C12: Jane's past

31 2 0
                                    

So yeah... I'm gonna tell yah how Jiset met Jane. Feel free to request luv.

Jiset nyu pagod na kakaperma

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jiset nyu pagod na kakaperma.

.

.

.

Jane's POV.

Birthday ko bukas, magiging ten na ako! Ewan ko lang kung hahandaan ako ni papa at mama, pareho kasi silang may sakit eh, ilang araw nang nakahiga si mama sa higaan habang walang tigil ang ubo ni papa.

Halos maubos na ang pera namin kakabili ng gamot ni mama, kaya di na ako hihingi ng kahit ano man sa kaarawan ko. Sana gumaling na sila.

...

Nadinig kong umuubo si papa sa kusina at agad ko syang pinuntahan para tignan kung okay lang sya.

"Okay kalang pa?" Tanong ko.

Umubo ulit sya habang kumakapit ang mga kamay sa upuan na gawa sa kahoy, "Uh... Okay lang ako" Ngumiti sya pero umubo ulit ng malakas na parang nananakit na.

"Hay nako... Magpahinga ka muna, malala na ang lagay mo pa, wag ka nalang muna magtrabaho"

"Eh... Kaarawan mo bukas eh, saka ubos na ang gamot ng iyong ina"

Kahit anong pilit ko sa ama ay hindi parin sya humihinto. Kaya hinayaan ko nalang syang umalis.  Malala na ngayon ang lagnat ni ina kaya napipilitan sya, kung sana lang sapat ang kita ko sa pamamasura.

Agad kong inasikaso ang mama ko, nilagyan ko ng basang towel ang kanyang noo na kay init tulad ng apoy. Naging maputla ang balat nya, ambilis ng paghinga nya, at nananakit ang katawan.

"Mama..."

Nanlungkot ang damdamin ko sa kanyang kalagayan. Ina kong kay sigla-sigla noon ay mahina na ngayon. Nakakalaro ko, hindi na ngayon.

"Ma... Paglaki ko magiging doctor ako"

Ngumiti si mama at agad na kinusil ang pisngi ko ng mahinahon.

...

Kinabukasan, araw ng aking kaarawan. Nagluto ang ama ng isang simpleng handaan para sa aming tatlo, isang lechong manok, tatlong baso ng juice at pingan ng kanin. Nakabili nadin sya ng gamot ni ina.

"Happy birthday Jane, pasensya kung ito lang ang handa natin. dadagdagan ko nalang sa susunod" Baggit ni ama.

"Okay lang po, salamat" Agad ko syang niyakap at ngumiti ako sa saya.

Inalayan namin makapunta si mama sa kusina para kumain, parang di nya na nagagalaw ang kanyang mga paa eh.

Nang nakapwesto na ang lahat ay agad na kumanta si papa ng happy birthday, ngunit huminto sya agad nang sya'y umubo.  Agad nyang tinakpan ang bibig ng towel at biglang napansin kong namumula ang towel, napatingin nalng kami ni mama.

CREATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon