Chapter 1

714 11 0
                                    

"Daddy..." I called him for the third time but he just ignored me.

"Mom..." Like my dad, mommy just ignored me.

They were like that since last week. They want me to take a pre-med course but I refused. My heart doesn't want that. I chose the course that I will surely enjoy and learn things with passion.

They're disappointed. I know.

Nauna na silang umalis para sa duty nila sa hospital. Naiwan akong nakatulala sa TV habang hinihintay ang kaibigan kong si Ginny.

"Ma'am, nariyan yung anak ni Mr. Alfonso." Tawag ng kasambahay namin.

Tumayo ako at pumunta na sa gate kung saan naghihintay si Ginny.

"Hop in," Aya niya.

"Why are you wearing a sunglasses? Ang arte." Irap ko. Tumawa lang siya.

"Wag mo nga akong pakialaman! Baklang 'to." Aniya habang sinisimulan ng paandarin ang sasakyan.

"What did you- Oh my God!" Hindi ko na napigilan ang paghalakhak.

Hindi ko talaga alam kung saan nakukuha ni Ginny yung mga expression niyang ganiyan e. Maybe from their housemaids?

"That's funny, right? I know. I learn that expression from Carol." She laughed.

"I also heard that word from Rubi." Tukoy ko sa kasambahay namin.

Ginny lives a couple of streets away from our house. And she always fetch me so we could go to school together. Tutal ay wala rin namang magda-drive ng sasakyan sa bahay dahil gamit nila daddy ang driver.

"Tingin ko walang professors mamaya... Makakalibot tayo sa buong school!" Aniya habang ipinaparada na ang sasakyan sa assigned parking para sa mga estudyante ng College of Engineering and Architecture.

"You wish..." Napatigil ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Huy, baba na!" Sigaw ni Ginny.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya. Bumaba ako habang nakatitig parin sa kaniya. Dumiretso siya sa itim na sasakyang nasa tabi ng sasakyan ni Ginny.

"Excuse me, Miss." His brow arched. Damn! Ang gwapo.

"Brey, le-let's go." Naagaw ni Ginny ang atensyon ko dahil sa paghila niya sa uniform ko.

Napalingon muli ako sa diyos ng kagwapuhan na nananatiling nakataas ang kilay. Ang sungit!

"H-huh? Ah, okay?" Nagpatianod nalang ako sa paghila ni Ginny.

"Gosh, you're hands were trembling! And I feel like my knees will collapse anytime soon. Ang gwapo niya!" She histerically said.

I think, Ginny's brain was no where to be found at this moment.

"How can't I? This is the first time that we met after that incident." Iling ko habang inaalala yung nangyari noong nakaraang linggo.

"You mean, he's that guy?" Pinanlakihan niya ako ng mata at matalim na tinignan. It's seems like she'll be mad if I lie.

"Y-yeah." I said then close my eyes. I was ready to hear her loud voice when a guy approached her.

Noong nakaraang enrollment ko nakilala yung gwapo pero mukhang masungit na lalaki kanina. Wala kasi si Ginny noon kaya naisipan kong mag-taxi nalang.

Kinabahan ako noong naramdaman kong may taong sumusunod sa akin papunta sa waiting shed sa labas ng campus. Pasimple kong nilingon yung taong nasa likod ko at mas lalo akong kinabahan nang magtama yung mata namin noong lalaki. Yung itsura niya ay mukha talagang hindi gagawa ng mabuti kaya mas lalong nadagdagan ang kaba ko.

Chasing Pain (SMA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon