CHAPTER 1:Unlucky

19 2 0
                                    

"Bye Ma!"sigaw ko habang hinihila ko yung strap ng bag ko na nasabit sa upuan."Sige nak,ingat!Love you!".
So ayan,tumakbo na ako papuntang school.Ganyan ang eksena araw-araw eh.
Well,pero kuntento na ako.
"Good morning Sir!It's nice to see you today!"
Halla , patay!Na rinig ko na yung pag-greet ng mga classmates ko.
Ayan na , papasok na ako ng room, kaya  ko to. Aja!
Pumasok na ako ako sa classroom , nagulat ako nang.
*Clap*Clap*Clap*
Halla! Anong nangyayari?
Wait?
"Good morning Ms. Ruiz"
bati ni sir. Haayy pahiya ako dito ngayon. Terror Science teacher yan.
"You are so late." sabi ni sir.So late?! Eh ilang segundo pa lang ata ah?
Strikto masyado sa time.Late nga lagi yan pag may Short Conference sila, hindi ko alam saan nagsusuot.
"Uhm,s-sorry po sir. Nasabit ko kasi yung yung bag ko sa upuan,natagalan po ako eh."
Umupo na ako, naghintay para sa 2nd period.
*Kringggggg!!*
Yan bell na rin sa wakas,tuyo utak ko sa Biology eh .
Filipino time, haha,pero trip ko talaga yung Maam namin dito eh.
Payat na daw kasi hindi na bumubukas yung butones ng blouse nya.Mwahahah,pero no improvement pa rin naman .
Yung iba agree din ,ayun na flatter si Maam,kaya ang ending??
Change topic,wala na yung tungkol sa pandiwa at panghalip kanina,napunta na sa walang humpay na usapan tungkol sa cute na improvement ni Maam,kaya akong si anak ni Rizal,nganga.Yung mga loko-loko,ayun super happy kasi wala na namng discussion. Haay!
Where is Justice?!

After a long period of walang kabuluhang tsismis.
Recess na rin .Makikita ko na naman ang pinakamabait na mga friends ko.Joke!
So ayan,naglalakad ako nang,"Huy!"
"Ay kabayongpalaka!Jusmio!Bakit ba mahilig ka manggulat?"
sabi ko sakanya.
"Naman eh,para kang na coma ng 1 taon,tulala!"
"So ganun?pwes kung na coma ako sino ka nga ulet?"
"Eto Naman,pikon!Hmmp!Dyan ka na nga."
"Uyy,teka Diane."Habol ko na naman sa matampuhing lola"Asan si Mark?"
"Haay,andun sa H.E. nanunuod ng mga naglulutong seniors,gwapo daw kasi."
"Naku!pag yan.."
Di ko na natapos yung sasabihin ko nang
"Ayy!!Kabayongbakla!!Kainis naman ,ang hilig niyo manggulat"."Sorry naman,pero ako mukhang kabayo?"
Sabat niya.Pero promise magugulatin ako.
"Oh,peace offering."Sabay abot niya sa akin ng kung ano.
"Huh?"napalingon ako
"Ano yan?"
Sumabat naman ang lolabels niyo.
"Ano pa edi cupcake! Ayaw mo?Sige dalawa na sa akin.Bwahaha!"
Halla,sama ni Diane :<

"Hoy!Kay Rana yan!Gaga to oh"
sabat ni ate Mark.Yuppp:>You got it right bakla ang papa Mark namin.Gwapo nga nyan eh,parang may lahi,matangos,maganda ang mata at lips,white at magandang ngipin pero sayang ,bakla nga lang.
"Akin na."
sabi ko."Narinig niyo yung announcement kanina?"
tanong ni Mark.
"Hinde,ano ba yun?"tanong ni Daine habang inuubos niya yung cupcake."Eh ikaw Rana?"
"Ah,eh late ako eh.Hihi ano ba yun?"
"Haay,sabi kanina may Pop-con,tapos sa Canada gaganapin.Mamimili daw sila ng contestant per grade level,by a test.
Tapos yung mananalo sa Pop-con,eh makakapag-aral sa most exclusive school,ang Cardeniane High."
"Wow!"sabi ko,sa tingin ko nag twi-twinkle na yung mata ko.
"Ikaw Rana,kaya mo yun,ikaw pa!"
Sabat ni Diane."Oo,kaya mo yun!"
ulit naman ni Mark.
Oo nga noh?May posibilidad rin siguro ako,dahil noon naksama na ako sa ganyan pero 3rd placer lang ang lola niyo.:<
"Oh,tara girls!Libre ko kayo!"
sabi ni Mark.
"Yeheyy!"sigaw ni Diane.
At ayun na nga,habang naglalakad kami nakita ko ang babaeng pinaka perfect sa paningin ko.Nakakatomboy nga eh,pero No way!Hindu ako titibo.Nauna na ang dalawa sa counter habang ako eh naglalakad ng mabagal kasi nga tinitignan ko yung cupcake.Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang kulay nito,hindi ko kasi napansin kanina,nang bigla akong kinabahan.Wait,kinakabahan talaga ako.Parang naririnig ko yung heart beat ko nang.
"Ahhh!!OMG!!My Shirt!"
Oh no!Ang malas ko talaga!Eh kasi po naman natapon ko yung cupcake kay Shane,yung binaggit ko kanina.Natapilok kasi ako.
"Retarded ka na ba ha?!O sadyang insecured ka lang?!"Sigaw niya habang nakatingin sakin sa baba.Opo,naka-upo ako ngayon at ani mo'y kaawa-awang bata.Syempre center of attraction ako ngayon kasi nga si Shane na kilalang campus crush eh natapunan ko ng cupcake.
"Sorry naman,hindi ko naman sinasadya."sabi ko sa kanya.Pero Waaahhh!Pagharap ko sa kanya parang kakain na siya ng babaeng nagngangalang Rana.Tapos yung mga alipores niya pa wagas kung makatingin.May pinagmanahan.
"Well,my dear.Sorry ka na lang." sabi ni Shane sabay kuha ng juice sa gilid at.....
*Swoooooshhhn*
Sabay buhos sa akin.Okay,promise naiiyak na ako ngayon.Nakatingin naman silang lahat sa akin.Nasan na ba kasi yung dalawa?
"The show is over guys!"sigaw ni Shane sa lahat ng estudyante.Tapos nilapitan niya ako sabay bulong."And for you,I'm not done yet."sabay smirk.
Ayun,wala na sila sa paningin ko.

Tumakbo ako paalis.Pumunta sa locker ko at kumuha ng damit,pinagtitinginan naman ako ng mga freshmen.Ugh!ilang beses ba ako napahiya ngayong araw?I-o-on ko na sana yung shower nang bigla akong nakarinig ng paglagabog."Don't dare befriend her,binabalaan kita Athena,pagsisisihan mo!"
Athena?Sino yun?"Babaan mo lang yang boses mo Gab,hindi mo kailangang sumigaw."Wait,Diane?Ano?Tapos diba bawal ang lalake dito sa girl's shower room?
Tapos,wala akong narinig na pag bukas ng pintuan o pagsara man lang,wala namang bintana dito?Saan lumabas yung Gab?Tapos narinig kong buntong-hininga si Diane,naghahanap lang ako ng timing kapag natapat na siya sa pintuan ko kasi papalabas na siya.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon