20 Facts/Trivias about ME
1. HELLO KITTY: nang dahil sa tiyahin kong adik sa hello kitty naging adik na din ako kay Hello Kitty. Kaya nga ang reaksyon ko sa kumakalat na balita about hello kitty "wala akong pake kung tao o pusa siya, I LOVE HELLO KITTY". Mabilis ang mata ko pagdating kay Hello Kitty, kahit malayo, kahit maliit, kahit wiskers lang, kahit ribbon lang, kahit tenga lang, alam ko kagad na si Hello Kitty yun. Mahilig ako mangolekta ng Hello Kitty stuffs, pero di pa ko totally collector kasi may iba pa kong kinokolekta sa ngayon
2. STICKERS: bata palang ako mahilig na ko sa stickers, kahit anong stickers basta stickers. Kahit hindi ko kilala yung nasa stickers kinokolekta ko parin. Actually di lang stickers, pati text, pog, tattoo at kung anu-ano pa ay iniipon ko tas kinocompile ko minsan naman kung saan saan ko dinidikit kagaya ng orocan ko na puno ng stickers ng F4 at mga tattoo libre sa tig pisong chichirya.
3. KPOP: matagal na kong fan ng kdramas pero hindi pa ko KPOP noon. Last year lang at yan ay dahil sa EXO. Hindi naman siguro halata na KPOP ako diba? Yung mga portrayer ko sa stories ay puro Korean tas kung babasahin niyo pa ang dormiSEX, mapapansin niyo na ilang beses kong nabanggit ang mga bagay na may kinalaman sa KPOP don. Kilala niyo ba si Cholo at Johnny? sila po ang K crushes ko :) Matagal ko ng alam ang KPOP yun ay dahil sa "No Body" ng Wonder Girls at kay Dara ng 2NE1, pero ayun nga last year lang ako naging official KPOP. Isa po kong full blood EXO-L, may L-Card pa nga ko :). Isang ganap na AFF(x)TION at partly ELF. XiuTaTalHae DaraTOP are my bias, Xiumin and Tao of EXO-M, Krystal Jung ng f(x), Lee Donghae ng Super Junior, TOP ng Big Bang at Dara ng 2NE1.
4. OTAKU: bata palang po ko mahilig na ko sa anime' ,thanks to Ghost Fighter, Dragonball, Voltes5, Daimos, Pokemon at Flame of Recca at naging anime' addict ako. Hanggang sa nung 4th yr HS ako, yung mga kaklase ko mga mahihilig manood ng anime', tas yung isa sa mga best friend ko CD collector siya kaya ayun, thanks to him nakanood ako ng sandamakmak na anime'. Nung 2nd yr college ako, may nakilala kong babaeng addict din sa anime', inimpluwensyahan niya ko ng bonggang bongga. Sabi niya masarap mangolekta ng CD's dahilan para maging CD collector ako. Pero di lang anime' CD's ang kinokolekta kong anime' staff, marame pa po kagaya ng poster, magazines, key chains and cellphone chains, at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung gano na ko katagal na OTAKU, basta OTAKU ako yun ang importante.
5. POSTERS: dahil nga OTAKU ako, naging poster collector po ko ng Anime' sa ngayon natigil ako sa pangongolekta ng posters dahil wala na kong mapaglagyan sa kwarto namin ng kapatid ko at kwarto ng kuya ko. Hindi ko na alam kung saan pa ko magdidikit kaya tumigil muna ko. Meron din akong KPOP posters, pero wala pa kong SuJu at F(x).
6. DORA: hindi ko po kamukha si Dora, pero kagaya ni Dora batang gala po ko. Kahit saan mag-aya mga tropa ko basta pwede ako at may pera ko gorabels ako. As of now sa Visayas nalang ako hindi pa nakakarating, at marame pang probinsya sa Pilipinas ang di ko pa napupuntahan, pero alam kong mararating ko rin ang mga yun balang araw.
7. BITTER SWEET: Bitter akong tao pero ayaw ko ng mga pagkaeng bitter. Hindi ako sweet na tao pero favorite ko ang mga matatamis na pagkae't inumin.
8. KUNG ANIK-ANIK: hindi ako kagaya ng ibang babae na adik sa damit, sapatos, at bag. Mabilig po ko sa mga accessories na hindi ko naman lahat ginagamit. Wala lang trip ko lang mangolekta. Kasama sa mga kung anik-anik na yan ay: poster, stickers, key at phone chains, head ban na may malalaking design, hikaw, bracelet, tattoo, pin and badges, phone lace, at kung anu-ano pa.
9. CATS AND DOGS: ako yung taong ayaw sa kahit anong klaseng animal, mapa Mammal pa yun o ano, ayaw ko sakanila, lalong lalo na sa insekto at reptiles. Pero eto kami sa bahay, sang katutak ang pusa tas may aso pa kami. Sa sobrang kaadikan ko nga sa anime' ang name ng mga pusa namin ay: Conan, Luffy, Natsu, Grey, Robin, Eugene, Gon at kung anu-ano pang anime' character names. Tas yung iba naman KPOP, sina DO, Luhan, Xiumin at Suho :)
10. SONGS: mahilig ako makinig sa mga kanta, kahit anong genre. Ang problema ko, hindi ako marunong magpangalan ng kanta, at ng singer. Kaya pagka tinanong mo ko ng "sino kumanta niyan?" or " anong title niyan?" sagot ko sayo "malay ko" ganun ako
11. BOYS: ayoko sa mga lalaki, man hater po ko but the ironic part is puro lalaki kapatid ko at mga tropa ko. Mas mabilis ako makipagkaibigan sa lalaki kesa sa babae.
12. CR: lahat ng CR sa bahay ng pinupuntahan ko ay nagamit ko na. Pala CR ako, mahigit sa sampong beses ako magCR sa loob ng isang araw. Yan ang problema ko pagka babyahe kami, kailangan ko lagi magCR. Dati nga nung elem at HS ako, kada tapos ng subject ko nagcCR ako. Kada magpeperform kami nakaka tatlo o apat na CR muna ko bago ang performance, kahit sa reporting lang nakaka dameng CR ako.
13. ALAK: isa pang ironic thing sa buhay ko, malakas ako uminom ng alak kaso mabilis ako malasing.
14. EYES: malabo po ang mata ko, peeo pagdating sa mga bagay na gusto ko at kinaadikan ko mabilis ko tong nakikita kahit sobrang layo pa. Sa sobranh labo ng mata ko nasasabihan akong masungit, kasi di ko nababati yung mga nakakasalubong kong kakilala, hindi ko kasi sila nakikita kagad.
15.SLEEP: hindi ko alam pero mabilis ako makatulog, as in MAKAMASA ko, masandal tulog. Kahit saan keribels ko matulog, at talent ko ang pagtulog, kahit sa rides pa nakakatulog ako, sa LRT kahit nakatayo, kahit sa CR nakakatulog ako, kahit sa klase nakakatulog ako, kahit nga sa simbahan kapag nakaluhod nakakaidlip ako. Kahit maingay, kahit magulo, kahit walang unan nakakatulog ako. Sa sobrang galing ko matulog, hindi halata na natutulog ako. Tas sobra ko matulog, minsan buong araw tulog ako. Kaso kapag di talaga ko inantok nakaka 2 days akong walang tulog ni pikit wala.
16. KUMOT: hindi ako nakakatulog ng walang kumot. Kaya ko ng walang unan pero kumot hindi. Kaya nga naiinis sakin mga katabi ko matulog e, kasi kahit sobrang init na nakakumot parin ako.
17. DREAM: malupet ang mga panaginip ko, di ko alam pero lahat ng napapanood ko napapanaginipan ko. Kaya di ako nanonood ng TV dahil ayaw kong masira ang magandang panaginip ko ng mga korning palabas sa TV. Minsan na nanaginip ako ng Zoombie apocalypse, si Naruto napapanaginipan ko. Kaya naman di ako nanonood ng Horror kasi napapanaginipan ko nga. Kaya magagandamg movie at mga anime' lang abg pinanonood ko.
18. CD: kagaya ng sabi ko kanina, dahil sa hilig sa anime' marame kong CD sa bahay. Lagpas tatlong daan na ang CD ko sa bahay. Kasama sa CD collection ko ay: Anime', K-J-T dramas, english series, at movies.
19. CONTESTS: dahil ako ay isang taong punong puno ng confident sa katawan, mahilig ako sumali s school contests nung elem at HS ako. Mga group contest kagaya ng: speach choir, dance chorva, choral, at kung anu-ano pang group effort contest. Sa individual naman essay writing, quiz bee at poster making. Kaso sablay talaga ko sa poster making kahit marunong ako magdrawing, kasi di ako marunong magcolor.
20. BALIW: read 1-19again ng malaman niyo kung bakit ako baliw :) Isa pang kabaliwan ko sa buhay ay ang pagsasalita mag-isa at pagkausap sa sarili. Ewan ko may imaginary friend daw ako nung bata pa ko, well hanggang ngayon. Hahahahaha! Masarap kausapin ang sarili, mas nakakapag-isip ako ng matino at mas nararationalize ko ang bawat desisyon ko sa buhay. Try niyo effective :)
sa mga pangalan na nasa comment sa baba :)
sorry guys
kayo naman :)