Mga iba't ibang mensahe aking binuksan
Galing sa mga kaibigang di ko na matandaan.
Kaibigan na nuo'y aking mga nilapitan.
Ngunit mga kaibigang ako'y sa tulong pinagdamutan.
Kamusta kaibigan?
Nalaman ko at narinig sa iilan.
Na nasa ibang bansa ka na at kumikita ng dolyar.
Oo kaibigan,
Narito ako ngayon sa bansang ako'y di pamilyar. Lumayo sa bayang pinagmulan,
Dahil tila sa ating inang bayan , pangarap ay di makamtam.
Bawat sentimo ng dolyar ay aking pinag papawisan.
Kung saan sa trabaho ay sagad ngunit sa trato ay salat.
Kamusta kaibigan?
Wag mo sana akong kalimutan,
Na sa pag asenso mo nawa’y ako'y mabahagian.
Sukat ng aking paa wag kaligtaan, nais ko sana'y iyong may usong tatak at ang halaga ay mataas.
Oo kaibigan,
Pipilitin ko iyong kahilingan ay masakatuparan.
Ngunit tila ako'y mahihirapan.
Sa bansang banyaga kalayaa'y di matamasa.
Dahil Sariling kasuota'y galing sa pinag lumaan.
Kamusta kaibigan?
Abroad ka na pala aking napag alaman
malamang sa pag uwi ay limpak ang dala.
Wag sanang maging matapobre at kami'y di na makilala.
Oo kaibigan,
Ako'y di makakalimot sa bayang ako'y tinalikuran.
Sa gobyernong nag pikit mata at animo'y nagbulag bulagan.
Paano ako makakalimot sa sistema ng pamumuno
Kung saan ang batas ay tila sa mahihirap pinagkait na.
Natapos ko ang pagbasa,
Sa pagkabigla'y ako ay nangangapa pa.
Hindi inakala na sa kaibigan ako'y meron pa pala.
Ngunit ni isa ay wala talagang masinsin na nangumusta..
Sa aking kalagayan ay wala silang balak malaman.
Sa bawat gabi at luhang mag isa kong pinaglaanan.
Sa pagod at gutom na mag isa kong pinagsaluhan.
At sa bawat hirap at pangungulilang aking nilabanan.
Dahil ako'y hindi ninyo tunay na kaibigan. Ako'y isang kapatid,anak, ina, ama ng aking pamilya ngunit sa kaibigan ako'y wala na.