[alarm] beep beep beep
"whaaaaaah 6am na dapat 4 am pa ito nag alarm ah!" napatingin sa phone puro dismissed alarms, napatakbo sa cr.
"oh my oh my, kaya ko ito! 5 mins ligo, 5 minutes ayos!" nagring ang phone.....
"hello! papunta na ako!" sagot ko nalang sa boyfriend kong napakaperpekto andun na yun sa school malamang kanina pa, sorry di ako kasing perpekto niya, isa lang akong normal, di ko naman sinasabing abnormal siya ganun lang talaga siguro pag lumaki ka sa pamilyang mataas ang standards. boyfriend ko lang naman ang anak ng Presidente ng Pilipinas.
Ayan malapit na ako sa school, first day ko sa college medyo excited at kinakabahan at the same time. Nagpaganda ako siempre kahit di masyadong biniyayaan ng magandang mukha eh pwede na rin haha, naging boyfriend ko na anak ng presidente! "batang may laban!" ang lakas talaga ng confidence ko.
Pagpasok ko sa hallway ang daming tao may sumabay saking nakaputing uniform na mga lalaki, alam ko na mga bodyguards yun ni Vincent.
"Hon! di ka pa ba late?" sabay kiss sa aking pisngi.
"malapit na" sagot ko.
"Sige i'll see you later after your class nalang so that we can have lunch"
"ok hon tamang tama by 11am dismissal namin"
"goodluck hon! love you" sabay yakap sakin.
"love you too".
"bye" habang naglalakad siya palayo sakin tinitingnan ko lang siya andaming nagbabantay sa kanya, hindi ba siya nasasakal sa ganun.siguro nga sanayan lang talaga. napatingin ako sa relo ko,
"oh shit late na ako" tumakbo ako papunta sa room na di ko pa alam kung saan at yun nakabangga ako ng isang lalaking nakayuko na may malalaking salamin.
"ay so-so-sorry miss di ko si-si-sinasadya" sabi niya
"ano ba yan!" may halong inis na sabi ko habang pinupulot ko ang gamit ko.
"so sorry ta-ta-talaga miss" habang napulot niya ang aking reg card.
"ok lang sa susunod tumingin ka naman, late na ako di ko pa alam kung saan yun room ko!"
" tu-tu-turo ko sayo, alam ko kung saan ito!" binigay niya sakin ang reg card ko. hinatid niya ako sa room.
"Salamat ha! sige pasok na ako!" nagpaalam na ako sa kanya, laking gulat ko pumasok din siya at nginitian ko nalang siya. may dalawang upuan nalang sa dulo pa. Medyo malabo pa naman ang mata ko, hate kong magsalamin sumasakit ang ulo ko, ayaw ko ding mag contacts sa takot kong makalimutan kong tanggalin. umupo naman siya sa tabi ko.
***************
"Good Morning! welcome freshies! welcome to Fatima University! First day of our Trigonometry class! Let us start by introducing ourselves one by one, I'm Professor Mike Lee!
Hanggang umabot na yung turn sa lalaking katabi ko,
"Hi I'm Denny Boy Castro, from Quezon City" medyo natawa yung iba kasi nakayuko siya habang nagsasalita, mahiyain talaga siya. at umupo nalang siya. Inayos ko muna sarili ko bago tumayo.
"Hi I am Zenith Nieva Buenaventura, you can call me Eve for short, i'm from Novaliches, Quezon City" nakangiti namn sila habang nagsasalita ako, siempre sinamahan ko ng pilantik yung pagsasalita ko, batang may laban nga diba, haha.
Habang nagdidiscuss yung prof nakakatunganga na lang ako sa katabi ko kasi halos lahat ng tanong ni prof nakakasagot siya ang galing niya sobra, kaya siguro nakayuko siya sa sobrang bigat at taba ng utak ng taong ito di na niya kayang iangat ang ulo niya.
Natapos na ang classes at papunta na ako sa lobby kasi alam ko andun na si Vincent inaantay ako, di yun nalelate kaya dapat magmadali ako. Nagring ang phone ko at ayun na nga tumatawag na siya.
