Naglalakad ako ngaun.
Madilim pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakikita ko ang nilalakaran ko.
Sementado ang kalsada. Sa kaliwa't kanan ko ay mayayabong na talahiban. At sa abot ng aking paningin, parang may mataas na pader na nagsisilbing harang sa maaari ko pang makita.Bukod dun, parang alas dyes na ng ng gabi gaya ng sa probinsya dahil nilamon na ng katahimikan ang paligid.
Sa bandang unahan ko, nakita kong naglakad din ang aking mama. Kasama niya si Jepoy, pinsan ko. May mga bitbit silang malalaking plastik bag.
May pupuntahan daw kaming pista. Ewan ko bakit alam ko kung saan kami pupunta ng hindi nagtatanong. Napansin ko lang, sumusunod na ako sa kanila.
Nakakatakot kaya maglakad sa probinsya kapag gabi.
At dahil sa kalikutan ng isip ko, kung anu-anong imahe ang rumerehistro dito. Hindi naman ako matatakutin dahil alam kong may kasama ako pero tama na. Ayoko ng mag-isip ng urban legends ngaun. Baka nga may sumulpot sa harapan ko.
Hutangnaloob.
Mag-isip ng iba.
Sabi ng boses sa isip ko, kasali ang kapatid kong bunso sa sagala ng bayan. Pero teka, talaga lang ha? Paanong pumayag yun? Eh ayaw nga nun ang magsuot ng gown at make-up dahil makati daw yun sa katawan at mukha.
Ng may marinig akong mahinang boses.
Hindi ko maintindihan. Malabo.
Narinig ko ulit ung boses, parang tinatawag ako.
"Ate..."
Hinanap ko kung nasaan yun.
Tinanaw ko sa unahan pero wala dun.
Tumigil ako sa paglalakad.
Lumingon ako pero wala akong maaninag sa dilim.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"..ate!"
Guni-guni lang kita, sabi ko sa sarili ko. Hindi na ako lilingon. Pwede naman akong lapitan na lang kung may kelangan.
Parang mabibingi na ako sa kabang nararamdaman ko.
"Huyyy!!" malayo ung sigaw pero mas malinaw yung boses ngaun. Nag-iisip ako kung nasaan nga ba yung kapatid ko ngaun ng may biglang humawak sa kaliwang braso ko.
Malamig na kamay.
Napatigil ako sa paglalakad. Kinakabahan man eh lumingon ako. Nanlaki ang mga mata ko ng malaman kong babae ito. Napatigil ako sa paglalakad.