First day of school, hell day for me. You can say I'm a little bit bratty by saying that, but I'm just telling the truth.Bakit pa kasi may pakilala sa harapan 'pag first day of school? Hindi ba pwedeng usap usap lang sa katabi, kamustahan ganon, pero bakit ganito pa? Argh.
Hi! My name is Anya Monterde, 17, 1st year college and right now I am feeling very, very anxious because of this stupid "state-your-name-in-front- of-the-class" thingy.
Wala akong naiisip kundi, anong sasabihin ko sa harap? Magpapatawa ba ako? Magpipick-up line?
"Next...the girl in the last row, please go in front now."
Shit. Oh Lord, please help me.
Nanginginig na paa at kamay akong naglakad papuntang harapan ng klase. I'm having a mental breakdown at the moment.
"Hi, my name is Anya Monterde, 17 years old..." mahina kong pagkakasabi.
My goodness. Ang bobo mo! Edi ipapaulit ng Prof 'yung sinabi mo.
"Please louder your voice Ms. Monterde." the teacher said.
Double shit. Uulit pa ako? Eh halos mahimatay na ako dito sa gitna.
Pinalibot ko ang tingin sa buong klase at napansin na halos lahat ng mga kaklase ko ay inaantok at bored.
"Ehem, my name is Anya Monterde, 17 years old." medyo malakas kong sabi at napansin ko na halos lahat ng mata ay nakatutok na sakin.
Oh how I hate this. Pumikit kayo please. Joke.
"Anya may boyfriend ka na ba?" tanong ng mukhang bibe kong kaklase.
"Anya available ka ba...?"
How dare them ask questions like that to me? Pero siyempre lahat ng ito ay nasa isip ko lamang. I don't have the guts to say those things to them.
"Students please stop asking non-educational questions to your classmate. You may take your sit now, Ms. Monterde."
Mabilis akong naglakad patungo sa aking upuan pero bago pa mangyari iyon, tinanong ulit ako ng isa pang kaklase ko na lalaki...
"Anya, anong tagalog ng stand-up? Tayo o bangon?"
What!? Tinatanong pa ba 'yan? Edi...
"Tayo," tiningnan ko yung nagtanong sakin. Infairness, gwapo siya. Pero 'di ko type.
Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatutok samin pati na nga si Prof.
"Sure ka ba niyan?" tanong niya ulit.
Ano bang problema nito sakin? Masyado akong panget para mapansin niya. Sinasayang niya lang ang oras niya sakin. Pero as always, sa isip ko ulit 'yon.
"Oo..."
"Tayo?"
Paulit-ulit!?
"Oo nga," naiinis ko ng sabi.
"Okay, edi tayo na. Sabi mo iyan ha." at tumawa pa siya.
Halos tumalon lahat ng mga kaklase ko sa sinabi niya. Lahat sila tinutukso kami. 'Yung mga boys ay nakipag-apir pa sa kanya. Ang mga babae naman halos maglupasay sa kilig.
Ano daw? Hindi ko kasi gets eh.
___
Matapos ang pangyayaring iyon, naging tampulan kami ng tukso. 'Yung lalaki na man na nagsabi 'non sakin, panay ang sulyap sa pwesto ko.
Hindi nalang ako nagsasalita at 'di sila pinapansin. Mga walang magawa sa buhay.
At ng tumunog na ang bell, hudyat na break time na. Sa wakas! Makakaalis na ako dito sa hell room. Ang awkward ng feeling ko. Nakakahiya 'yung mga pangyayari kanina. Gusto ko nang magtago sa kumot. Huhu.
Dali-dali akong tumayo at naglakad ng mabilis paalis ng room.
May narinig pa akong tumawag saakin pero 'di ko na nilingon ito.
Bago pa ako makaliko sa hallway papuntang cafeteria ay may nabangga akong matigas na bagay. Sa sobra kong pagmamadali ay hindi na ako tumitingin sa aking dinadaanan. Tanga ko naman.
"Sorry, sorry hindi ko sinasadya..." sabi ko sa nakabangga ko. Masyado akong busy sa paghihilot sa aking noo at 'di ko na siya tinitingnan pa.
Halos isang minuto bago ko pa narealize na hindi siya nagsasalita at nakatitig lamang sa akin.
Huh? Nagkabukol ba ako? Hala.
"Uhm, sorry talaga hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin ko ikaw sa clini-"
"I'm okay," malamig nitong sagot.
Halos mapatampal ako sa aking noo sa pagtatanong ng marami.'Di naman kami close. Nakakahiya ka talaga Anya.
"Sige, sorry po talaga." at mabilis ulit akong naglakad paalis.
Hay. Nagugutom na ako. Saan ba 'yung cafeteria nila? Ang laki naman kasi ng school na ito.
'Tyempo naman na may babaeng nakaupo sa damuhan at nagbabasa ng libro akong nakita. Magtatanong nalang siguro ako.
Okay Anya, inhale, exhale. Kaya mo 'yan kahit nahihiya ka.
Dahan-dahan akong naglakad sa papalapit at kinalabit siya.
"Miss, saan iyong cafeteria niyo?" tanong ko nang bumaling siya sakin.
Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
"Just go straight ahead then makikita mo na ang cafeteria." may pagkasuplada pa niyang sagot sakin.
Aba! Gusto mo tusukin ko 'yang fake lips mo? Pero siyempre, sa isip ko lang iyon. Ayaw kong mapaaway sa bisugo no!
Nagpasalamat ako at halos takbuhin ko na ang patungo sa cafe. Thank God at makakain na po ako. Nagutom ako sa lahat ng pangyayari ngayong araw.
____
Note:
Start of my first ever story :)) please be aware din po na ang ginamit kong Education System is not K-12. Thank you! I hope you'll support me by clicking the vote button and adding this story to your library.
Love, 🌙🌟
01/24/19