CHAPTER I

28 2 0
                                    

"Hapunan sa Madaling Araw"

Butoy's P.O.V.

Nangyari ito kagabi.

Nung nagpupuyat ako dahil tinatamad akong pumasok.

Tamang nuod lang sa YouTube ng weird videos.

Habang nasa kalagitnaan ako ng "Top 10 places you should never visit" na vid e nakaramdam ako ng gutom.

Pana'y cellphone na kasi kaya nakalimutan maghapunan.

Naisipan ko bumili ng makakain kaya nga lang nakita ko sa relo ko,

"3:36AM" na pala.

So ayun na nga nagbihis ako at bumaba ng bahay, binuksan ang lock at naglakad paakyat ng gate ng village namin.

Habang paakyat napansin ko na bukas pa pala yung tindahan sa gilid ng gate.

"Tita Adulina Store" maliwanag na maliwanag.

Sabi ko "Hays buti nalang bukas pa tong tindahan na to."

Nagtanong ako kung may mga delata pa ba silang tinda.

Sabi wala daw.

Tinanong ko may kung pancit canton, wala din daw.

Puro red horse nalang daw tiyaka chichirya ang tinda nila.

Nasabi ko sa sarili ko "walang kwenta naman tong tindahan na to nagtinda pa kayo."

Naisipan ko bukas pa pala yung 7/11. Dumiretso ako dun.

Pagdating kumuha kagad ako ng Hotdog.

Nagdadasal na sana di to nahulog tapos binalik sa lagayan.

Pagkatapos kinain ko na kagad syempre gutom na ako e.

Pagkatapos kumain naglakad na ako pauwi.

Habang naglalakad ako I noticed something strange.

May sumusunod sakin.

Lumingon ako para tignan, wala naman.

"Ang weird" sabi ko.

Binilisan ko lakad ko.
Mahangin anlamig, parang relasyon niyo.

Nagpatuloy akong lumakad.
Tapos naramdaman ko naman na parang may umaaligid.

Pag tingin ko, meron nang figure.

Sure akong lalaki siya. Medyo blurry pero sure ako.

Binilisan ko na yung lakad ko na parang tumatakbo.

At habang pabilis ako ng pabilis. Palapit siya ng palapit.

At habang papalapit ng papalapit. Palinaw ng palinaw ang itsura niya.

Akala ko nung una may dala siyang mahabang baril.

Pero no.

Parte pala ng katawan niya yun.

Nakadating na ako sa gate.

Bukas padin yung tindahan sa gilid pero iba na itsura nito.

Yung ilaw papatay patay.

Lumapit ako para tignan.

Nawala na yung sumusunod sakin pero nagulat ako sa aking nakita.



Puro dugo na yung tindahan.

Nagkalat sa mga paninda at sa kisame.

Narinig ko siyang papalapit ulit.

Nagtago ako sa tindahan.

Mangiyak ngiyak ako ng makita ko yung tindera.

Pugot na ang kanyang ulo.

At wak wak na kanyang tiyan.

Nagkalat sa counter yung mga laman loob niya.



Nanginginig ako sa takot. Naiiyak na ako.

Naririnig ko yung mga hakbang niyang dahan dahan.

Tumakbo kagad ako palabas papunta sa bahay namin.

Di na ako lumingon para tumingin. Iniisip ko nalang na makauwi na ako.

Pero ramdam ko padin ang presensya niya.

Habang pabilis ng pabilis ang takbo ng aking puso ganun din ang pagsunod niya sa mga yapak ko.

Habang tumatakbo di ko namalayan na may nakaumbok pala sa nilalakaran ko.

Natapilok ako at napahiga.

Di ko na alam ang gagawin ko.

Nakita ko siyang nakatingin sakin. Mahahabang mga kuko at matatalas na mga ngipin.

Papa lapit siya ng papa lapit
sa akin.

Di ko alam kung ako'y tatayo at tatakbo pa pauwi o ayun na ang huling panahon na makakahinga ako ng hangin.

Pero di ako nawalan ng pagasa. Pinilit kong tumayo kahit may pilay na aking mga paa.

At kahit rinig ko na ang gutom sa boses na galing sa kanyang bunga nga.

Nabuhayan ako ng pagasa ng marinig ko ang makina ng roaming patrol ng village namin.

Nabaling sa kanila ang atensyon ng halimaw.

Tumakno ako at di na lumingon. Di ko na inisip ang tatlong buhay na kapalit basta ako'y makauwi ng ligtas.

Rinig ko ang kanilang sigaw.

Ang sakit ng paglapa sa kanila ng halimaw.

Umabot na ako sa aming pintuan agad kong sinusian ang kandado.

Papasok na ako sa loob ng biglang tumakbo siya papalit sakin.

Agad kong sinarado ang pinto.

At dun ko nakita ang karumal dumal niyang mukha na puno ng dugo at laman nakasabit sa kanyang mga ngipin.

Pumasok ako sa loob at nagdasal.

Na sana'y matapos na ang umagang iyon at mawala na ang halimaw na nagaanyong ibon.

Nawala ang kalabog.

Nawala na ang ingay.

Unti unti kong binuksan ang pintuan at tinignan.

Wala na ang halimaw.

Umakyat na ako sa kwarto para magpahinga.

Pinikit ang mga mata at nagpasalamat na lahat ng iyon ay tapos na.

Ngunit lahat ay nagimbal.

Ng may maramdaman na naman akong kakaiba.

Muli kong binuksan ko ang ang aking mga mata.

Bigla akong napasabi ng putangina.

Nakita ko itong pababa.

Sa aming kisame.

May malaki ngiti sa kanyang kadiring mga labi.

Unti unti siyang lumapit at sinabing,

"Sa wakas...

Makakain ko na din ang aking huling hapunan."

CrawlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon