You'll See(oneshot)

2 0 0
                                    

                        
Skylers POV

Halos mapunit na ang aking mga labi habang binabasa ang script ko sa aming role play para sa lunes dahil ito ay tungkol sa nakaraan,naalala ko tuloy ang isang paborito kong karakter sa wattpad si Juanito Alfonso.

At dahil naalala ko nga si Ginoong Juanito ay kinuha ko ang libro kong I love you since 1892 at nagsimula na muling magbasa ng kaniyang istorya.Makalipas ang ilang oras ay nanakit ang aking mata dahil sa pagbabasa dahil malabo rin ang aking mata dahil sa kakaselpon sabi ng aking ina.

"A-ahh Binibini  a-ay este m-miss,a-ayos ka lang ba?"nagulat ako nang makita ang isang lalaking matangkad at may mapupungay na mata ang nasa aking harap.Siguro nakita niya akong nakahawak sa aking ulo at minamasahe ito dahil sa sakit ng aking mata.

"A-ah o-opo"nauutal kong sagot pagkatapos ay naglakad na ako pauwi.

__

Nanginginig ang aking mga paa habang nag lalakad ako papunta sa aming silid aralan dahil first subject namin ang History at ang ibig sabihin non ay mag rorole play na kami at ang role ko ay leading lady at si James ang aking ka partner.

Pagdating ko sa aming silid aralan ay nagaayos na ang lahat at dahil late ako namataan ko ang aming propesor na naglalakad papunta sa aming silid aralan dahilan kung bakit nagmadali akong pumasok at kinuha ang aking damit na gagamitin nang may sumigaw isa sa mga kaklase ko.

"Guys!nilalagnat daw si James!inshort hindi siya makakapasok!"Kasabay ng kaniyang pagsigaw ay ang pagpasok ng aming propesor kasama ang isang pamilyar na lalaki.

"Wala si James?tamang tama may lilipat sa inyong section at siya na lamang ang papalit kay James,huwag kayong magalala dahil pinapagawa ko rin ang role play niyo sa section nila at siya si Ginoong Pamelore(role ng leading man) sa kanilang play." Paliwanag nito.Hala ibig sabihin siya ang magiging partner ko at ngayon ko lang siya nakilala dahil siya pala iyong lalaking nagtanong saakin noong isang araw kung ako ba'y ayos lamang.

"So class meet your new classmate,Juan Alfonso." Sabi ng aming propesor habang ang lahat naman ay binabati siya at may iilang babaeng nagsisimula ng humarot dahil may itsura rin ang lalaking ito.

Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na ang play dahilan upang mas lalo akong kabahan.

Nasa kalagitnaan na kami ng play at ito na iyong part na aamin si Pamelore kay Lyzandra(role ko) sa gitna ng maliit na tulay.

"Binibini,matagal ko ng nais sabihin sa iyo ito ngunit pinangungunahan ako ng aking hiya pero eto na ang aking pagkakataon upang masabi saiyo ito.Binibini,mahal kita nawa'y tanggapin mo ang aking pusong umiibig saiyo." Ani ni Juan

"Ginoo,tinatanggap ko ang iyong pagibig sapagkat matagal narin akong lihim na umiibig sayo." Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mata.

__

Nang matapos ang role play ang bigla na lamang akong hinila ni Juan.Dahil sa gulat ay itinulak ko siya at akmang susuntukin.

"Sandali lamang binibini,may sasabihin lamang ako sayo" Ani niya dahilan upang mapatigil ako

"Binibini,Jet'aime, Ich liebe ditch, Te amo. Tatlong magkakaibang lengwahe pero iisa lang ang ibig sabihin. Mahal kita" Ani niya na nagpataas sa aking mga balahibo

"Binibini,tanggapin mo ang pagibig ko,isa itong utos mula sa iyong manliligaw."Ani niya pa na nag pa nganga sa akin.A-ano daw? M-manliligaw?p-pagibig?

"M-manliligaw?"tanong ko

"Oo binibini,mula ngayon ako ay manliligaw mo na."

At bigla na lamang pumasok sa aking isipan si Juanito Alfonso.

"J-juanito?" Bigla kong tanong

"Tama ka binibini,ako nga ito Juanito Alfonso."Ani niya

Si Juanito?Totoo? At dahil doon at napaiyak ako at napayakap sakaniya.

__
7 years later

Hindi ko inaakala na ang isang paborito kong karakter sa wattpad ay mabubuhay at magiging totoong asawa ko na.

Hindi ko siya minahal dahil siya lamang ang paborito kong karakter,minahal ko siya dahil mahal ko siya.

Masarap sa pakiramdam yung dating pinapangarap mo na magkatotoo ay nagkatotoo at ngayon ay sayo na ito.

And now I realized that you just have to believe and you'll see.

You'll See (oneshot)Where stories live. Discover now