"Ouch....." may nabunggo ako.... Aray! ang sakit talaga. Bumagsak ka ba naman sa sahig, ansakit ng pwetan ko. Huhuhuhu :'(
"Are you blind? Di muba alam na nakaharang ka sa dinadaanan ko?" galit niyang sabi.
Aba loko to ah! Ako na nga itong nasaktan siya pa ang may ganang magalit.... Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.
"Sorry po Mister, hindi ko naman po alam na nandyan kayo sa dinadaanan ko. Pagpasensyahan niyo na at bulag ako. Di sana hindi kita nakikita ngayon!" sarkastikong sabi sa mayabang na lalaking to!
Hay!naku, imbes na makipagbangayan ako sa mayabang na lalaking toh! Umalis na lang ako at pinulot ang mga libro ko baka ma-late pa ko.
"Waaaaahh...." sigaw ko ng biglang may humatak sa wrist ko. "Hindi ka pwedeng umalis ng ganun-ganun nalang" sambit niyang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
"Bitiwan mo nga ko. And who are you to treat me like these!?? I didn't know you even your name too." tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil ang higpit ng pagkakahawak nya at nasasaktan ako.
Hinatak niya ulit ako ngunit nagpumiglas ako. "Ano ba!?" galit kong sabi. "Kailangan mong pagbayaran ang pagbunggo mo sa'kin" kalmado niyang sabi ngunit may halong banta.
Huh? ako pa ngayon ang may kasalanan ah!
"Alam mo Mister,nagmamadali na'ko dahil 11:00 a.m. ang pasok ko at 10:40 a.m. na. Hindi ko parin nahahanap ang Building-A at male-late na ko kaya kung gusto mong magkita pa tayo...." hmmm.... nag-iisip ako kung saan ko mababawian tong mokong na 'to.....
"Magkita tayo sa Cafeteria mamayang break time" then umalis na ko..
Di pa ako masyadong nakakalayo ngunit sumigaw siya "Deal, nasa kanan mo yung Building-A paglagpas mo ng isa pang building yun na yun!" napalingon ako sa direksyon nya at "Salamat" oo, nagpasalamat ako dahil sa wakas nahanap ko na rin ang building na'to.
>★.★<
Hindi muna ako dumiretso sa Building na papasukan ko. Dahil may 20 minutes pa naman ako pumunta muna ako sa Principal's Office at ibinigay sa Principal ang papeles na hinihingi niya. Di naman kalayuan ang Principal's Office mula sa Building-A kaya naman pumunta na ko.
>★.★<
"Dahil sa bansang blah... blah... blah..." kung anu-ano namang sinasabi ng teacher na to! At dahil ayaw ko ng subject na'to binaling ko nalang ang atensyon ko sa bintana.
Bigla ko nalang naalala yung lalaking nabunggo ko kanina. Matangkad siya, mga nasa 5'6 yung height niya. Maganda ang kanyang mga mata para sa shape ng mukha nya, dahil maputi siya bumagay ang mapupula niyang labi. Para ngang galing ito sa mayamang pamilya. Nang bigla nalang akong natawa ba't ko ba iniisip ang mayabang na lalaking yun!
>★.★<
"kriiiiiinngg.... kriiiiiinngg... kriiiinngg..."
sa wakas Break time na! Paano ba naman 1st day of school palang nagle-lesson na. Nakaka-boring kaya! Ay, oo nga pala pupunta ako sa cafeteria para makausap yung mayabang ba yon!
Teka, ba't ko pa siya pupuntahan? Pag aaksayahan ko ng oras yung mayabang na yun? No Way! Kaya di ako pumunta dun...
Lumabas ako ng school tutal pwede naman dahil break time.. kaya Lumabas ako! pagkalabas ko may nakita akong nagbebenta ng sorbetes sa labas. Mukhang masarap kumain ng ice cream ngayon ah! Dahil mainit ngayon ... bibili ako ng ice cream! Yehey!!
"Kuya pabili po." inabot ko yung 10 pesos ... hindi naman ako maarte eh! mapa-street food o kung anu man yan kinakain ko. Basta MASARAP!
Pagka-abot nung ice cream nag thank you ako kay manong. Then aalis na sana ko ng biglang...
"Uy,diba kaklase ka namin?"
Huh? Sino to?
"By the way, I'm Leigh Ivanna Anderson. Nice to meet you" nakangiti niyang sabi sa'kin habang inaabot sa'kin yung kamay niya para makipag-shake hands.. And no choice kundi tanggapin ko ito. Matatanggihan mo ba ang isang katulad niyang SOBRANG GANDA. And yes, she is so PERFECT! Siguro nung nagpasabog si Lord ng kagandahan gising to! At teka nasan ba ko nung nagpasabog si Lord ng kagandahan? Siguro tulog ako nun...
At sa kaliwa nya may isa pa siyang kasama..
"I'm Casandra Keith Morales, nice to meet you too" nakingiting sabi niya habang iniaabot rin ang kanyang kamay.. Ito naman... Grabe ang Cute nya!! Mukha siyang bata! hihihihi ... Basta hindi ko mai-explain yung ka -kyutan niya. Then i gave her a hand. "So kita-kita nalang tayo sa room, i have to go!" sabi ko na mukhang nagmamadali. May balak pa kasi ako sa mayabang na lalaking yun....
BINABASA MO ANG
Like a Star [sparkling love♡]
Teen FictionIto po ang aking FIRST STORY na gagawin ko..... Actually po ay kinakabahan ako dahil sa mga magbabasa nito. Ako po si Aira. 13 yrs. old na nangangarap na makita ang mga idol ko at syempre na makita na si the 1.. na kahit alam kong medyo maaga pa par...