Chapter 2
Bumababag parin sa aking isipan ang trabahong binanggit ni Paul kanina. Tatanggapin ko ba talaga yun?
Kasi feeling ko parang mas kelangan ako ni nanay sa ngayun
"Lindaaa! Kanina kapa tulala dyan ano di ka pa uuwi?" napatanaw naman ako sa silid aralan namin. Ngayun ko lang alam na kanina pa pala nag uwian, masyado ata akong napaisip tungkol dun
"pasensya na iniisip ko parin ang trabaho na yun" sabi ko sabay kuha ng bag
Nagsimula na kaming maglakad ni Alice papuntang Library, lagpas alas 2 na ng tanghali kaya pumunta muna kami ron upang sunduin si Paul
Habang naglalakad kami iniisip at iniisip ko parin ang trabahong maid. Ewan ko ba kung bakit lagi kong iniisip yang trabahong yan eh wala pa nga akong permisyo kay nanay.
Kung sakali mang tatanggapin ko iyon? Pwede bang kay ate muna titira si nanay? Pero tiyak naman akong hindi niya tatanggapin si nanay dun lalo na sa asawa nun.
Napahinto ako sa may pintuan ng Library mukhang hindi ko ata napansin ang mga lugar na nalagpasan ko
"sige pa Linlin, lutang pa" nilingon ko si Alice na nagsalita kasama si Paul at isang lalaki
Tumawa ng mahina yung tatlo "tinatawa tawa niyo?" tanong ko
"kanina kapa lutang na lutang eh" tugon ni Paul "iniisip mo parin ba ang trabahong iyon?" tanong niya sakin
Oo iniisip ko hanggang ngayun. Stuck up kasi sa isipan ko ang 3600. Ewan basta...
"Lindaa, kinakausap ka ni Paul" suway ni Alice sakin na parang tanga kumaway kaway pa sa harapan ko
Tumawa nalang ako ng mahina
"haha so ano tara na, uuwi na tayo baka di pa kumakain si nanay" sabi ko saka una akong lumakad
Napansin kong nag uusap lang yung tatlo sa likuran. Medyo wala ng tao dito sa Campus kasi hanggang 2PM lang naman talaga yung klase namin. Saka ngayun lagpas 2 na.
Biglang tumunog ang cellphone ko, dali dali ko itong kinuha. Isang keypad lamang
"hello?" sagot ko sa tawag
Nakita kong napahinto sina Paul at parang nakikinig sa susunod na sagot nung kabilang linya
"are you Ms. Cruz?" tanong nung kabilang linya
Napatanaw muna ako sa gawi nina Alice at Paul "opo ako nga" sagot ko
"your mom is in Dominic Hospital right now" sagot nung nasa kabilang linya
Napahinto, napaikting, napatulo ang luha ko sa narinig. Walang kahit isang ibang taong sumagap sa aking isip kundi si nanay lamang.
Pagkatapos kong mag isip sa trabaho, pagkatalos kong mag isip kay nanay. Ito lang pala ang mangyayari sakanya?
"c'mmon, ill drive you to Dominic Hospital" tugon nung isang lalaki at nagmamadali maglakad
Nakatayo parin ako dito sa tinatayuan ko at na istatwa
Napansin kong may yumugyug sa balikat ko "Linda halika na baka ano pang mangyari sa nanay mo" sabay hila niya sakin palabas ng campus
Nakalabas kami ng campus at biglang may huminto na Almerang brand na sasakyan tila mamahalin ata to
"sakay na kayo" sabi ni Paul habang pinagbuksan niya kami ng Pinto
Sumakay agad ako at patuloy sa pag iisip kay nanay. Anong nangyari? Bakit biglaan? Di kaya maysakit na malubha si nanay? Di kaya....di kaya.. Hindi Linda, mali iniisip mo
YOU ARE READING
He's The Reason
RandomA poor girl who was working hard for her mother. But life was hard and unfortunately her mother died. She was left alone, raised herself and worked as a maid. Then, There was a guy who accepted her and fell inlove with. What do you think will happen...