahat ay nakatingin sa akin.

"Ah Ms. Villarez? What do you mean by 'tama' and why did you shout?"

Halos mapayuko na lang ako sa kahihiyan. Iniisip ko lang yun eh!! Bakit ko nasabi?!

"I m-mean Sir, tama kayo diyan hehe."

Binigyan ko ng thumbs up kuno si Sir bago dahan dahang umupo.

Napapikit na lang ako dahil sa nangyari at halos iuntog ko na ang ulo ko sa desk na nasa tapat ko.

Dahan dahan akong tumingin sa bintana at saka pinagmamasdan ang ngiti niya habang naglalaro pa rin sa field.

Tama. Gaya ng sabi ni Sir 'smile is the key that fits the lock of everbody's heart'  kaya sa pang 100 mong ngiti. I promise, aamin na ako sa'yo.

Nagitla ako sandali ng di ko inaasahang magtama ang mga mata naming dalawa. Nawala sandali ang mga ngiti niya. Hindi ako makahinga at hindi rin ako makakurap.

Ako ba ang tinitingnan niya? O natulala lang siya?

Pero hindi siya tulala dahil ngumiti siya saakin at saka kumaway!!

HIS 100 SMILESWhere stories live. Discover now