Probinsyana 41

540 14 0
                                    

3rd Person's POV

"Ano Seery? Uwi na tayo?" Tanong ni Sandro, tumango nalang si Seery at pumasok na sa kotse.

Dumeretso silang lahat sa bahay ng Mama ni Seery. "Ramdam na ramdam kong nakauwi na talaga ako." Sabi ni Seery.

"Ang tagal-tagal kasi natin sa Manila." Sambit ni Sandro.

"Kuya, kailan pala uuwi si Mama?" Tanong ni Seery habang nagtutulungan naman ang mga tropa na ibaba ang mga gamit nilang lahat.

"Yara? Seery?" Tawag nang matanda kaya lumabas agad si Seery.

"Uncle!" Tawag ni Seery sabay yakap sa Uncle niya.

"Seery? Nagbalik na ang ala-ala mo?" Gulat na may halong pagtatakang tanong nang Uncle niya.

"Opo." Tuwang tuwa ang Uncle niya ng marinig ang sagot ni Seery.

"Masaya ako para sayo Seery... Bumalik ka na talaga, bumalik na yung sigla mo." Masayang sabi nang Uncle niya.

"Salamat po Uncle, kamusta na po kayo? Hinahanap niyo po ba si Yara? Andun po siya." Sagot ni Seery sabay turo sa direksyong itinuro ni Seery.

"Salamat." Sabi nung Uncle niya at pinuntahan na si Yara. Nakita niya yung malaking ngiti sa kaniyang mukha habang kausap si Raj.

"Nakahanap na ang Kaisa-isa kong anak ng mahal niya..." Bulong nang Uncle niya sa kaniyang sarili saka lumapit kina Yara.

"Paps." Tawag ni Yara ng makita niya ang Papa niya tyaka niyakap.

"Mukhang may mahal na ang anak ko ha..." Bulong ng papa niya.

"Ha? Sino pong tinutukoy mo?" Tanong ni Yara, hindi na sumagot ang papa niya pero tinitigan nalang si Raj.

"Paps, hindi sa ganun." Pagtatanggi ni Yara.

Yara's POV

"Anak, wag mo nang itago... Crush mo siya nohhh.." pang aasar ng papa niya.

"Papsss..~" Pag pipigil ni Yara.

"Okay, okay..." Sabi ng papa niya at tumigil na.

"Tara na nga!" Sabi ni Yara sabay hila sa papa niya ng dahan dahan.

"Una na kami! Bye!" Sabi ni Yara.

"Bye!" Sabi nilang lahat.

"Bye Yara!" Sabi naman ni Raj.

"Bye Raj!" Sagot naman pabalik ni Yara.

"Raj pala ha~" Pang-aasar ng papa niya.

"Paps naman eh!" Sigaw ni Yara, natawa yung Papa niya pati yung mga tropa niyang pinapanood sila paalis.

3rd Person's POV

"They really look so close." Sabi ni Andro.

"Oo naman, ang papa nalang ni Yara ang pamilyang natitira sakanya." Sabi ni Seery at nalungkot.

"Okay! Tarana't mag ayos!" Sabi ni Sandro.

"Wag kanang sisimangot, nagmumukha kang baboy..." Pang-aasar ni Sandro, pero ginulo niya agad ang buhok ni Seery.

"Oo nga, wag kang sisimangot d bahay sayo." Sabi naman ni Raj at ginulo rin ang buhok ni Seery.

"Oo nga." Sabi rin ni Mike. "Kaya nga." Sabi rin ni Andro. "Tama siya." Sabi rin ni Zyro, isa isa nila ginulo ang buhok ni Seery.

"Ang gulo na tuloy ng buhok mo, pero wag kang maniniwala sakanila, kahit saang angulo.................maganda ka." Sabi ni Darius habang inaayos ang buhok ni Seery.

The ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon