'Sorpresa'
"Nikki"napahinto ako sa pag lalakad nang marinig ko ang boses ni steven.
"Oh! Bakit parang nag mamadali ka?"tanong ko sa kanya.
"Hinabol kasi kita. Grabe! Ang bilis mong maglakad."hinihingal niyang sabi.
"Ha? Eh bakit mo ba 'ko hinahabol?"pinilit ko na wag ngumiti dahil sa sinabi nya. Si steven ay kaibigan ko mag mula nung grade school pa lang kami. Mag kaibigan ang mga magulang naming dalawa kaya mag mula bata ay kasama ko na siya. Simula nung tumuntong kami ng high school ay nag karon ako ng crush sa kanya hanggang ngayong fourth year na kami. Hindi nya ito alam dahil hindi ko sinasabi sa kanya. Natatakot kasi akong masira ang pag ka-kaibigan namin pag umamin akong may gusto sa kanya.
"Itatanong ko lang sana kung saan kayo mag papasko nila tita?"nabalik ako sa katinuan nang mag salita ulit siya.
"Bakit mo tinatanong ha?. Wag mong sabihin na samin kana-naman mag papasko?"naka simangot kong tanong sa kanya kahit umaasang oo ang maging sagot niya.
"At bakit ha?. Sawa ka na ba sa gwapo kong pag-mumuka?"naka ngisi niyang sabi habang ginugulo ang buhok ko.
"Ano ba Steve!. Lagi mo nalang ginugulo ang buhok ko. Pano nalang kung makita akong ganito ng crush ko."naka nguso kong reklamo sa kanya,kahit wala naman talaga akong crush kundi siya.
"Ah ganon?. May crush kanang nalalaman ha? "Naka kunot niyang sabi sakin."gusto mo bang isumbong kita kay tito at tita,dahil inuuna mo yang crush,crush nayan ha! " naka taas kilay niyang sabi.
"Sorry na po ITAY!. Hindi na po mauulit ITAY!"natatawa kong sagot sa kanya.
"Ah ganon ha!"ngumiti siya ng nakakaloko at bigla akong kiniliti.
"Wahhhhhhh! Ayoko na s-steve hahaha!"tinigilan na niya ang pag kiliti sakin at nagsalita.
"Sasagutin mo na ba ako o hindi? "Mabilis akong napatingin sa kanya.
"S-sagutin? A-anong sagot?"kinakabahan kong tanong sakanya.
"Yung tanong ko kung saan kayo mag papasko. Anong sagot sagot ang sinasabi mo Jan?."natatawa niyang tanong.
Napa simangot naman ako dahil umasa talaga ako sa tanong na yun. Tsk, oo na ako na ang assuming of the year. Pero shet ang sakit lang sa feelings umasa huhuh!.
"A-ah oo yun nga. Sa bahay lang kami mag papasko sabi ni mommy"maang-maangan kong sagot sa kanya.
"Great! Sabi kasi ni mom na pag sa bahay niyo lang kayo mag papasko ay dun nadin kami. You know! Dalawa lang ulit kasi kaming mag papasko ni mom dahil hindi makakauwi si dad from business trip."masayang sabi nya.
"Really?"masayang tanong ko din sa kanya.
"Yep, nga pala may surprise ako sayo sa pasko"naka ngiti niyang sabi pa.
"S-surprise? Talaga?" Excited kong tanong.
"Oo nga. Ang kulit mo talaga. Sige na may practice pa kami ng basketball."paalam niya sakin bago umalis patakbo.
Hindi maalis ang ngiti ko sa muka habang nag lalakad pauwi. May surprise siya sakin. May surprise siya sakin. May surprise si Steven sakin. Yihhhhhhhh oh em gee!.
-FASTFORWARD-
DECEMBER 25Nandito ako ngayon sa bahay at tinutulungan si mommy na maghanda ng pagkain para mamaya sa noche Buena. Excited na akong malaman yung sorpresa ni Steven sakin. Mamayang gabi ko na din balak sabihin sa kanya na gusto ko siya noon pa man pag katapos ng noche Buena. Hindi maalis sa muka ko ang ngiti ko habang nag aayos ng mga pinggan sa lamesa.
Hanggang sa sumapit ang hating-gabi at dumating na si tita Stacey na mommy ni steven. Binati ako ni tita kaya binati ko rin siya ng nakangiti. Pero wala pa si Steven kaya lalo akong napa ngiti. Siguro ay hinahanda pa niya ang sorpresa niya para sakin.
Sabay-sabay kami ng pamilya kong nag noche Buena kasama si tita stacey na ka video call si tito Stephen ang daddy ni Steven. Wala parin si Steven dahil sabi ni tita ay may dinaanan pa ito.
Lumabas muna ako ng bahay para mag pahangin.Hindi talaga maalis ang ngiti ko sa labi habang nag iisip kung ano ang sorpresa sakin ni Steven..kinakabahan din ako dahil sa gagawin kong pag amin mamaya sakanya. Pero hindi nun matutumbasan ang sayang nararamdaman ko at ng excitement ko.
Napa-tingin ako sa gate nang makita ko ang kotse ni Steven. Mabilis akong tumakbo para lumapit sa kararating lang niyang kotse.
Bumaba siya nang naka ngiti at lumapit sakin."Merry Christmas Nikki ko"naka ngiti niyang bati at niyakap ako.
"Merry Christmas din Itay ko" parehas kaming natawa sa sinabi ko. "Nga pala Steve may sasabihin ako"naka ngiti ko paring dagdag kahit sobra na akong kinakabahan.
"Nakuu! Alam ko na,kahit wag mo nang sabihin."natatawa niyang sabi kaya lalo akong kinabahan.
"A-alam mo na?"nauutal na tanong ko sakanya
"Haha! Matagal na. Matagal ko nang alam na gwapo ako. Diba yun 'yung sasabihin mo na gwapo ako."tawa tawa niyang sabi.
Munitkan ko na siyang mabatukan sa sinagot niya sakin. Kung diko lang talaga mahal itong lalake nato eh.
"Oo nga pala! Yung surprise ko sayo "masaya niyang sabi kaya bumalik yung excitement ko.
"Kukunin ko sa kotse,pero close your eyes muna." Excited niyang sabi,kaya pinikit ko ang aking mga mata habang naka ngiti."Nikki,you can now open your eyes"narinig kong sabi niya.
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata habang naka ngiti parin.
"Surprise"ang sabi ni Steven nang mabuksan ko ang aking mga mata,ngunit ang aking mga ngiti ay biglang naglaho kasabay nang paghiling na sana hindi ko nalang binuksan ang aking mga mata.
Nakikita ko ngayon ang sorpresa ni Steven sakin. Isa itong babaeng naka ngiti. Hindi lang siya naka ngiti kundi hawak din niya ang kamay ng aking minamahal.
"Nikki,meet my girlfriend Sammy." At doon na nahulog ang luha kong kanina pa nag babadyang pumatak.
Hindi ko akalaing sa ganito lang hahantong ang sorpresang kay tagal kong hinintay. Sorpresang akala ko ay pasasayahin ako ng sobra ngunit di ko akalaing ito ang wawasak sa puso ko ng sobra. Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa harap nilang dalawa kahit mag muka pa akong tanga."S-salamat sa sorpresa"huling kataga na sinabi ko bago tumakbo palayo sa kanilang dalawa habang umiiyak.
-THE END-
A/N:
Belated merry Christmas haha.
Thanks for reading. Lovelots❤
YOU ARE READING
My Short stories❤
RandomYou will notice that I'm a bitter person because it's all have a tragic ending but not all. Just spare with my bitterness because I'm a certified NBSB but not available haha.