Chapter 7. Did I just saw.... him?

12.4K 240 13
                                    

Dedicated kay Shriekingshack. Thank you sa pagiging fan ko! :) :*

Vote.Comment.Read.Spread. *u*

Enjoy! ;)

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

-CHAPTER 7-

Kaila's POV:

Ang aga aga andito ako sa cashier namen. Binabayaran yung natitirang kulang sa tuition ko. Phew! ang init.

"May ibibilis pa ba to'?! napakainit. Kanina pa ko dito. Tss." bulong ko sa sarili ko. Sabay tumingkayad ako para makita kung umuusad ba yung linya.

Tae! daig pa pagong sa kabagalan. Napaka kupad. Di man lang ata makausod ang langgam. Taeeeeeeeeeeeeeeeee. >.<

"Kaila? Oh yes! iha?" sabay lapit saakin ng papa ni Julie.

"Oh tito. Hello po, bat po kayo nandito?" tanong ko sa papa ni Julie

"Ah. Kakausapin ko sana yung kumpare ko sa may cashier. Eh ikaw?"

"Eh nagbabayad po. Ang bagal nga po eh." sabay napatingin ulit ako sa linya kung umuusad ba.

"Gusto mo ako na mag abot sa kumpare ko? para matapos ka na dito."

"N-nako. Nako wag na po. Nakakahiya po eh."

EEEEH. Nakakahiya naman, yung iba nakapila nagtitiis tas ako ganon ganon lang? Wew.

"Nako. Wag ka ng mahiya sige na. Ako na bahala."

"Eh sige na nga po. Haha. Ito po yung bayad---"

"No. Ako na din magbabayad." pagpuputol niya saakin

"Po?! Tito, sobra na po yan. Ito na po..."

"No, no. I insist. Sa lahat ng natulong mo kay Julie... isipin mo nalang early Christmas gift ko to' sayo. Sige na pasok na ko sa loob. At ikaw? kung may pupuntahan ka sige pumunta ka na doon. Alam kong kanina ka pa nandito, halata sa pawis mo. Hahahaha. Sige iha." sabay nag tuloy na siya sa loob.

Napangiti nalang ako. Ang bait talaga ng parents ni Julie... di ko nga alam kung bakit naiinis si Julie sakanila eh. Strict daw kasi, buti nga at strict. At least alam mong may pakeelam sila sayo. Dederetso na sana ako sa may library kasi isasauli ko yung hiniram kong libro ng may mahagip yung mata ko.

Matangkad, katamtaman ang kulay, matangos ilong, naka polo, at nag aayos ng buhok. Yung mga ngiti sa labi ko... unti unting nawala. Nalaglag ko yung librong hawak ko kaya pinulot ko... tas pagtingin ko. Nawala na siya. AAAAAAAAAAACK! ano ba?! Namalikmata lang ba ko?! Hindi eh.... Si John talaga yung nakita ko. Si John yun... imposibleng magkamali ako. Nilibot ko ang paningin ko nagbabakasakaling makita ko ulit siya.... kaso wala na. Napapikit ako ng mariin... miss ko lang siya kaya nakikita ko siya. Sus. -_____________-"

Tumalikod ako at pinilit tanggalin yung nakita ko kanina... wala lang yun Kaila. Wala lang yun, namalikmata ka lang siguro. Pagod lang yan, ipahinga mo nalang mamaya pagdating mo sa bahay niyo. Dumiretso lang ako sa library tas sinauli ko na yung libro ko. Dumiretso ako sa bahay. Ang lamya lamya ko tuloy... wala akong gana. :\ Hayyyy.

"Oh nak. Dito ka na pala... musta?"

"Okay naman po... si tito po pala nagbayad ng kulang ko sa tuition. Nagpumilit po eh..."

"Ah. Nako. Nakakahiya naman, sige papasalamatan ko nalang siya mamaya. May sakit ka ba? bat ang tamlay mo?" puna niya saakin

"P-po? ah-w-wala po. Okay lang po ako. Haha." sabay upo ko sa sofa.

"Kaila? bakit? sige na, sabihin mo... Bakit?"

Sumandal ako sakanya at nag salita.

"Umaasa po kasi ako eh... umaasa na baka siya po talaga yung nakita ko sa school kanina."

"Si John ba?" tanong niya sabay hinaplos haplos niya yung buhok ko.

"Opo... ma, nakita ko siya eh. Nakita ko siya, siya talaga yun... pero... pero nawala siya bigla parang noon lang."

"Hay... mahal mo pa nga rin siya. Bakit mo ba kasi siya iniwan? Eh mahal mo naman pala talaga."

Umayos ako ng upo at tumayo.

"Ma? pagod na po ako. Tulog lang po ako ah." paalam ko at pumanik na.

Pag pasok ko sa kwarto eh humiga agad ako at pumikit.

Kaila? Move on... malay mo siya? hindi ka na niya naalala. Kaya nga bigla nalang siyang naglaho pagkatapos mong makipag break sakanya... ni pagiging friends di niya nagawang ibigay sayo. Malamang, sinaktan mo eh. Ano pa ba inaasahan mo? Tss.

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

Hmm. Mas lumalalim ang sikreto... ;)

CLUE: 'Inlove w/ someone else'

---simplengbabae:***

Love or Friendship? - (JulKathNiel fanfic) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon