Jail Booth.

93 7 2
                                    

Nandito ako ngayon sa campus paikot ikot. nakakainis naman kasi si Lj! pinilit niya akong pumunta sa sports fest tapos wala naman siya dito, tinatawagan ko pero hindi naman sumasagot, hahanapin ko nalang nga siya!

pumunta ako sa gym, habang naglalakad palinga linga ako nagbabakasakaling mahanap ko siya. marami din palang booths dito at mga kaek ekan nila,

nakarating ako sa gym pero wala siya, sa court, sa lab, sa library, sa field, sa bleachers pero wala talaga! damn it! uuwi na ako. bahala siya.

"Hiii!!!" biglang may kumalabit saakin

"oh Jennifer, ano yun? teka---" hindi pa ako tapos magsalita

"guuuys!!!! takpan niyo na yung mata niya pati na rin bibig ang ingay kasi. HAHA" malabruhang sabi ni Jenny

damn! bakit ako pa??? may nagtakip nga sa mga mata ko pati bibig, hindi ko alam kung nasaan na kami basta lakad lang kami nang lakad hanggang sa huminto na kami. kinuha na yung piring ko sa mata pati sa bibig

napatingin ako sa right hand ko and... nakaposas lang naman, bakit hindi ko naramdaman yung posas? napatingin ako sa partner ko O.O

"damn you Lj! kanina pa ako hanap ng hanap sayo tapos nandito ka lang pala!"

"sorry na Mika, kasi naman sila Jenny at Dave eh! dapat tatawagan kita kaso dinakip nila ako kaya hindi ko na nagawa" rason niya

"tsk. reasons mo! tignan mo ngayon, naka jail tayo. ano bang gagawin natin dito?"

kami lang pala dalawa dito sa loob, biglang may nagsalita sa speaker

"ehem ehem. teka, oy! on air na ba to?---okay okay. ehem. ay puta naman brad eh! wag ka munang makulit oh on air na ako eh!----okay mamaya nga tangna naman eh!" ano ba tong mga taong to? at diyan pa sila nagbangayan -_-

"manong paki labas nga yan. ayan. ehem. hello? ay mic test pala. ehem. uhm, teka, Jenny! ano nga ulit sasabihin ko?-- sorry naman! okay. Guys! Lj, and Mika, si Dave to XD haha ang saya noh? btw, may mga quests kayong dapat gawin in order to get out of that suffocating jail quickly. First, see that machine on the left side?" napatingin naman kami. aba, ngayon ko lang yan napansin

"so mag seselfie kayo diyan. haha dapat naka smile kayo or wacky kung hindi madadagdagan kayo ng 30 minutes diyan sa loob" ano ba yun? ang daya! tinignan ko si Lj nakakunot yung noo niya

"alam kong eksayted na kayo, at alam kong nasa isip mo Lj na pinapakyuhan mo na ako, moving on ang sunod niyong gagawin ay hahanapin ang susi diyan sa balde. goodluck guys!!!! byeeeee!!!"

(OoO) seriously?!!! eh dalawang balde yan na punong puno ng mga susiiii!!!!

"puta! kapag ako talaga nakalabas dito ipapasalvage ko si Dave! ipapakain ko pa sakanya tong mga susi! ang dami niyan kaya!!!!!!" halata sa mukha niya na nawawalan siya ng pag asa.

"manahimik ka nga. tara mag selfie na muna tayo."

"mabuti pa nga" sang ayon naman niya

*1st shot*

nakasmile ako tsaka naka peace sign habang si Lj naman nakapatong yung isang braso niya sa ulo ko (maliit po kasi ako) tapos naka smile din at nag peace sign

*2nd shot*

tounge out naman ang peg ko while si Lj naman naka simangot

*3rd shot*

Si Lj naman ang nag tounge out habang ako naka posing na parang na shock.

*4th shot*

nagulat ako nang bigla akong kiniss ni Lj sa cheeks. >___<

*click*

kita ko sa picture na namumula ako habang gulat na gulat. si Lj naman nakasmile habang kinikiss ako sa cheeks. oo alam kong mag bestfriend kami pero hanggang hug lang kasi kami kaya nanibago ako

"tignan mo oh! ang cute natin!!!" tinuturo niya yung last pic namin tapos pinipisil pisil niya yung cheeks ko

"ha? oo n-nga. ha..ha" grabe ang akward ko ngayon! kasi naman! mahal ko siya eh :( pero alam ko hanggang bestfriend lang ako.

"tara na!! hanapin na natin yung keys! ikaw sa isang posas tsaka ako naman sa isa!" ang hyper niya yata bigla. um-oo nalang ako

habang naghahanap kami ng susi tahimik lang kami, si Lj mukhang seryoso na parang hindi mapakali

kanina pa kami hanap ng hanap, nakakalahati ko na yung balde. napagpasyahan ko munang magpahinga,

"magpapahinga muna ako. pagod na ako eh" sabi ko sakanya

"okay. ako nalang din. nakakangawit eh" sumandal din siya sa may wall.

kru..kru..

*a moment of silence*

ang tahimik! ang akward. hindi ako sanay, hanggang sa binasag niya ang katahimikan

"uh, Mika. about dun sa last pic natin, i meant it." aaaaaaakwaaaaaard.

"h-ha? uhm okay. normal lang naman yun sa magkaibigan diba?"

"para sayo siguro. pero para sakin hindi" nagtaka ako sa sinabi niya

"anong ibig mong sabihin?"

"k-kasi.. Mika, please sana wag magbago ang tingin mo sakin. mika, mahal kita, mahal na mahal" haha talaga naman oh. wag mo akong saktan Lj.

"oo! ano ka ba! alam ko yan. mahal nga din kita eh!" pero yung akin I really mean it. may malisya yung akin XD

"hindi! hindi yun! what I mean is.. sobra pa sa isang kaibigan. sa tuwing nakikita kitang umiiyak parang binabasag yung puso ko, kapag nakikita naman kita tumatawa parang may bibig din yung puso ko kasi parang ngumingiti din ito. Mika, I love you more than a friend matagal ko na itong inililihim.hindi ko magawang umamin noon kasi natotorpe ako at naduduwag na baka layuan mo ako. but I think its about time na malaman mo, I think this is the right time na umamin sayo kasi tayong dalawa lang."

oh my gosh. speechless ako sa speech niya. ay lol. totoo? as in seriously?!!

"Mika, magsalita ka naman. kinakabahan na ako dito oh!"

"i-i don't know what to say"

"just tell me how are you feeling"

"I'm good"

"argh. ano ba Mika?"

"teka. ano ba? damn. bakit ba?"

"ano na?! mahal mo din ba ako?"

"damn it! yes!"

"ayan! kung ano ano pa kasing sinasabi eh!"

"bakit ba? eh hindi mo naman kinaklaro yung tanong mo!"

"sabi ko nga kanina diba how are you feeling? anong nararamdaman mo?!"

"sinagot ko naman ng good ah! ano bang problema mo?!"

"aish! wala! kainis ka naman eh! simula ngayon tayo na"

I stood up. "oh bakit hindi ka pa nakatayo?" he just looked at me

"sabi mo tayo na! eh bakit hindi ka pa tumatayo?"

"argh. mababaliw pa ako lalo sayo eh! sabi ko tayo na as in, in a relationship!"

"ewan ko sayo. ano? tatayo ka ba? kasi pag hindi, walang tayo" tumayo naman agad siya na may ngiti sa labi. ang gwapo talaga niya. pero hanggang ngayon bangayan parin kami ng bangayan

i hugged him.. nung una hindi siya gumalaw pagkatapos ay inihug naman niya ako pabalik.

"I love you Mika, habang buhay kitang ikukulong dito sa puso ko" kinikilig naman daw ako

"I love you too Lj, ako naman ang magsisilbing susi sa sarado mong puso" he kissed me on the forehead.

-------------------------------------

A/N: maganda ba? vote and comment guys :) and also please support my other story "That Gifted Girl"

Jail BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon