Nagsimula ang lahat nang isang araw, inutusan ako ng teacher namin na kunin ang pangalaykay ng dahon, pangbungkal ng lupa, at pandilig. Mag gagardening kasi kami. Nakalagay daw ang mga "to sa bodega. dun sa likod pa ng eskuwelahan. Wala noon ang school janitor, si Mang Jerry kaya ako at ang isa pang kaklaseng lalaki ang pumunta sa bodega. Ang ganda ng sikat ng araw noon. Kumpol-kumpol ang mga ulap sa asul na langit. Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad. Malayo-layo rin ang bodega. Nakabukod ito sa iba pang school buildings kaya bihirang mapadpad doon ang mga tulad naming estudyante.