Day 1: Hubs ko

16 2 2
                                    

"Naku batang ito!! malelate kana!! ano!? hindi ka parin ba babangon dyan!? gusto mo pabang..." Aynaku, nakakatamad bumangon sa umaga lalo na kapag alam mong marami kapang dapat gawin (rrriiiinnnngggg) ano bang saysay ng alarm clock ko kung mas nauna pa ang bunganga ng nanay kong mag ingay sa umaga? Ako nga pala si Sophia Antonette Gonzaga isang 3rd year college student na nag papart time sa isang tea house malapit sa paaralan ko, simple lang naman ang buhay ko, pagkagising sa umaga; mag iigib ng tubig para maka ligo, kakain nang luto ng nanay ko, papasok sa school, magtratrabaho hanggang 10:00 pm, uuwi sa bahay, gagawa ng school stuff, matutulog, mananaginip (tungkol kai hubs ko :)), at gigising ulit. Si hubs nga pala ang boyfriend ko (in my dreams!) isang not so cool guy sa campus, simple lang naman siya, minsan nakikita ko siyang nag babasa ng libro sa isang sulok ng Aggies building, o di kaya ay naka tambay sa library para matulog, minsan na niya akong kinausap sabi nya "excuse me miss? nahulog mo" sabay abot sa panyo ko. Actually, sinadya ko talaga yon para may moment ako sa kanya, since then hindi ko na ginamit ang panyong iyon dahil naka frame na ito sa kwarto ko. hindi na ako naka pag salita dahil natameme na ako sa charm nya. hindi naman talaga siya gwapo, pero may something sa kanya na ikina titibok ng heart ko kapag nandyan s'ya, matangkad at moreno. yun lang siguro ang mga qualities na meron siya na nasa checklist ko. walang nakakaalam na may crush ako sa campus, introvert kasi ako, hindi mashadong pala salita, pero maraming iniisip. katulad ngayon habang nakikinig sa teacher ko.

I am  my best friends girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon