Mga Simpleng Panuto.
#1- Idagdag ang ating libro sa ating mga reading list at library para mas marami pang makadiskubre sa malilikhain ninyong mga gawa, at para din malaman ng buong wattpad world na napakaraming klaseng editor na hindi dapat husgahan. Siyempre ang rason kung bakit natin ilagay ang libro na ito sa nasabing opsiyon ay para maging alerto tayo sa magiging sunod na kabanata at maalarma tayo sa mga posibleng mangyayari.
#2- Kailangan natin i-follow ang acoount na ito para mas madali namin kayong makita at mapansin. Huwag kayong mag-alala dahil ipa-follow back namin kayong lahat para patas.
#3- Dapat ang mga editor na sasali ay alam kung paano gumawa hindi lang maganda kundi makahulugan na likha. Hindi kami bigla-bigla nalang nagagandahan sa gawa kapag wala itong kahulugan na nasasabi o naipapakita. Dapat maganda at makahulugan, hindi yung maganda lang. Mad mabuti ang pangit na gawa pero may kahulugan ito.
#4- Bukas dapat lahat sa paggawa ng kung ano na aming isasalaysay, karamihan dito ay anime cover, banner and etc. ang labanan. Hindi lang k-pop, hollywood o Filipino styles.
#5- Kung maayos niyong naintindihan ay masasabi kong responsable na kayo. Hindi na namin kailangan pang ilagay kung responsable ka ba o hindi dahil hindi ka bibisita sa librong ito kung hindi ka pursigido manalo.
#6- Mga Admins dito ang siyang may karapatan manghusga at manlait, hindi niyo pwedeng laitin ang mga kapwa niyong kalahok, mas magandang kami ang mai-report kaysa kayong walang ginawa kundi gumawa lamang ng magagandang likha.
Kung nagkakaintindihan tayo ay pwede na kayong lumisan na dito at magpatuloy sa papeles na dapat i-sign.
-Erza Scarlet
YOU ARE READING
Fairy Tale Graphic Contest 2k19
RandomSimulan na ang paligsahan sa paggawa ng mga magaganda, makukulay at makahulugang mga 'book covers'. Sali na at huwag ng magdalawang-isip kung ikaw ay magaling sa paggawa ng mga magandang 'book covers'. Maghihintay kami!