Chapter 1

14 1 0
                                    

Kim POV

Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang binata na umiiyak.

Tumingin ako sa bintana ng emrgency room. Mukhang nag-aagaw buhay na ang babae, mukhang hindi na nya kaya.

Araw-araw akong may nakikitang namamatay, may umiiyak naman. Gusto ko silang tulungan pero wala akong magagawa.

Ipinikit ko ang aking mga mata.

"Sana kahit ngayon lang, makatulong ako." Pagmulat ko, unti-unting nagliwanag ang aking kwintas dahilan para ikatuwa ko. Ito na yun, ito na yung araw na hinihintay ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng babae. Ito na yun, kailangan ko nang gawin ang misyon ko.

Kavvien POV

Napatayo ako pagkalabas ng doctor sa emergency room.

"Doc, kamusta po sya?" Tanong ko habang pinupunasan ang aking mga luha.

"She's fine, mukhang milagro ang nangyari sa kanya. Akala ko nung una, sasakabilang buhay na sya pero nabuhay sya, natanggal narin namin ang tatlong bala sa katawan nya, maya-maya rin ay gigising na sya." Pagkasbi ng doctor, huminga ako ng maluwag.

Kim POV

Nagising ako sa isang silid na puro puti.

Totoo ba'to? May misyon na ako? Pero pagkatapos ng misyon ko. Kailangan ko rin namang mamaalam e. Mawawala ulit ako tapos hahanap na naman ng taong papasukan ko para ituloy ang misyon nilang hindi pa nila natatapos.

Ang duga no? Kasi kailanman hindi ako mabubuhay sa totoo kong katawan, hindi ko magawa yung mga misyon kong itinakda para talaga sa'kin, hindi ko matulungan yung sarili ko.

Bagong buhay na naman tong pinasok ko. Kailangan kong makumpleto yung misyon nitong taong pinasukan ko. Pagkatapos nito, mabubuhay na ako sa totoo kong katawan, hindi na ako manghihiram ng katawan ng iba.

Sana, sana makumpleto ko na ang itinakdang misyon para sa taong ito.

Ilang minuto ang lumipas isang lalaki ang pumasok sa silid. Ito yung kaninang binata na umiiyak, mukhang masaya na sya ngayon.

"Kaylee, are you okay? May masakit ba sa'yo?" Tanong ng binata.

"Yes, I'm okay." Pagkasagot ko sa tanong nya. Unti-unting sumakit ang ulo ko. Ito na yun, babalik na ulit sa katawan nya ang mga alaala nitong katawan na ito.

Puro masasakit na alaala ang nakikita ko, and this girl is ready to sacrifice her life for Kavvien. Hindi alam ni Kavvien yung tunay na nararamdaman ni Kaylee, natatakot kasi sya na baka pag nalaman nya iyon, iwasan na sya ni Kavvien.

Ang unfair no? Kasi, kahit mahal na mahal mo talaga yung tao kung hindi rin naman kayo itinadhana, wala rin. Nakakabilib yung mga taong handang magmahal kahit na sa huli alam nilang masasaktan sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MissionWhere stories live. Discover now