December 9, 2017
Kanina pa ni Zach sinusundan ng tingin ang babaing naka suot ng isang kulay puting bestida na nadedesinyuhan ng mga maliliit na bulaklak. Hanggang tuhod ang haba nito na sa twing iniihip ng hangin ay parang pakpak ng ibong sumasabay sa ihip ng hangin kaya naman hayagan niyang nakikita ang maputi at makinis nitong binti. Pero wala yatang pakialam ang babaing yun sa ginagawa ng hangin sa skirt na suot nito.
Nanatili lang itong nakatulalang nakatanaw sa walang hangganang karagatan.
Bawat pag-ihip ng hangin ay sinasayaw nito ang nakalugay nitong tuwid at itim na buhok. Mahigpit na niyayakap ng babae ang kanyang sarili habang nanatiling nakatitig sa kawalan.
Napakalungkot ng babae.
Hindi maintindihan ni Zach ang nararamdaman, bakit pakiramdam niya ay may kung anong biglang pumiga sa puso niya. He can't breathe...and he wanted to cry in vain.
Sometimes ago...
Taong 2009
Isang linggo bago ang pasko ay napag-alamanan ni Zach ang tungkol sa nangyari sa buong pamilya ni Beth. Papasok na sana siya noon sa isa na naman niyang part time job nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang kaibigan at kaklase niya noon sa high school.
Nang matanggap ni Zach ng tawag para siyang binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Hindi siya makapaniwala, pero bakit ganun...kahit tawag o text mula kay Beth ay wala siyang narinig?
Bakit hindi niya ito alam?
Magtatatlong linggo na pala buhat nang mangyari ang malagim na trahedyang iyon na umagaw sa buhay ng mga magulang ni Beth, napag-alaman rin ni Zach na ang nakababatang kapatid ni Beth na si Cathy ay nasa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.
Pero ang hindi maintindihan ni Zach, lahat yata ng mga kaklase niya noon ay nakaka-alam sa nagyari sa buong pamilya ni Beth, pero bakit siya lang ang hindi nakaka-alam?
Bakit Beth?
Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ng babae, pero kahit anong contact niya rito ay hindi ito sumasagot sa tawag niya.
Bakit Beth?
Nang araw na yun hindi pumasok sa trabaho si Zach. Buong araw ay abala ito sa katatawag ng mga taong kakilala niya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho, kaklase niya. Buong araw abala rin itong humingi ng tulong sa ibang ahensya ng pamahalaan. Nagpatulong pa siya sa kamag-anak niyang nagtatrabaho sa munisipyo para mahingan niya ng tulong ang mga konsehal, kapitan at mayor ng kanilang lugar. Wala siyang pinalampas kahit pa ang congressman ng kanilang distrito.
Kulang na lang humingi siya ng tulong sa presidente ng Pilipinas para lang may maidala siyang pera patungo sa Davao City kung saan nandoon ang babaing mahal niya. Alam niyang nag-iisa lang doon si Beth, alam niyang higit pa kaninoman na kailangan ni Beth ng karamay sa mga oras na ito.
Bago siya bumyahe patungong Davao City maraming mga taong nag-abot ng tulong sa kanya para lang makalikom siya ng malaking perang babaonin at maibigay kay Beth. Hindi kilala ng mga taong ito ang babaing mahal niya pero kusang loob silang nagbigay at tumulong sa kanya ng walang kuskus balungos. Napakaswerte niya dahil mayroon siyang mga kaibigan at kakilala na tulad nila.
Kahit ang pagpunta niya sa Davao City ay may isang pamilyang patungo rin sa Davao City ang nag-alok sa kanyang sumabay siya rito kaya naman ang napakahaba niya sanang byahe ay napa-ikli.
Lubos ang pasasalamat ni Zach sa mga taong tumulong sa kanya para maka-rating sa Davao City. Hindi mababayaran ang utang na loob niya sa mga taong tumulong sa kanya dahil nakalikom pa siya ng napakalaking pera na alam ni Zach ay malaking tulong para kay Beth.
BINABASA MO ANG
My Virgin Widow
Romance"You are married to him for five f*cking years but why on earth, you are still a virgin?!" Lahat ng mga tao ay mayroong sikreto at hindi naiiba doon si Maria Elizabeth Tamayo de Leon o kilala sa tawag na Beth. Walang nakakaalam sa tunay niyang sikr...