1 //Flashback

228 8 10
                                    

TABIPOT: Dedicated kay yourlittledemon =) nagtatampo kasi siya, siya raw nakakailang dedicate na sa'kin tapos di ko pa'rin daw siya nadedecicate-an. AYENEHAH? Mas maganda ba ang FALSE PRETENSES compared sa AETL? XD suggestion ng topaking si yourlittledemon, haha ;)

_____________________________________________________________________________

*Chapter 1: Flashback*

//ASHTON'S

Mayroon akong nakikita.... Mga... Ala-ala....na nangyari... Sa akin simula pagkabata hanggang sa mangyari ang aksidente.

Kasama ko ang magulang ko, supling pa lamang ako nun. Hanggang sa lumaki ako, at nakilala ang childhood friend ko na si Sierra, ang elementary days ko hanggang sa highschool ako.

*LALA!*

Sigaw ko, oo, alam kong boses ko yun, ngunit sino yung Lala? Wala akong maalalang mukha. Puro boses lamang.

*Sinabi nang ayoko ng Lala eh! Krisy nga!*

H-huh?

A-ang sakit ng ulo ko... Aaaahhhh!...

*Haha! Ode, Krisylala na lang!*

nakikita ko ang mukha ko, nakangiti ako diyan, parang walang problema, parang ang gaan ng lahat ng bagay.

*hmp! Bahala ka kung anong gusto mo!*

"AAAAAHHHH!"

Nagising na lang akong sumisigaw, ang sakit ng ulo. Masyadong mabilis ang flashback sa utak ko. Naguguluhan ako.

Nakahawak ako sa ulo, nakapikit ako habang iniinda ang sakit.

"S-son!" sigaw ng isang babae sa tabi ko.

Pagtingin ko.

"M-m...mom?"

******

//THIRD PERSON

"Oh my God, you're awake!" masayang sabi nito "Linda! call the doctor! Ppali!" baling nito sa kasama niyang katulong. Dali-dali naman itong lumabas upang tawagin ang doktor.

"Jesus Christ.... Thank you very much *sob*" iyak nito, tears of joy kumbaga, dahil pagkatapos ng halos isang taon ay gising na ang anak niya, na halos mawalan na siya ng pag-asa. Ngunit heto, kita mo nga naman.... himala ba 'tong maituturing?

"Mom.....I'm fine...."

*creaaak*

Nabaling ang atensyong ng mag-ina sa bumukas na pinto.

"Good morning, son."

Ang dad pala niya. Parang walang nangyari ang pagkakasabi niya. Sabagay, alam naman niya ang totoo hindi ba?

"D-dad..."

Ngumiti ito ng bahagya.....

"I'm glad you're awake."

*******

"Do you want me to peel some apples for you, Cliff?"

Sabi ng isang magandang babae sa tabi ni Ashton. Ang unang pangalan niya kasi ang tawag sa kanya nito, mas prefer daw niya iyon.

"No thanks. I'm fine Sierra, thanks for being here." sabi ni Ashton ng nakangiti...

"Do you know how worried I am when I heard that you had an accident?" mamasa-masa na ang mata ng babae, halatang malapit nang umiyak. Nakatingin lang ito kay Ashton.

"H-hey, don't cry Sierra..." natarantang sabi nito nang nakita niyang tumulo na ang luha nito.

"I-i'm sorry." sabi nito sabay punas ng luha niya...

"Don't be." nginitian na lamang niya ito, napawi naman agad ang kabang nararamdaman ng dalaga. Matalik niya itong kaibigan at ayaw niyang nasasaktan ito.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang yakapin nito.

"I just don't know what to do, when...when I saw you lying on the bed...sleeping...what's worse is that you have blood all over!" nag-aalalang sabi nito.

"I...I feel so lucky... Thanks for the concern, Sierra." sabi nito sabay halik sa noo ng dalaga.

[ SAMANTALA ]

(T/N: Flashback lang ito nung naaksidente si Ash... kaya may * *)

*KRISYLALA'S BAKERY SHOP*

*Krisy alam mo na ba ang balita?*

Sabi ng malapit na kaibigan ni Krisy na si Jasmine na kasama niyang nagbebake, sideline niya kasi ang pagbebake, siya naman kasi ang may ari ng patok na bakery shop na pinangalanan niyang KRISYLALA'S. Oo nga't ayaw niya non pero may isang taong nagpabago ng paniniwala niya at nakasanayan na niyang tawagin sa ganoong paraan.

Siya. Siya lamang ang tumatawag sa kanyan ng ganon.

Ang lalaking kasama niya habang binubuo ang shop, ng mga ala-alang di niya malilimutan.

Nakangiti niya itong hinarap.

*Balita? Anong balita ba?*

Nag-aalangan man ay sinagot na niya ito.

*N-naaksidente si Ashton...nahulog ang sasakyan niya sa bangin.*

Pagkatapos nito ay kasabay na nahulog ang hawak niya, at pagpatak ng mga luha niya.

*A-asaan siya ngayon?!* humahagulgol na sabi nito.

*Sinugod na sa ospital nila.* bakas din sa mukha ni Jasmineang pag-aalala.

Pagkatapos malaman ay agad niyang tinanggal ang suot na apron at dali-daling lumabas ng shop.

~~~~~~

NOON YON. Pero ngayon, pupunta siyang ospital hindi para umiyak, kundi para makita ang kanyang mahal, nang makatanggap ng balitang gising na ito, walang pakiwari ay pumunta agad siya ng ospital.

------------

"Sorry, pero utos ni Sir Marwick ay bawal ang bisita maliban sa mga kamag-anak at malalapit kay sir Ashton" ani ng guard na nakabantay sa may pintuan.

"P-pero girlfriend niya ako!"sigaw nito.

Napa-sigh na lamang ang guard at umiling, sabay sabing "Pasensya na, pero ang utos ay utos."

Umuwing nanlulumo si Krisy.

"A-ang mahal ko....hindi ko pa siya nakikita....hindi ko pa siya nayayakap....miss na miss ko na siya."

Buong gabi ay umiyak lamang si Krisy. Walang magawa, sa sakit ng nararamdaman niya. Hanggang sa makatulog siya ng may luha sa mga mata.

_____________________________________________________________________________

TABIPOT: Omo, tapos na ang chapter 1 =) napahaba ako! Masyadong nacarried away XD

An Encounter to Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon