To love and to feel loved by someone, either a family, a friend or your significant other. The best feeling in the world. Mapapakanta ka araw araw ng "Gumaganda ang paligid, kung bawat tao ay puno ng pagibig." All is well. All is bright. Ang saya saya ng buhay. Puno ng kulay ang bawat sandali kapag feeling inlove. Pero ano ang feeling ng Out-love?
OUTLOVE? was that even a word ?! HAHAHAHA! what you mean is the feeling of not being love?
Is love all that matters ? Pwede ba kong mabuhay ng walang love ? Nakakain ba ang love ? Magkakapera ba ako sa love? Yayaman ba ako sa love? May pagasa bang gumaling ang mental disorder ko dahil sa love?
Hindi ka ba natatakot sa mga tao ngayon ? Hello nalang sa kanila ang I love you. Nasabihan ka na ba ng I love you? Mahal kita ? Te amo etc. Anong pakiramdam ? Masaya ba ? Nakakakilig? nakakabuhay ng dugo, nakakamotivate ?
Pano kung hindi lang ikaw ang sinasabihan niya ng I love you? Pano kung sinasabi niya din ito sa iba? anong mararamdaman mo ? Malulungkot? Maiinis ? Matatawa? Magagalit?
Bakit ang daming naniniwala sa pag-ibig kung dulot lang naman nito ay sakit sa kalooban? hinanakit,panaghoy, lungkot at iba pang negative vibes. Mas higit ba yung nararamdaman mong kaligayahan kaysa kalungkutan tuwing nandyan sa tabi mo ang love of your life? HAHAHA Eh paano kung pagalis mo iba naman ang kasama niya ?
Bakit ang daming taong naniniwala at nagtatake ng risk para sa pagmamahal? Importante ba talaga ito ? Naisip mo na ba na baka hindi tama ang maniwala sa pag-ibig dahil sa huli iiwan ka rin lang naman ng mahal mo? Hahanap siya ng bago at ikaw luluha ka lang at magmomove-on
Bakit kailangan mo pang sayangin ang mga oras mo na makasama at gumawa ng memories kasama ang taong nagpapatibok ng puso mo, kung alam mo naman na isang araw ay magsasawa din siya, magaaway lang kayo at hahantong sa hiwalayan.
Makikita mo nanaman ang sarili mong umiiyak dahil sa sakit at malulungkot kapag nakita mong may kasama siyang iba. Aasa na meron pang pagasa na maibalik sa dati ang lahat, na gusto ka pa din niya, yun pala ikaw nalang ang nakapit at hinihintay ka nalang niyang mapagod at bumitaw para makawala sya sa iyo, at makalipat sa bago niyang sinisinta.
Bakit ang daming kong tanong ? saka bakit ang bitter ko? HAHA ewan ko ha, di ko lang magets ang LOVE. Minsan naman na din ako naniwala sa kanya. Pero ngayon di na ako naniniwala sa kanya. BAKA hindi na talaga ako maniwala.