"Hello hon, papunta na ako jan wait lang po." inend ko na yung call at naglakad nalang ako ng mabilis. nakita ko na siya sa harap ng school kasama pa rin ang mga bodyguard niya naka convoy parati pag lumalabas, pumasok na ako sa car at tinanong niya ko kung san ko gusto kumain.
"Kahit saan lang ok lang" sagot ko sa kanya, so siya na namili, ayaw niya ng arguments mainitin ang ulo niya, kaunti lang pasensya niya at may pagka ocd siya. May mga rituals pa siya bago niya gawin ang isang bagay. Kaya minsan nagka clash talaga kami, kasi ako laging go with the flow at burara sa gamit (^^,) .
"Nabusog ka ba? do you want some desserts?" tanong niya.
"Hindi na ayoko ng sweets ngayon" habang hinahalukay ko ang natitirang gravy.
"Stop it eve! stop playing with that!" paninita niya sakin.
"ok im sorry!" sagot ko, ganyan talaga ang boyfriend ko, kahit noon pa man ganyan na talaga siya, noon nasasabayan ko pa kaso ngayon medyo nakakapagod na rin, na parang di ka makagalaw sa loob ng bilog na ginawa niya, limited lang ang galaw at you need to be perfect to when he's around.
"I need to go back na hon, im going to be late.."
"ok hatid na kita sabay akbay sakin."
Habang naglalakad sa hallway.
"oh Liza bat nakabusangot ka jan?!" tanong ko sa kaibigan kong nakaupo sa bench
Hindi niya ako sinagot tuloy lang siya sa pagyuko, alam ko di pa naman ako patay kung ituring ako nito ay parang si Dianne sa Pure Love.
"Ang ingay mo naman kita mong nag eemote yung tao eh!" sa wakas kinausap din ako nitong lukaret kong friend.
"ano ba kasi nangyari sayo?!" tanong ko.
"Nakita ko kasi si Brandon, ayun may kasamang girl at ang sweet sweet nila huhuhu i think im gonna die!!" inakay ko siya habang papalupasay na siya sa floor.
"huy! kaloka ka di ka pa rin naka get over kay Brandon, move on din sa high school crush girl! marami naman kasing boys jan sa tabi tabi" habang tinuturo ko yung mga guys sa katabing bench.
"iba siya girl, iba si Brandon!" sagot niya.
"haaay naku, bahala ka jan, iwan na muna kita at malelate na ako sa Eng 1 ko, text ka nalang maya 5pm tapos ng class ko!" naglakad na ako palayo kay Liza, wala na talaga akong magawa para sa kanya, maybe she needs time to think na wala talaga patutunguhan yung paghanga niya kay Brandon.
Pagpasok ko sa room nakita ko na naman ang isang pamilyar na lalake, naka hoodie jacket at siempre ang kayang big nerdy glasses.
"hi! magkaklase na naman pala tayo dito! naalala mo pa naman siguro ako diba, I'm Eve!" habang umuupo ako sa tabi niya, talagang nakayuko lang siya habang tumatango sa pinagsasabi ko.
"Ano nga ba ang name mo?" tanong ko.
"D-den, i'm Den" simpleng sagot niya sa tanong ko.
Malaki siguro talaga problema nito sa self-esteem, sobrang hiya niya ba sa sarili niya, cute naman siya may hitsura naman siguro to pag inayusan lang, maputi at matangkad, mahaba pa ang pilik mata. kaso lang sa pananamit niya lagi siyang nabubully ng guys sa campus.
Natapos na ang last class ko, habang papasakay na sana ako ng taxi, biglang may nagcall, at hindi ako nagkamali si Vince nga.
"Hon!, pauwi na ako nag-aantay nalang taxi." nagpupumilit na naman na sunduin ako, na feeling niya ay hindi ako marunong umuwi, sa sobrang concern minsan di na ako kinikilig, nakakasakal na din yung lagi nalang kelangan magkasama, kelangan ipaalam lahat ng lakad at kilos mo. Pero siempre di ako nanalo sa kanya at eto ako ngayon sa kotse niya, habang ang dami niyang kinekwentong nangyare sa school nila. Nakakapagod.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
hi guys first time ko ito! pagbigyan niyo na ang nag uumapaw kong ideas sa utak ko. hahaha