Chapter Six - Reminiscene

9 0 0
                                    

Shane's POV

Nakahiga parin ako ng makita ko sa dingding ang graduation picture namin. Kami lahat magbabarkada yun. Kami ang nasa gitna ni Zach at nakaakbay pa sya sakin at lahat kami todo kung ngumiti. Napangiti ako. Naalala ko yung unang lipat ko sa kanila kung saan sinabi nina Amy na baka may gusto daw sakin si Zach kaya ganun na lang nya ako ibully.

"Halika na shane, start na ng praktis" tawag sakin ni Amy.

One month narin siguro nung lumipat ako sa School nila. Galing kami ng Cavite at lumipat kami ng Quezon City dahil dito na destino si Papa bilang Company security guard.

At simula ng lumipat ako sina Amy at Lynette una kong naging kaibigan at dahil sinagot na nun ni Amy si Lloyd na barkada din sina John, Evan at Zach. Naging close na din kami sa kanila dahil lagi na kami napapasama sa kanila.

Matagal na daw sila magkakakilala, elementary pa lang. Solid barkada talaga sila.

"Eto na." sagot ko saka tumayo sa swing. Nasa park kami para magpraktis ng dula-dulaan ng buong klase para sa MAPEH.

"Pandak !"

Lumingon ako sa nagsalita. It's Zach. Nasabi ko din ba na simula ng mapasama ako sa kanila ay alaga nadin akong asarin ng lalaking to? Ako kasi pinakamaliit sa klase namin. Siguro 5'5 na sya nun. Kaya lalo ako nanliliit pag katabi ko sya.

"Tigilan mo ako Zach." naiinis na sabi ko. Tinatawanan nya lang ako. Nagsisisi tuloy ako bat ko ba sya naging crush.

Yea, crush ko na sya nun. At alam nina Amy yun. Pero ngayon pa lang gusto ko na umayaw sa kanya.

Maya-maya lumapit sya sakin at idikit sa noo ko ang palad nya at parang bahagya ako tinulak.

He just grinned. Sumimangot ako sa kanya.

Nung nagpapraktis na kami, nangungulit lang sila nun, sina

Zach, Evan, John. Behave nun si Lloyd dahil kay Amy. Galit na galit nun ang president namin sa kanila kaya pinabreak nya muna kami.

Katabi ko sina Amy nun ng biglang tumakbo samin sina Zach at parang may hawak sa kamay.

"Guess what we found." Sabi ni Zach na nakangisi.

Oo, may pagka inglesero na talaga nun si Zach.

Sinasasabi na ng utak ko na dapat na ako umalis dun. Pero bago pa ako makatayo ay binuksan na nya ang kamay nya at sa palad nya ay may tren-tren. Yung kulay brown na worm na maraming paa at nakikita sa mga lupa at kapag nahawakan mo ay kusang bumibilog.

Nanlaki mata ko, takot ako sa mga worm, anumang uri yan. Di ko pinahalatang natatakot ako pero nung ilapit nya ang kamay nya sakin ay agad ako napasigaw at sinagi ang kamay nya. Tumalsik yun isa naming classmate na babae at napasigaw ito. Bago pa makapagreak si Zach ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Tumabi ako kina John na tumatawa sa nangyari.

Nang magstart uli ang praktis ay naging okay na uli. Kami na lang natira nung nag uwian na, naglalakad na kami pauwi pero itong si Annoying zach bigla na lang lumapit sakin at may nilagay sa loob ng tshirt ko sa likod.

"Gotcha !" natatawang sigaw nya.

Sa sobrang takot ko na baka yung tren-tren yun ay tumakbo ako kay amy at di mapakaling umiiyak.

"Amy ! please tanggalin mo" iyak ko habang pinapagpag ang damit ko. Sige pagpag din si Amy.

Nakita ko na lang na may nalaglag sa baba na pahabang dahon.

"dahon lang shane.." naaawa na natatawa na sabi sakin ni Amy habang tinutulungan ako ayusin ang damit ko.

Nang lingunin ko si Zach ay shocked parin to. Siguro dahil di nya inaasahang iiyak ako. Natauhan lang sya ng batukan sya ni Lynette saka sya pinagalitan dahil daw pinaiyak ako. Sina John naman kanina pa tawa ng tawa dahil sa nangyayare.

Naglakad na kami uli, kami nina Amy at Lynette ang nauuna. Sina John ay kasunuran namin, si Zach naman ay nasa likod at nakapamulsa. Mukang guilty pa sa nangyayare.

"Alam mo shane, crush ka lang ni Zach kaya ka nyan inaasar." sabi ni Amy. Di ko alam kung pinapagaan nya lang ang nararamdaman ko eh.

"Oo nga, kasi nung first year kami ginanyan nya din si Andrea. Classmate namin dati. Lagi nya din iinasar yun, hanggang sa malaman namin sila na, yun nga lang bago magsecondyear nagmigrate sina Andrea sa Canada. ayun nagbreak sila." Kwento ni Lynette.

"Grabe naman sya magpakita ng nararamdaman nya." natawa ako. niloloko lang ata ako ng mga to. "Saka di naman siguro. "

"Well, bahala ka kung di ka maniniwala pero, ikaw lang ginaganyan nyan sa mga babae." sabi ni Amy.

Di ko mapigilang wag mag assume. May gusto lang kaya sya saken kaya ganun sya.

Bago kami maghiwahiwalay sa sakayan ay lumapit sakin si Zach.

"Sorry cupcake." mahinang sabi nya.

"Okay lang, nagulat lang talaga ako kaya napaiyak ako." Nakangiting sagot ko. Di naman talaga ako galit, natatawa pa nga ako sa reaksyon ko.

Ngumiti nadin sya sakin. "See you on monday cupcake." sabi nya sakin saka umalis.

Di naman talaga sya ganun kabully, napangiti na lang ako. Crush ko padin sya kahit Annoying sya.

Un-friendzone (Falling inlove with my tropa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon