First year high school nung una kitang nakita, hindi ka masyadong kagwapuhan kaya bihira kang lapitan ng mga babae dito sa Campus.
Noong nasa pila tayo, ang sabi mo sakin noon 'Ang ganda mo', hindi ko pa masyadong inisip yun kasi wala pa akong interes sayo noon.
Ngayong 2nd year, classmate na kita at nasa Star section tayo. Girlfriend mo ang isa sa kaibigan ko, ang kaibigan kong playgirl na halos 10+ na ang naging boyfriend na kahit isa wala siyang minahal.
Kapag may problema ka, ako palagi ang nilalapitan mo. Sa totoo lang, halos araw araw ka ng may problema simula nung parang nagsawa na ang girlfriend mo sayo.
Nasaan na ang Kyler na nakilala ko? Yung masayahin, palatawa, at palabiro. Lahat ng yan napalitan ng kalungkutan.
Hanggang sa nalaman kong masaya ako kapag kausap kita, nahuhulog na ang loob ko sayo. Pero alam kong masama ang maInlove sa boyfriend ng kaibigan ko.
- Breanna
------------------------------------------------
Breanna's POV
Nasa Classroom kami ngayon at may ginagawa kaming group activity. Kagroup ko si Kyler. Ang sarap nga ng feeling na kagroup mo yung crush mo ^___^
"Pst. Breanna, may sasabihin ako sayo" sabi sa akin ni Kyler.
"Ano?"
Lumapit sa akin si Kyler at nilapit ang labi niya sa tenga ko para may ibulong. Nakikiliti ako *v* Hehe.
"Feeling ko hindi ako tinuturing ni Larissa na boyfriend niya" sabi niya sa akin at lumayo na ng konti
"Akala niya siguro Bulletproof ka" sabi ko sa kanya.
"Oo nga, akala niya ako si Superman. Man of Steel" sabi niya ng nakakunot ang noo.
"Haha. Superbulletproof" sabi ko. Siyempre gusto ko siyang patawanin.
"Hahahaha. Oo nga noh!" sabi niya at nakipag- apir sakin.
Kahit korni natawa naman siya diba? HAHA. Parang gusto ko yung feeling na ganito palagi. Gustong gusto ko talaga na kausap ko siya palagi.
"Haha" tawa ko. At bigla siyang yumuko. Nakakaawa siya :/
"Naaawa ka ba sakin?" tanong niya. Nanlaki yung mata ko, kasi paano niya nalaman na naaawa ako sa kanya? paano niya nalaman yung nasa isip ko? O____O
"Huh?" nagtaka ako.
"Wag kang maaawa sakin, tinutulungan ako ni GOD" sabi niya. Nakakainlove talaga yung mga lalaking makaDiyos ^___^
Natapos na ang group activity namin. Lunch na ngayon at nasa canteen na kami. Habang kumakain ako, sinusulyapan ko si Kyler kung masaya ba siya o hindi.
After school. Nasa bahay na ako ngayon. NagfeFacebook ako ^___^ Siyempre.
Bigla akong chinat ni Kyler. Hala, ano kailangan niya :D
(Sa Chat)
Kyler: Sssst!
Breanna: Oh?
Kyler: Mahal ba talaga ako ni Larissa?
Breanna: Siguro, sabi niya eh.
Kyler: Ahh.
Breanna: Uy, sa totoo lang napapansin ko hindi ka niya mahal.
Kyler: Bakit?
Breanna: Halata naman eh.
Kyler: Ahh. Sige tinatanggap ko naman opinyon ng mga kaibigan ko eh.
Breanna: Kausapin mo kaya siya, kausapin mo siya ng SERYOSONG SERYOSO!
Kyler: Alam mo Breanna, nagawa ko na yun eh pero ang sabi niya mahal na mahal niya daw ako.
Breanna: Yun naman pala eh! Nice :)
(END OF CHAT)
Ay -___- Biglang nag-offline si Kyler. Btw, parang ang sama sama ko naman! sinabi ko sa kanya na parang hindi siya mahal ng girlfriend niya :( Excuse me! Hindi ko sinabi yun para magbreak sila, sinabi ko lang naman ang opinyon ko eh.
Sige sige, kekwento ko sa inyo kung bakit yun ang napansin ko.
(Flashback)
Pupunta kami ng KFC ngayon, pero nasa school pa kami ngayon.
"Psst! Larissa! Uuwi ka na?" tanong ni Kyler.
"MagkeKFC kami eh" sabi ni Larissa.
"Ah ganun ba. O sige, ingat ka ah! I love you" sabi ni Kyler. Ang sweet naman :"">
Nagulat ako dahil hindi man lang sinabi ni Larissa na 'I love you too' Binalik ko ang tingin ko kay Kyler, malungkot siya.
Nandito na kami sa KFC ngayon, nagkwekwentuhan habang kumakain.
"Uy bakit ang lungkot palagi ni Kyler?" tanong ko kay Larissa.
"Gusto ko na ngang makipagBreak sa kanya eh" sabi ni Larissa. Hala O___O kawawa naman si Kyler.
"Bakit?" tanong ko.
"Eh bakit hindi ka makipagbreak?" tanong ni Maiko. Isa sa Bestfriend ko si Maiko.
"Mahal na mahal ko pa kasi si Kyler at naaawa ako" sabi ni Larissa.
(End of Flashback)
Oh tignan niyo guys? Totoo ba yung dahilan na mahal na mahal niya pa kaya hindi siya nakikipagbreak pero GUSTO niya na makipagbreak -____- 'MAHAL NA MAHAL' tapos gusto makipagbreak? :/ Kulang pa ba yung mga signs na hindi siya mahal ng girlfriend niya? O sige sige. Kekwento ko ulit sayo sa susunod ^_____^
----
Umaga na at walang pasok ngayon. Ang boring masyado kapag walang pasok, buti na lang at katext ko siya palagi ^_____^
"Brea, may sasabihin ako sayo" nagtext si Kyler. Hayy Kyler -____- Diary nga ako noh?
"Oh ano yun?" nagreply naman ako sayo.
"Nasasaktan na talaga ako ng sobra sobra, feeling ko hindi ko na kaya" - Kyler
"Ano gagawin mo? Makikipagbreak ka?" - Breanna
"Yun na nga ang nasa isip ko pero hindi ko gagawin yun. Kakayanin ko lahat ng pagsubok na dumadating samin ng girlfriend ko" - Kyler
Makulet rin 'tong crush ko eh noh? :/ Okay lang yan!
----------
(SamSwift: Hintayin niyo na lang yung susunod ;) Pavote muna para ganahan ako. HAHAHAHA :D)
BINABASA MO ANG
Maiinlove pala ako sayo? ♥
Teen FictionHello dyan sa mga nakakakilala sa akin ;))) Kabaliwan ko 'toh! HAHAHAHA. Sa mga hindi nakakakilala sakin, ako si SamSwift♥ --- E'tong story na 'toh tungkol sa crush ko na kinabaliwan ko ;) Yung crush kong boyfriend ng kaibigan ko.. Pero break na s...