''ZEKE accepted my friend request on Facebook! Ahh!" tuwang-tuwang tili ni Xyzeai pagkakita niya sa notification ng profile niya sa Facebook. Kasalukuyan siyang nakiki-Wi-Fi sa isang coffee shop kasama ang dalawang matalik niyang kaibigan.
"Psst, Zy. Hinaan mo nga 'yang boses mo.Pinagtitinginan tuloy tayo ng mga tao. Nakakahiya" pabulong na saway sa kanya ni Christine. Luminga-linga ito sa paligid.Hindi niya ito pinansin. Okay lang na pagalitan siya nito, sobrang saya naman niya. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao at mapagkamalan siyang nababaliw. Gusto niyang ipahayag ang sayang nararamdaman niya. Sabihin nang mababaw ang kaligayahan niya pero walang sino man ang makakasira sa magandang mood niya.
"OMG! Super O-M-G! Ang matagal ko nang inaasam na mangyari, sa wakas ay natupad din. I just can't help but scream. I've waited so long to have him accept my friend request on Facebook. Grabe! Ang saya-saya ko. As in!" nagha-hyperventilate na bulalas niya. Pinunasan niya ang imaginary tears niya, saka sunod-sunod na tumili. Naipukpok pa niya ang dalawang kamay sa mesa. Maagap namang nasalo ng isa pa niyang kaibigang si Annie ang mga basong walang laman nang gumulong ang mga iyon sa ibabaw ng mesa.
"My God, Zyxeai Flyr. Shut your big mouth up! Maghunusdili ka. Baka madagdagan ang babayaran natin dito sa coffee shop. Muntik nang mahulog itong mga baso! 'Buti nalang, magaling akong sumalo," saway ni Annie sa kanya pagkatapos nitong maiayos ang mga kawawang baso.
"Ano ka? Siya lang ang magbabayad ng mga nabasag 'pag nagkataon," pakli ni Christine.Nag peace sign siya sa mga ito at sa mga customer na nabulabog niya. "Sorry. Hindi na ako sisigaw. Happy lang kasi ako, eh. Pagbigyan n'yo na ako." Nangangarap na tumingin siya sa asul na langit. "Lord, thank you po. Blessing po ito." Makakapag stalk na rin ako sa day to day life ng Loves ko. Yay! Humagikgik siya.
"Oh, please, Xy. First year college pa lang tayo no'ng padalhan mo ng FR si Zeke. Eh, Diyos ko, 'day, two years n atayong graduate sa college pero ngayon lang niya in-Accept? Unbelievable!" umiiling-iling na sabi ni Annie."Hindi ka namin masisisi kung talagang napakasay mo ngayon. Years ang hinintay mo bago niya naisipang i-Accept ang nilulumot mong pangaln sa list of pending for approval niya. Naawa na siguro sa'yo si Zeke kaya pinagbigyan la na lang niya. Sorry na lang siya at ang makulit niyang manliligaw ay may pagkakataon nang istorbuhin ang nananahimik niyang profile. Poor him." Pumalatak si Christine, sabay tawa.
Zeke Dyn Del Valle had been her ultimate crush since college. He was a campus hearttrob. He possessed charms that could make a girl's heart go crazy. At isa na siya roon. Para sa kanya, ito na ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya sa balat ng lupa. Agad niya itong nagustuhan nang minsang iligtas siya nito sa dalawang pangahas na goons na lumapit sa kanya noong gabing wala siyang sundo sa school at kinailangang mag-commute. It was infatuation at first sight. Hindi man lang ito napuruhan nang makipagsuntukan ito sa mga goons, bagay na ikinabilib niya. Para siyang nasa action movie at ito ang prinsepeng magliligtas sa kanya sa kapahamakan.
Kumaripas ng takbo ang dalawang unga sna parehong bugbog-sarado. Nadapa pa nga iyong isa sa sobrang pagkataranta at takot. Pagkatapos ay niyakap siya ni Zeke upang patahanin siya sa pag-iyak. Sa totoo lang, ang amoy nito ang nakapagpatigil sa mga luha niya. Ang bango-bango nito.Inihatid siya nito sa bahay nila sa isiping baka balikan siya ng mga goons. Nagpasalamat siya rito at nagpakilala. He saved her from danger at habang-buhay niyang tatanawin iyong utang-na-loob dito.Mula noon ay hindi na ito nawaglit sa isip niya. Maraming beses din niya itong napapanaginipan sa gabi. Kinikilig siya tuwing nagpe-playback ang eksenang iyon sa isip niya. Ang sarap kasing balik-balikan iyon.
Ang sarap isiping may isang guwapong tulad nito ang nagligtas sa isang cute na katulad niya.Nalaman niyang pareho sila ni Zeke ng kursong kinukuha noon--- Business Administration. Hindi nga lang sila magka-block dahil mas matalino ito kaysa sa kanya kaya understood na sa star section ito. Consistent ito sa dean's list at laging number one sa klase. Impressive. Kaya lalo siyang nahumaling dito. Guwapo na, matalino pa.Mula noon ay palagi na niya itong sinusundan. Binabati niya ito tuwing nakakasalubong niya ito sa hallway na ginagantihan naman nito ng matamis na ngiti. Halos panawan siya ng ulirat sa kilig kapag ngingitian nito. Killer smile kasi iyon. Gusto niyang palagi itong nakikita. Hindi kasi nakokompleto ang araw niya kapag hindi nakikita o nasisilayan ang maamong mukha nito.
YOU ARE READING
For the love of Zeke
Teen Fiction''I've tried so hard to ignore my affection towards you but i failed. It's so hard, lalo pa't gustong-gusto ko namang magpaapekto sa'yo'' -Zeke